👉ENJOY READING^_^*Althea*
Napabalikwas ako ng bangon sa Kama na kinahihigaan ko. Nilibot ko ang mata ko na nagtataka dahil hindi ako pamilyar sa paligid ko..I bit my lip at agad na kumabog ng matindi ang dibdib ko ng maalala ko na isinama ako ni Drake kung saan man ay di ko pa alam. Mabilis akong bumango at lumabas ng silid.
Para akong magnanakaw na naglalakad ng dahan dahan,,panay ang linga ko kung saan saan pero kahit naman saan ako tumingin ay puro mga abalang tao ang nakikita ko.
" Piesta siguro ang pinuntahan namin ni Drake.. Nasan na kaya ang lalaki na yun.?"- mahina kong usal.
pumasok ako sa unang pinto na nakita ko,nga lang ay hindi din ako nakakilos. Lahat kasi ng tao na naron ay natulala sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng hiya dahil parang hindi pa ako nakapagsuklay man lang. Pagkabangon ko kasi ay agad na akong lumabas ng room na tinulugan ko...ni hindi pa nga ako nakapag mumog..
" uhmn.. Hello po.. Pwede pong magtanong.. Hinahanap ko po kasi si Drake..!?"- alanganin kong sabi. Nakita ko naman na may tumayong babae na medyo may edad na.. Ng humarap ito sa akin ay hindi ko maiwasan ang mapa nganga.. Para kasing nakikita ko sa kanya ang female version ni Drake..nakaramdam ako ng akward lalo na ng lumapit ito sa akin...
" come here hija.. And call me mommy okay.. Maupo ka dito.. Kumain ka muna at madami pa tayong gagawin.."- malumanay nitong sabi.. Kiming tango na lang ang nagawa ko. Segundo lang ang lumipas ay may nakahain na sa harapan ko. Kinain ko naman ang hinain sa akin dahil sa nahiya naman ako at higit pa dun ay nakakaramdam talaga ako ng gutom.. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagtitig ng mommy ni Drake.. Ngayon ko lang uli siya nakita at nakakaramdam talaga ako ng hiya lalo na at naalala ko ang eksena na nangyari sa mansion nila sa Manila..
" Ready ka na ba hija.. Irelax mong tummy mo baka mahirapan yan mamya sa pagsuot mo ng wedding gown."- Napaubo ako ng marinig ko na sinabi nya yun,, halos maubos ko ang tubig na nasa harapan ko dahil sa gulat.. Nagtataka naman itong nakatitig sa akin..
" S-sorry po ma'am... Nagulat lang po ako. Ahhmm wedding..eerr... Wedding po ngay-"
"Yes... This is the day of our wedding.. Hi mom.. Im sorry..Hindi ko kayang hindi makita ang bride ko."- putol ni Drake sa sasabihin ko.. Agad itong lumapit sa akin at masuyong inangkin ang labi ko kahit na nasa harap pa ang mommy nya.. Pakiramdam ko ay uminit ang buong mukha ko sa ginawi nya..
" oh god Son.. Grabe ka talaga kay Althea,, tingnan mo ang mukha ng magiging asawa mo..ikaw talaga,,o siya alam ko na hindi kita mapipigilan sabay na lang kayo magbihis..
mamaya pa naman dadating ang magme make up kay Althea so take your time Son.."- bilin nito saka nagpaalam na ito sa amin.Binitawan naman ako ni Drake ng mawala na sa paningin nya ang mommy nya.. I heard a deep sigh from him bago humarap sa akin. Hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip nya,masyado kasing blanko ang pinakikita nya sa akin na emosyon.. Pero hindi ko maikakaila ang nababasa kong galit sa mga mata nya.
Nagyuko ako ng ulo at agad na humingi ng sorry..
" why... Alam mong hindi sapat ang Sorry Althea.. Hinding hindi ko yun matatanggap ng ganun lang."-Drake.
" Drake,, hahanapin ko si Reina. Ibabalik ko siya sayo. Please..wag naman ganito.. Hindi ako pwedeng magpapakasal sayo..!"- i bit my lip ng rumihistro yun sakit sa dibdib ko.. Hindi ko gustong maikasal kay Drake dahil lang sa gusto ni Reina.. I want him to love me back. At kung ikakasal kami ay dahil yun sa mahal nya ako..
" You know what Althea..Hindi ko din pinangarap na magpakasal sayo.. Pero dahil subtitute ka ni Reina sa lahat ng lakad namin na hindi siya nakakasama o dahil sa ayaw nya,,eh lagi kang nandyan... Panindigan mo na... Be my Subtitute bride,, maybe a wife..."- may galit sa boses ni Drake sa bawat bigkas ng mga sinabi nya. Para naman hiniwa ang dibdib ko ng isang punyal na may apoy.. Mabilis na uminit ang paligid ng mga mata ko.