Dedicated to "Ms.Katamaroaniel" 😊 ito na po yun Request mo.😉
👉ENJOY READING^_^
*Althea*
Nagising ako sa ingay sa labas. Parang may nag-aaway na ewan at maya maya pa ay nagkakalabugan na kaya napatayo ako ng wala sa oras.. Dali dali akong napalabas ng kuarto para lang magulat...
"tan**na..."- sigaw ni Drake pagkakita sa akin. Nakaibabaw siya kay Mico na mukhang nasuntok na nya ng ilan ulit dahil nakita ko na nagdurugo na ang labi nito.. Mabilis akong lumapit sa kanila.
"oh my god...M-mico..!"- natitilihan kong hawakan si Mico.. Itinulak ko si Drake para makaalis siya sa pagkakadagan nya kay Mico.
"Fuck....!"-
nagulat na lang ako ng bigla na lang akong hilahin ni Drake patayo.. Ramdam ko yun galit nya pero hindi ko puedeng ipagwalang bahala si Mico..
"oohhh..my god... A-anong nangyari... Mico.. Mico..!"- Naghisterikal naman si Diana ng makita nya ang kalagayan ni kuya. Galing ito sa kabilang kuarto at sa tingin ko ay nagising lang din ito.
Umiiyak na kami parehas.
"Shit.... Ganito ba ang ginagawa mo pag wala ako sa tabi mo.. Sumasama ka sa ex mo.. Ang matindi pa.... Dito ka pa talaga natulog... Tang**a talaga Althea...bakit!? Bakit ikaw pa ang pinakasalan ko... Nakakagago ka lang... Sinira mo kami noon ni Reina... Ngayon... Fuvk... May bago ka na naman sisirain...!"- galit na turan nya habang nakatingin kay Diana na tila naaawa...
Hindi na ako nakasagot para itama kung ano man ang nasa isip nya. Para kasing dinaganan ng mabigat na bagay ang puso ko at hindi ako makahinga sa tinuran nya.. Ito yun oras na kinatatakutan kong marinig sa kanya na nagsisisi siya na ako ang pinakasalan nya. Alam ko na darating din ito pero hindi ko naisip na agad agad naman mangyayari...
"D-rake...!"- mabilis ako nitong hinila palabas ng unit ni kuya.. Marahas yun at nasasaktan ako.. Ramdam ko talaga ang galit sa kanya...
"Uggh...Santillan.....!"- napalingon ako kay kuya ng humabol ito sa amin... Pinipigilan na siya ni Diana..
Bumalik si Drake kay Mico na ikinatili ko dahil sinalubong uli nito ng suntok si Mico..
"fuvk you ka..... Damn it...!"- galit na galit si Drake... Hindi lumalaban si Mico na alam ko naman na puede nya gawin.. Hindi ko nagawang gumalaw dahil parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang nakita na nagalit ng ganun si Drake. Ngayon ko lang din nakita na magpaubaya si kuya ng ganun.. Alam ko kung bakit nya yun ginawa...alam ko kung bakit hindi siya lumalaban...
"Tama na...tama na puede ba..!"- galit na sigaw ni Diana at agad itinulak si Drake. Niyakap naman nya agad si Mico na pilit pa din humaharap kay Drake.
"ugg... Hindi ako gumanti... Pero pakiusap... Wag mong sasaktan si Althea...please... Wag mo siyang sasaktan..!"- napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang pagluhod ni kuya sa harap ni Drake. Para naman pinagsakluban ng langit si Drake ng makita ang ginawa ni Mico. Si Diana naman ay walang nagawa kung di ang damayan si Mico.
====
Hindi ko na alam kung paano kami nakaalis sa harapan nilang dalawa. Bumalik na lang ako sa sarili ko ng makita ko si Nana sepa na sasalubong sa amin na may pagtataka. Pero nilagpasan lang siya ni Drake at dire-diretso itong umakyat habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
Nakakaramdam ako ng takot lalo na sa nakikita kong galit sa kanya.. Madilim ang mukha nito na nababakasan ko talaga ng galit.. Pagkapasok pa lang ng silid namin ay agad nya akong isinandal ng marahas sa dingding galit na galit siyang nakatitig sa akin.. Lalo lang din bumibigat ang paghinga nya ng padaanan nya ng tingin ang suot ko at saka ko narinig ang pagmumura nito..