Chapter~3

123 2 0
                                    

Dedicated to leah-jaz
Para sa unang naniwala sa akin...

===========

👉ENJOY READING^_^

*Althea*

Nandito kami ngayon sa party ni Reina. Pilit nya akong sinama dahil ayaw daw nyang mainip. Napilitan akong sumama dahil nagbanta itong aalis sa Party na yun oras na siya ay mainis dahil sa ayaw nya talaga na magpunta..

Nahihiya naman ako kay Drake dahil hindi nya masolo si Reina. Sa tuwing lalayo kasi ako ay agad akong hinahanap ni Reina..

Kilala ko na din halos lahat ng kamag-anak ni Drake at lahat naman sila ay mababait...

Kaarawan ng papa ni Drake kaya napilitan akong sumama para na din sumama si Reina kay Drake. Ayoko naman na mapasama ang kaibigan ko dahil sa hindi ito pumunta samantalang si Drake pa mismo ang nagsundo sa kanya..

" Beb...uminom ka kaya.. Ako lang ang umiinom eh..!"- nakasimangot na sabi ni Reina habang inaabot sa akin ang isang baso na may laman na alak. Napailing ako ng makita ko na namumula na ito. Hindi ito sanay uminom pero ewan ko ba bakit kailangan nya uminom ng madami ngayon..

" tama na yan beb..nakakadami ka na yata eh.. Sige ka,,malakas ang tama nyan bukas..di ba may lakad ka pa..?"- awat ko sa kanya at saka ko kinuha ang baso.

" ikaw kasi eihh..pinipilit mo ako alam mo naman pala na may lakad ako bukas. Ikaw may kasalanan nito."- pagmamaktol nito sa akin.

I sighed

Lasing na nga ito. Namumungay na kasi ang mga mata nya. Isa pa baluktot na ang pananalita nya..

"sige na beb..last na ito,,ikaw na lang drink mo na para sa akin...pleaseeeee....pleaseee beb..."- bigla nitong sigaw sa harapan ng mukha,, agad ko ng kinuha yun inaabot nya sa akin na kanina pa nya hawak pero hindi naman nya iniinom..

" hhhuuuhhh....beb... Ang tapang naman nun..!"- nakaramdam ako ng hilo ng maubos ko yun.. Mabuti na lang wala ng masyadong tao sa bahay nila Drake kaya hindi na nila nakikita ang kalokohan namin ng kaibigan ko..

==============

"hindi mo alam Drake....sinong niloko mo... Hayop ka pala eh .. Niloko nyo akong dalawa...manloloko kayo..."

" Reina.... Reina...please sweety makinig ka naman ohh... Hindi ko alam bakit kami magkatabi ni Althea..sweety...nagising na lang ako na siya ang katabi ko..."

" Gago ka Drake hindi mo alam pero magkayakap kayo.. Gago ka..."

" fuck... Dahil akala ko ikaw siya... "

Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Akala ko noon una ay panaginip lang yun kaya hindi ko muna pinapansin. Pero habang tumatagal.....

" aawwww...." napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang grabeng kirot nun..

Kinalma ko muna ang sarili ko at tuluyan ng bumangon. Nakita ko si Drake na matiim ang pagkakatitig sa akin,, at si Reina na namumula... Matalim ang tingin nito sa akin na parang sinusuri nya akong maigi.. Tumaas baba pa ang mata nya sa katawan ko saka ko nakita kung paano siya umismid..naguluhan naman ako sa kinilos nya..

Mananatili kang akin! #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon