👉ENJOY READING^_^*Althea*
"Anong meron sa ibaba Mei.?" curious kong tanong kay Mei. Hindi na kasi nila ako pinababa pa para sa Breakfast at lunch dahil abala ang lahat sa pag-aayos ng Hacienda. May mga narinig din akong dumating na sasakyan at sa tingin ko ay hindi yun pag-aari ng Hacienda. Ang sabi ni Papa ay magrelax lang daw ako at ipapatawag kapag kailangan ako. Hindi ko maisip kung ano ba ang partisipasyon ko dun at kailangan pa na naron ako.
"May mga dumating na bisita ang Papa mo. Nasa Guestroom na nga sila.!" sagot ni Mei habang marahan na minamasahe ang mga binti ko. Nagcramps kasi ako kanina,mabuti na lang narito si Mei...
" naiinip na ako."- nakasimangot na ako, bored na bored na talaga ang pakiramdam ko at malapit ng umiral ang pagiging brat ko.
Panay ngiti lang si Mei sa akin na lalo lang nagpapahaba ng nguso ko. Maya maya ay nakakaramdam naman ako ng antok,pero ng papikit na ako ay kumatok sa room ko si Macoy na mukhang ang aliwalas ng mukha.
" Brat.. Tawag ka na ni Tito."- Macoy
"guapo mo ah!"-
"tss..alam ko na yan.."-Macoy
"hmmp..yabang... Buhatin mo ako.."-
Nanlaki ang mata nito na tumitig sa akin. Aba..hindi ako nagbibiro noh.! Gusto kong magpabuhat eh.. Yun ang gusto ng baby ko.
"Brat...!"- himig hindi makapaniwala.
"Inaantok ako Macohh... Kaya buhatin mo ako kung ayaw mo lang naman na mahulog ako sa hagdan."- pagsusutil ko. Effective naman dahil lumapit na ito sa akin pero bumubulong bulong naman. Napangiti ako ng ngiting tagumpay. Lagi talaga akong panalo sa kanilang lahat kahit noon pa man..
"tss..Your spoiled bitch brat.."- angal nito habang binuhat ako papunta sa office ni papa,nakangisi lang ako sa kanya.
Nakarating kami sa loob ng buhat lang ako ni Macoy, agad nga silang nagtayuan narito din si Mico na may nag-aalalang tingin sa akin. Agad ko itong nginitian,nakuha naman nya agad ang ibig kong sabihin. Si Papa naman ay umayos uli ng upo matapos huminga ng malalim.
"tss.... Tito..your daugther so much pain at my ass.. Kung hindi ko lang yan mahal hinulog ko na yan sa hagdan kanina eh.!"-
"I love you too Macoohhhh..." paglalambing ko sa kanya. Tinawanan lang naman siya ng mga tao sa loob lalo na ng iba pa namin mga Pinsan. Umupo ako sa harap ng table ni papa. Meron tao dun na mukhang abogado at hindi ko siya kilala.. Ngumiti ako sa kanya bilang pag-galang at tumango naman ito sa akin.
Napansin ko na naroon ang apat kong Pinsan. Nagtataka naman ako lalo pa at narito nga din si Mico.
"Ano pong meron..!?" nakakapagtaka kasi na kumpleto silang lahat dito. Ang limang maton na nakapaligid sa akin simula pagkabata at ang aking ama na seryoso. Anong meron diba.?
"Hindi mo pinirmahan ang Annulment paper..!" napatingin ako kay papa ng sabihin nya yun. Isa pa ang puso ko ay nahirapan bigla ng marinig ko ang Annulment.. Kailangan ko bang pirmahan yun.? Ngayon na ba talaga? Hindi pa ako handa.
"Pa..." hindi ko pa kaya..napayuko na lang akong bigla para itago ang pangingilid ng luha ko. Narinig ko naman tumikhim ang mga Pinsan ko,lumapit naman sa akin si Mico at pilit na inaangat ang mukha ko.
I bit my lower lip.Gusto kong pigilan na wag maiyak pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Agad akong umiling kay Mico ng magtama ang paningin namin. Napabuntong hininga lang ito at tumingin kay Papa.
"Kailangan mo ng gawin yun anak. Para mapadali ang kasal nyo ng anak ng Kumpadre ko. Matagal na natin napag-usapan yun diba. Isang buwan na matapos kang bumalik. At inaasahan ko na naihanda mo na ang sarili mo."-
Hindi...kailan man ay hindi ko maihanda ang sarili ko na ikasal sa iba. Si Drake ang buhay ko. At kahit hindi siya ang nasa tabi ko basta alam kong masaya naman siya ay okay na ako...Martir na kung tatawagin pero hindi ko kakayanin..
"Papa.. B-untis ako. Magkakababy na ako,, alam ba ny-"
"Alam nya at tanggap na tanggap nya ang kalagayan mo. Siya na din ang nagmamadaling maikasal kayo bago ka pa man manganak. Ganun din ang mga magulang nya dahil nag-aalalala sila sayo." Putol ni Papa sa sasabihin ko. Hindi ako makapaniwala na tatanggapin ng ibang tao ang baby ko. Mas lalo ko tuloy naramdaman yun sakit sa dibdib ko ng maisip ko si Drake, napayuko ako napaiyak ng husto.. Nanginginig na ang buo kong katawan sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang hindi ko matanggap ngayon na ibang tao ang aako sa baby ko..
"Jesus....sshhh...Babe....babe..please listen, kahit ngayon lang. Alam ni Papa... Alam namin kung ano ang makak-"
"No...hindi nyo alam... Kahit ako hindi ko alam..!" putol ko kay Mico..totoo naman eh..kahit ako hindi ko na alam kung ano pa ba ang makakabuti sa akin, sa amin ng baby ko.
" isa lang ang gusto ko...pakiusap... Sa akin na lang ang baby ko. Ako lang ang para sa kanya... Papa,,please...hindi ko siya ipinilit sa ama nya,mahal na mahal ko si Drake pero hindi ko gustong itali siya sa akin ng dahil sa anak ko. Hindi rin po ako papayag na may umako sa baby ko kahit hindi ito kanya... Ayoko Pa...ayoko...!"-
Halos magwala na ako sa loob ng office ni Papa. Napansin ko pa nga na may Gustong pumasok pero agad yun pinigilan ni Jack at lumabas na din ito. Nakatingin lang naman sa amin ang abogado at tila ba nakikisimpatiya siya sa kalagayan ko.
"No. Buo na desisyon ko Althea ruiz. Minsan ka ng nagkamali at nasaktan. Hindi ko na yun hahayaan pang maulit. Buo na desisyon ko. Magpapakasal ka ulit sa ayaw at sa gusto mo." pinal na turan ni papa na para bang wala na akong karapatan na tumutol sa kanya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nasasaktan,,umiwas naman ito ng tingin sa akin. Kasabay ng salitang hindi ko naisip na agad agad mangyayari.
" Narito na sa Hacienda ang mga magulang ng papakasalan mo. Mamanhikan na sila pinagpahinga ko na lang muna bago ka nila harapin. Ayusin mo ang sarili mo Younglady. Huwag mo akong ipapahiya,, Tama na ang kahihiyan na minsan mo ng ginawa hindi ko yun mapapayagan na maulit pang muli." hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang tinig ng aking ama. Ang katotohanan sa mga sinabi nya sa huli ay masakit. Na dapat nyang ikagalit pero ramdam ko yun sakit at hirap ng bigkasin nya yun sa harapan ko. Ang mga Pinsan ko naman at si Mico ay mga nakaiwas ang tingin sa akin ganun din ang bisitang abogado. Napahikbi na lang akong bigla. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas.
Tumayo na ako at nagpaalam.
" babalik na po ako sa kuarto. Bigyan nyo pa ako ng oras para pirmahan ang papel na yan.!" anas ko na sa huli ay hindi ko pa din mapigilan ang hindi mapaiyak. Pinilit ko ang sarili ko ng humakbang kahit na pakiramdam ko ay babagsak na ako..
Nahihirapan akong isipin kung bakit kailangan kong masaktan ng ganito. Mali ba talaga na minahal ko si Drake sa kabila ng may iba na itong iniibig.. Tiniis ko naman lahat ng sakit. Pero ayokong maramdaman ng magiging baby ko ang kamiserablihan ng buhay ko kaya pinili ko ang lumayo sa kanya..
Nakalabas na ako ng office ni papa ng salubungin ako ni Mei at agad binigyan ng inumin. Kinuha ko naman yun at nagpasalamat sa kanya.
" May bisita ka Ma'am Thea.. Buntis din siya sa tingin ko...!" napamaang ako kay Mei ng sabihin nya yun. Nagtataka ako kung sino yun. Inalalayan ako nitong maglakad pababa sa unang palapag.
Ng makarating kami dun ay agad na binundol ng kaba ang
dibdib ko ng makita ko ang bisita ko habang nakatalikod ito.Yun takot na nararamdaman ko noon ay nasa harapan ko na. Oo nga at pinahanap ko siya. Pero bakit siya narito,, siya ba yun buntis.?
Sinong ama?
Siya ba?
Nagkita na ba sila?
Bakit pa siya nagpunta dito.?
"Eina."
~📖~
Vote and Comment
©All Right Reserved
2016/2017
#crazmix😊
#Jhamichsha😘