Chapter~6

123 5 0
                                    

😀thank you"MiraDelbiron"😊

*Rated Spg alert^_^ some word not suitable to not open minded person *

👉ENJOY READING^_^


*Althea*

Para akong sira na nakahawak sa labi ko ng maalala ko kung paano ako halikan ni Drake nun araw ng amin kasal. Pakiramdam ko nun ay punong puno yun ng pagmamahal. Pakiramdam ko lahat ng nararamdaman kong lungkot at sakit sa dibdib ko ay agad na naglaho ng dahil sa halik na yun. Hindi ko lang maisip hanggang ngayon na magagawa nya akong iwan sa mansion nila. 2 months na kaming kasal.. At sa loob ng mga panahon na yun ay hindi ko na siya nakita...

"lutang ka na naman.!"- agad kong nakagat ang labi ko ng magsalita si Ashley. Kaibigan kong matalik si Ashley bago ko nakilala si Reina. Agad akong nagpunta sa bahay nila ng malaman ko na magbabakasyon siya dito ng ilan araw.. Ng malaman nya ang tunay na kuento sa biglaan kong pagpapakasal ay nagalit talaga siya kay Reina. Lalo na kay Drake ng malaman din nya na hindi naman pala ako inuuwian nito.

Napakagat labi ako at agad uminit ang mga mata ko ng maalala ko ang sinabi nito matapos ang kasal.

" wag mo na akong hintayin,tapos na ang kasal natin. Nagawa ko na ang gusto ni Reina.!"

yun ang huling salita ni Drake ng iwanan nya ako ng gabi ng aming kasal. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya umuuwi ng Mansion nila. Nalaman ko din na sa condo nya siya umuuwi.

" anong balak mo ngayon sis.? Talo ka sa laban, itinali ka na lang ng walang palag at iiwanan ka lang pala sa isang tabi.!" sabi ni Ashley habang kumakain ng bukopie na binili ko para sa kanya. Favorite kasi nya ito. Ngumiti ako ng mapait sa katotohanan ng sinabi nya. Tama naman ito eh.! Minsan nakikita ko na lang ang mga tao sa mansion na tila naawa sa akin. Ang parents ni Drake ay bigla na lang umalis dahil may emergency daw na nangyari kay Adrian ang pangalawa nilang anak. Mas nakaramdam ako ng lungkot ng nakaalis na sila. Gusto akong isama ni mommy pero tumanggi ako. Kahit paano kasi umaasa ako na babalikan ako ni Drake. Kahit hindi ko gustong umasa,, hindi ko pa din mapigilan.

" girl..hindi ka na gumalaw dyan..ayusin mo nga ang sarili mo. Kung hindi ka nya mahal eh ano naman.. Hanapin nya yun taong gusto nya na manloloko naman.. Hindi ka naman dapat maguilty dahil wala ka naman talagang kasalanan,, pumayag ka ng magpakasal sa kanya kahit na may pagkakataon ka na wag ng ituloy.. Hindi mo nagawang umatras dahil guilty ka or ...ohh my god!"- napahinto pa ito at tumitig sa akin nanlalaki ang mga mata.

Wait...don't tell me your inlove that bastard!!?"-dugtong nya na halos isigaw nya yun sa mukha ko na hindi ko naman magawang itanggi..

Nanlaki talaga ang mata nito na hindi makapaniwala.." tan**a... Alam ba niya.!?"- Tanong nito na hindi makapaniwala. Umiling lang ako. Para naman itong nabunutan ng tinik ng bumuga ito ng hangin..

" may balak ka bang ipaalam.?"- sabi nya na nakatingin talaga sa mga mata ko na para bang binabasa pa nya ang ikikilos ko. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Wala.. Hindi ko kayang gawin. Ayoko na ikulong si Drake sa akin.!"- kumirot ang dibdib ko ng sabihin ko yun.

" si besty ang mahal nya at hindi ko yun hahadlangan.. Maghihintay lang ako ng tamang oras. Wala akong pinagsasabihan nito Ashley..ikaw pa lang, kahit si Mico hindi nya alam kung sino ba yun lalaking alam nya na minamahal ko."- nakayuko kong turan. Pinaglaruan ko na lang ang hawak kong juice na iniinom namin. Hindi ko kayang tumingin kay Ashley na pilit akong hinaharap sa kanya.

Mananatili kang akin! #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon