👉ENJOY READING^_^*Reina*
I'm so f*cking nervous...jeezzz kung hindi lang ako naawa kay Drake putcha..hindi talaga ako magpapakita kay sissy.. I felt so much Guilt.. Pinangunahan ko siya,, Pero kahit ganito yun nadarama ko ay hindi ako nagsisi sa ginawa ko noon. Isa pa alam ko naman talaga na si Sissy ang mahal ni Drake. The way he look at my bestfriend. Ang pag care nya dito. Noon pa naman alam ko na yun, wala din naman akong nararamdaman kay Drake ng mga panahon na yun ay nadala lang ako ng kantyawan ng mga kaibigan namin.
Haist.. Hindi ko naman yun sineryoso at alam ko na ganun din si Drake. Masaklap lang ay si Drake yun tipong handang panagutan ang lahat kaya ultimo yun kantyawan nila ng makita nila kaming lumabas ng isang kuarto ay napagkamalan na kami na. Ang loko pinanindigan na nga hanggang sa nakasanayan ko na lang..
Nagkaron din ako ng eskandalo na umabot sa dapat na pagpapakasal ko kay Drake. Pinag-usapan na namin yun kaya lang ay nabago ang ihip ng hangin mula ng mabasa ko ng hindi sinasadya ang Diary ni Althea.
She's inlove... At kay Drake pa yun. Paano ko pa itutuloy ang napagkasunduan lang namin ni Drake kung nakikita ko na nasasaktan si Althea. Yes... Alam naman na ni Drake na hindi bukal sa loob ko ang pagpapakasal sa kanya. Pero alam ko na nasaktan siya ng iwan ko siya sa ere. Sumugal ako para sa kanilang dalawa. Gusto ko na makita nila parehas ang kahalagahan nila sa isa't-isa. Alam ko sa puso ko na sigurado talagang mahal ni Althea si Drake. Hindi nga lang ako NOON nakakasiguro kay Drake. Until the day na magpakita siya sa akin ng umiiyak..
"Eina... Eina...please...help me to find her...please!!"- natulala talaga ako ng makita ko ang pag-iyak ni Drake sa harapan ko. Nakaluhod pa ito habang paulit-ulit na nakikiusap sa akin. Nagkatinginan lang kami ni Dreik. Ang aking boyfriend soon to be my hushband.
"What happened? Tell me...sinaktan mo ba siya!?"- kinakabahan kong tanong. Hindi na ako nagulat sa sinagot nya.
"Hindi ko sinasadya... Hindi ko alam na iiwan nya ako agad..."- umiiyak na turan nya. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya..
*Pakkkk*
Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko napigilan ang mapaiyak.Nag-aalala ako kay Althea. Agad akong niyakap ng Boyfriend ko at hinagod ang likod ko.
"Why..? Anong dahilan para tulungan kita. Sinira mo ang tiwala ko sayo. Sinaktan mo siya,sa tingen mo sasabihin ko kung nasaan siya.. Bahala ka sa buhay mo Drake. Kahit alam ko kung nasaan siya hindi ko ipapaalam sayo.''-