Chapter~7

122 3 0
                                    

😊Thank you "Yola22"😄

👋👉👉 SPG ALERT👈👈👋👋

👉ENJOY READING^_^

*Althea*


" kumain ka na.. Nasa library pa ang asawa mo. Nagpadala yun kanina ng coffee. Sigurado ako na ayaw nyang magpaabala kaya mauna ka ng kumain."- Nakatingin lang ako kay Nana Sepa habang sinasabi yun. Nalulungkot ako na kahit siya ay galit sa akin. Ang alam ko mula ng ipinanganak si Drake ay siya na ang nag-alaga dito. Hindi ko din alam pero mabigat ang loob nya sa akin. Nahirapan akong pakisamahan siya lalo na at pranka talaga siyang magsalita na ayaw nya sa akin dahil ako daw ang sumira ng kaligayahan ni Drake.. Hindi ito nakangiti na dumiretso ng kusina. Napalunok na lang ako, hindi ko alam bakit ko nakakayanan ang ganitong pagtrato. Kahit kelan walang nagsasabi ng masama sa akin.. Sa kanila ko lang talaga nararanasan ang ganito.

Humakbang ako pabalik ng pangalawang palapag kung nasaan ang silid namin. Nawalan na din ako ng gana kumain kung hindi ko na naman pala makakasabay si Drake. Kung nitong mga huling araw ay naiintindihan ko na wala siya at hindi ko makasama sa hapag kainan. Pero ngayon kahit nandito naman siya ay hindi pa din kami puede magkasabay dahil sa abala ito. O sadyang inaabala lang ang sarili nya para makaiwas sa akin.

I sighed

Nadaanan ko ang mini office ni Drake nakasarado yun, nanginginig ang aking kamay na inabot ang seradura ng pinto nito. Napakagat labi ako ng mahawakan ko yun pero nawalan ako ng lakas na pihitin yun. Nagmamadali na akong tumalikod at mabilis akong nakapasok ng silid ko. Halos habulin ko ang paghinga ko dahil sa pagtahip nito. Ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang nais na nitong lumabas sa dibdib ko..

Wala naman akong magawa hindi ko gustong kumain mag isa sa malaki nilang lamesa. Ng umalis ang parents ni Drake ay kumain akong mag-isa sa lamesa na yun. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko. Pakiramdam ko nga hindi ako nabusog ng mga oras na yun. Kaya ng malaman ko na narito sa pilipinas si Ashley ay agad akong nagpunta ng bahay ni Mico.

I sighed

Kinuha ko ang phone ko at agad na nagtxt ng mensahe kay Ashley.

To:Ash

*sorry ha! Hindi ko kasi alam na uuwi siya. Pupunta ako bukas pag maayos na ang pakiramdam ko. Dumating ba si Mico,? pakisabi nami~miss ko na siya.*

Agad Kong nasend sa kanya ang tinype kong message.

Maya maya ay umilaw na ang akin telepono.. Tumatawag na ito. Kinagat ko ang labi ko ng sagutin ko iyon. Nahihiya kasi ako sa kanya,lalo pa ng maalala ko yun pinahiram nya na nighties sa akin..

{ grabe ang tagal mong sagutin} utas nya sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang ilang beses nyang pagbuntong hininga.

" Sorry.. Kalalabas ko lang ng CR.!"- pagsisinungaling ko na hindi naman nya kinagat..

{ Sissy,,im going home. Umuwi na si Mico dito dahil akala nya ay maabutan ka nya. Ang sabi mo sasama ka sa akin sa Tagaytay ngayon.. Masama ba ang pakiramdam mo kaya hindi ka makatuloy ngayon.!?}

Mananatili kang akin! #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon