😊Thank you po nagbabasa ka pa din!😊👉ENJOY READING^_^
*Althea*
Kahit na nalaman ko na pinabago ni Drake ang design ng kuarto nya ay hindi ko magawang pumasok.. Sa ilan beses kong pagtatangka na pumasok dun ay tanging panginginig ng aking mga kamay ang napapala ko sa tuwing hahawakan ko pa lang ang door knob. Para kasing palabas na nakikita ko pa Ang nangyari dito kahapon.
Kaya kahit papadilim na ay hindi pa din ako nakakapagpalit ng damit ko.. Si mommy ay nasa silid na nila habang sila daddy at Drake naman ay wala pa.
" inumin mo ito para marelax ka."- inilapag ni Nana Sepa ang isang baso ng gatas sa aking harapan. Tiningnan ko ito ng may pagtataka.. Ngumiti ito sa akin na pinagtataka ko..
I sighed
" Salamat po nana.."- anas ko. Naramdaman ko na umupo ito sa akin tabi at nabigla ako ng ginagap nya ang aking palad.
" Nana...may problema po ba!?"- kinakabahan kong tanong sa kanya. Nagtataka kasi ako sa kinikilos nya. Nakita ko naman na parang naiiyak ito kaya naalarma naman ako agad..
" Nana Sepa... !"-
" wag kang sumuko anak,, nakikiusap ako wag mong susukuan ang alaga ko ha! Wag mo siyang iiwanan,,wag.."- anas nito. Natulala lang ako sa kanya.
Napalunok ako ng ilan ulit,napapailing na lang ako sa sobrang pagtataka. Dalawa na sila ni Mommy ang nagsasabi ng ganito sa akin.. Nagkakamali sila sana si Reina ang sinasabihan nila ng ganito.. Nasasaktan lang kasi ako dahil hindi naman talaga ako ang kailangan ni Drake...
" magpahinga na po kayo Nana..!"- yun lang ang tangi kong sagot.. Hinaplos naman nito ang palad ko at saka muling nagsalita.
" patawarin mo ako anak sa mga nagawa ko sayo.. Akala ko kasi ikaw ang dahilan kung bakit nasasak-"
*beeppp*
Hindi na natuloy ni Nana ang sasabihin nya ng madinig namin ang malakas na busina, patunay na nakauwi na sila.. Ngumiti na lang ito sa akin at nagpaalam na iinitin ang pagkain ng mag-ama.. Tumango lang ako..
Nakakaramdam na ako ng pagod at sa totoo lang gusto ko ng matulog,, pero hindi ko kayang pumasok sa silid na yun..
Maya maya ay naramdaman ko ang paglapit ni mommy..pinapapasok na nya ako sa loob para kausapin ni Daddy. Alam ko na naron na si Drake at kahit hindi pa ako handa na makita siya ay wala talaga akong magagawa..
Ito pa din ang suot kong damit hindi naman nila alam yun,, pero si Drake ay alam nya na hindi pa din ako nakakapagpalit.. So what...?
" Hi Dad... "- anas ko matapos kong halikan sa pisngi si daddy na mataman ang pagkakatitig sa akin.. Pinagaaralan nya ang bawat galaw ko kaya nakaramdam na naman ako ng pagkailang. Alam ko na ganun din si Drake pero hindi ko siya tinitingnan kahit saglit..
" your okay hija..? How about your lips!? That's hurt..! Oh..well i know na wala ng sasakit pa sa ginawa ng gagong yan sayo..!"- napasinghap ako ng biglang tumaas ang boses ni Daddy at galit na galit na dinuro ang sariling anak..
" aahhmm..d-dad..im okay.. Okay lang po ako.. Wag na po kayo magalit..."- kinalma ko siya ng makita ko na namumula na ito sa sobrang pagtitimpi.. Agad ko naman naiwas ang mata ko kay Drake ng matingnan ko ito.. Sa sandaling pagkakasalubong ng mga mata namin ay parang nakaramdam ako ng pagmamakaawa dun na tingnan ko siya..
Nasasaktan na naman ako na makitang nasasaktan si Drake..
" nasabi sa akin ni Sepa na hindi ka pa pumapasok ng room nyo.. Hindi ka naman umalis na sana ginawa mo na lang.."- sigaw ni Daddy na galit na galit.