A/N: wag pong seryosohin kathang isip lang po ng makulit kong imahinasyon'(*∩_∩*)′Just feel free to shout lang po kung maiinis kayo hindi ko naman po maririnig ^_^ hehehe,,,sorry po FC lang ako...masaya lang po!
====ENJOY READING^_^
*Althea*
" ano ba beb,,,, gumising ka na.. Kanina pa siya naghihintay sayo sa ibaba... Nakakainis ka naman eih..! "- napipikon ako sa ginagawa kong pag-alog kay Reina,, ayaw nya kasing bumangon eh! alam ko naman na gising na siya.
" uuuhhhhmmmm"- sagot lang nya habang nag-iinat ng mga kamay nya. Pero nagsalubong agad ang kilay ko ng muli itong magtalukbong ng kumot.. Haiisst pasaway!
" Best.....! "- sigaw ko sa sobrang kunsumisyon sa kanya. Napabangon naman ito na parang siya pa talaga ang naiinis.
" kailangan talaga sumigaw!"- sabi nya ng nakasimangot, napalabi naman ako... Nagagalit kasi siya,hindi ako sanay.
" beb naman kasi.. Kanina pa ako napapagod gisingin ka ayaw mo naman bumangon. Kawawa naman si Drake isang oras na siyang naghihintay sayo..may lakad kayo diba.?" - paliwanag ko kahit na nakasimangot pa ito.
" concern ka sa kanya,, ako ang bestfriend mo pero sa kanya ka concern.. Eh ano naman kung maghintay siya,,inaantok pa ako alam mo na gabi na ako nakatulog tapos ganyan ka pa sa akin... Ikaw na sumama kung gusto mo.. "- nakasimangot nyang turan sa akin, nakataas pa yun kilay nito patunay na nagtataray na talaga siya..
" Best wedding gown mo na yun pupuntahan nyo, sumama ka na saglit lang yun para makita mo na din kung ayos na yun sukat sayo sak-"
"ikaw na ang sumama, sige na beb.."- putol nya sa sinasabi ko.. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat ng sabihin nya yun.
" pero beb,, hindi pwede. Ano ka ba wedding gown mo yun dapat masukat mo na yun,, dali na kasi... "- pangungulit ko sa kanya.
" ikaw na beb... Please,,, pretty pretty please... I want to rest.. Itutulog ko na lang ito kaysa pumunta sa wala naman kwentang lugar.."- nakasimangot nyang sabi. Nalungkot naman ako ng marinig ko yun sa kanya. Tumalikod pa ito sa akin at muling nagtalukbong ng kumot nya.
I sighed
Malungkot akong lumabas ng room nya, ganito kasi sya palagi pag ayaw nya sumama kay Drake. Hindi ko siya mapipilit kahit na si Drake pa ang humila sa kanya. Nagsimulang magbago ang pakikitungo nya kay Drake after ng vacation namin sa Tagaytay.
1 week after pagkauwi namin ay panay na din ang labas nya at kung minsan ay inuumaga na ito sa paguwi. Akala ko noon ay may nilalakad sila ni Drake at dun nga din siya natutulog sa boyfriend nya. Until one day na mismong sa kanya ko na nakuha ang dahilan ng pagbabago sa kanya..
Meron siyang iba... At nasaktan talaga ako na malaman yun,, pakiramdam ko noon ay ako ang niloko. Pinilit ko din siya na kausapin si Drake. Tinanguan lang nya ako. But i know nahihirapan siyang magsalita kay Drake. Ilan beses ko na din nakita na sinubukan nya, but sad to say na hindi siya makakuha ng tiyempo hanggang sa tuluyan na nga itong manlamig kay Drake.
" She's not coming right.. So lets go at baka matrapik pa tayo..! "- bungad agad sa akin ni Drake pagkababang baba ko ng hagdanan.
Drake grab my wrist,, hinatak ko ito dahil sa pagkagulat sa kinilos nya. Napalunok naman ako ng makita sa mukha nito ang pagka irita,, pero bakit ganun kahit galit ang loko na ito ay nananatili pa din siyang guapo sa paningin ko..
" Aahh.. Umm,,, ano kasi!"- kainis naman,, ano ba ito bakit kailangan ko pa na mag-alala sa kanya. Hindi naman ako ang girlfriend nya... Oo nga mahal ko siya pero hindi naman nya yun alam..