Chapter~17

80 2 0
                                    

A/N: ^_^ follow me!!
💚💚

👉ENJOY READING^_^

*Althea*

Naglalakad ako sa paligid ng Hacienda. Gusto ko munang irelax ang sarili ko dahil nakakaramdam ako ng stress. Nakatanggap kasi ako ng annulment paper mula kay Drake. Hindi ko nga alam kung paano nya ako natuntun o sadyang may pera lang talaga kaya nagawa nya agad akong makita.. Hindi ko nagawang basahin pa ang papeles na yun. Nakaramdam na kasi ako ng panghihina at muntik pa akong matumba. Mabuti na lang ay agad akong naagapan ni Mei at hindi ako natumba. Alalang alala ito sa akin.

Sa totoo lang umalis ako at iniwan na lang siya basta. Wala akong pinagkaiba kay Eina. Hindi ko din alam kung nagkita na ba sila dahil pinaasikaso ko kay Lucas ang paghahanap kay Eina. Si Lucas ay may agency ng mga P.I kaya madali na lang sa amin ang mahanap kung sino man ang nawawala,kaya nga hindi na ako nagtaka pa ng sabihin sa akin ni Papa na alam nya kung nasaan na ako.

"Ma'am...malayo na ang nalalakad nyo baka mapagod kayo ng husto. Mabuti pa ay magpahinga muna kayo dun.."

agad akong tumingin sa lugar na itinuro ni Mei. Nagtaka nga lang ako dahil sa gitna ng bukid ay may nakatayong tent.. Kulay pink pa nga yun pero transparent ang gilid nya kaya kita ko yun loob na may nakalagay na maliit na couch,may maliit na mesa na may mga pagkain laman. Tumingin ako kay Mei ng may pagtataka. Siyempre ikaw ba naman nasa gitna ka ng tubuhan at palayan tapos sa may open space ay makakakita ka ng ganito. Parang sinadya eh.

Iginiya ako ni Mei papunta dun at nagpatianod na lang ako. Naisip ko kasi na baka si papa ang nagpalagay nun dahil nakita nya akong umalis ng hacienda at alam nya na maglalagalag lang ako sa paligid. Gaya ng dati noon kasama pa namin si mama.. Pag nagtatampo ako sa kanila lumalabas ako ng hacienda. Hindi ako uuwi habang may topak ako. Tapos sa gitna ng sakahan ay may batang lalaki na nakatayo sa isang malaking payong na nakatayo at sa gitna nun ay may lamesang puno ng mga paborito ko. Ngingiti siya sa akin at aayain ako.

Ganun ako ka-spoiled sa kanilang lahat. Mula kay Mico at sa mga pinsan kong lalaki. At kay papa.. Kay Drake kaya!?

" hindi na ako aasa pa. Binigyan na nga nya ako ng annulment paper eh! Asa pa ako." napasimangot akong bigla.

"tawagin nyo na lang ako ma'am pag may kailangan pa kayo dito lang ako sa labas." paalam ni Mei bago ito lumabas ng tent. Natawa ako ng bahagya kasi nakikita ko pa din naman siya. May tinawagan na naman ito,,napapailing ako dahil sa tingin ko may Someone itong hindi nya talaga mapabayaan. Buti pa siya..uggh... Nababaliw na nga yata ako..

" Baby... Ano bang gusto mong inumin..?"- hinihimas ko ang babybump ko. Lagi ko itong kinakausap,minsan nahihirapan ako sa kanya at pag kinakausap ko siya maya maya lang ay narerelax na ako. Sa tingin ko hindi ako pahihirapan ng anak ko pag lumabas na ito.

"Apple shake...uhh ano kaya.. Guyabano,, grapes...grapes...grapes.." inilalabas ko na lahat ng fruits na nasa basket. "huh...bakit wala.. Uggh...baby...walang Grapes.! Nakakainis naman eh.!" pagmamaktol ko ng wala akong makitang Grapes.. Naiinis ako dahil ngayon na lang uli ako nagCrave sa Grapes.. Ang tagal kong hindi kumain nun dahil makita ko pa lang siya naiinis na ako. Pakiramdam ko kasi ay magiging ganun ang kulay ng anak ko kaya iniwasan ko yun kainin.. Pero ngayon... Ngayon na gusto ko ay wala naman...

"Mei...Mei...!" Gusto ko na lang umuwi. Lalo lang yata akong tinopak ngayon. Hindi ko na iniintindi ang Buisit na papel na yun. Mas gusto ko talagang kumain ng Grapes... Uggh..

"Ma'am Thea..bakit po.? May masakit ba sayo.!?" natataranta nitong tanong.. Nasa tenga pa nga nito yun telepono nya at mukhang nakikipag-usap pa siya. Hindi ko na yun pinansin dahil naiinis talaga ako.

Mananatili kang akin! #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon