Chapter~16

76 1 0
                                    

👉ENJOY READING^_^

*Althea*

"alam mo brat napakasungit mo talaga.."- angal ni Jack na ngayon ay nasa gilid ko habang si Jake naman ay nasa unahan namin. Kasama din namin ang dalawa ko pang Pinsan na kambal din.. Lahi kasi kami ng kambal buti na lang mga guapo silang lahat.. Mukha silang hoodlum sa dating nila kaya nakasimangot ako kanina pa. Dinala nila ako sa mall kung saan mamimili kami ng gamit ng baby ko. 5 months pa lang ito pero nakakagulat dahil lumaki na talaga ng husto.. Akala nga ng iba ay kabuwanan ko na pero hindi ko na lang itinatama.

Alam na din ni Mico na umuwi na ako ng hacienda Miranda kaya lang ay hindi pa din ito makasingit ng punta dahil madami pa itong tatapusin bago bumalik ng hacienda.

Ilan linggo din akong nasa loob lang ng hacienda at hindi lumalabas. Kinulit lang ako ng mga asungot na ito kaya napasama nila ako dito sa bayan.. Gamitin ba naman kasi ang baby ko siyempre nauto ako.. Hindi pa din ako nagpapa-check up ewan lang...basta hindi ko kasi feel.. Pero alam ko sa sarili ko na okay lang naman ako. Hindi lang naman ako ang nag-aalaga sa sarili ko...may nag-aalaga pa sa akin.. Asikasong asikaso ako sa lahat ng oras. Lahat ng kailangan ko ay ginagawa nya. Ang sabi ni Papa Registered Nurse daw yun na nag-apply na maging yaya ko. Inirapan ko nga si papa ng sabihin nya yun dahil tawa ito ng tawa..

"Macoy... Bakit mo ba kasi iniwan si Bam!?"- dinig kong tanong ni Lucas. Nakasimangot si Macoy ng hindi kumikibo pero kinulit lang siya ng kinulit ng kambal kaya galit siyang sumagot dito..

"Para matuto siyang malaman ang kahalagahan ko sa buhay nya.. Baka sakaling maisip nya na importante ako sa kanya. Hindi ko sinadyang iwan siya. Gusto ko lang bigyan siya ng pagkakataon na maisip kung ano ba ako sa buhay nya."

Malungkot na saad ni Macoy.. Pakiramdam ko kasi parehas kaming nang-iwan. Ang pagkakaiba nga lang ay alam ko na hindi naman ako importante sa kanya. Kaya alam ko na balewala ang ginawa kong pag-alis. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Sabay sabay silang napalingon sa akin ng bigla akong mapahikbi.. Napaatras naman ako ng marinig ko na sabay sabay din silang napamura ng makita nila ang itsura ko..

Hindi tuloy nila malaman ang gagawin kung aatras o lalapit.. Bakit kasi pakiramdam ko gusto kong umiyak.... Napasinghap ako ng may mabangga akong..

"huh...!" nagulat ako sa inaabot nitong Panyo. Kulay blue yun, alanganin akong tanggapin yun. Kaya lang mas nagulat ako sa sunod nitong ginawa.

Marahan nitong pinunasan ang mga luha ko sa pisnge. Medyo natawa ako kasi nahihirapan siyang gawin yun dahil nga nakamascot ay malaki din ang kamay nya.. Nagkamot pa nga ito ng ulo nya kunwari kaya lalo akong natawa sa kanya. Ewan ko pero gumaan yun pakiramdam ko ng nasa harapan ko siya.. Pakiramdam ko kilala siya ng sistema ko.

"Tss...ikaw talaga buntis..!"- Jack

"tss... Halika na nga brat...Nasa hacienda daw si Mico."- hinawakan ako ni Macoy sa kamay at agad na hinila palayo sa mascot na yun. Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat pero kausap ito nila Jake at Lucas..yun nga lang mukhang galit.. Hmp...siguro kilala nila yun.. Ewan..!

"hoy...ayoko pang umuwi...niloloko nyo lang ako eh! Wala si Mico sa hacienda.. Siguradong narito siya mismo sa harap ko kung narito na siya Cebu..!" sinimangutan ko si Macoy na ngayon ay nagkakamot na ng ulo nya. Inirapan ko uli ito.

"tss...kilalang kilala mo talaga ang kuya mo noh..!"

"naman... His my brother alam ko iniisip nun. Saka may Girlfriend na yun dapat hindi nya yun pakawalan pa..naku...magtatampo ako sa kanya pag niloko lang nya si Diana..!"- ipinadyak ko pa ang paa ko na parang ewan lang. Tumawa lang ito kasabay ng pagtawa ng dalawa pa sa likod ko.. Tiningnan ko sila na nagkibit balikat lang.

Nagpatuloy na lang kami sa pag-iikot sa mall na feeling ko ay may nakamasid lang sa akin. Pag inikot ko ang mata ko sa paligid ay wala naman akong makita na kakaiba. Halos mabili ko na lahat ng gusto ko na gamit para sa baby ko. Yun apat naman ay pasipol sipol lang habang nakasunod sa akin. At yun pakiramdam ko na may nakamasid talaga sa akin ay hindi nawawala.

"uwi na tayo please..!"- napahawak ako sa baby bump ko ng medyo nakaramdam ako ng pagkirot dun. Naalarma naman ang apat na agad akong inalalayan. Nakahawak si Jack sa kamay ko habang si Jake naman ay halos kargahin na ako. Si Macoy at lucas naman ay nakaalalay lang din. Hindi naman kami nahirapan dahil kusang nagbibigay ng daan ang mga tao sa paligid namin..

Nakarating kami ng hacienda ng maayos. Hindi naman ako napagod ng husto. Yun apat ay panay ang pabidahan na lagi nilang ginagawa mula noon pa. Hindi ko lang naiwasan ang magtaka sa Yaya daw kuno ng magiging anak ko ang pagaasikaso nito sa akin. Mula kasi ng dumating ako kanina ay agad na ako nitong sinuri.. Pinaupo lang din nya ako sa sofa at saka minasahe ang aking mga binti. Panay lang din ang tanong nito sa akin kung may masakit daw ba. Wag daw akong mahihiyang sabihin.. Para daw alam nya.. Napansin ko din na may tinawagan ito sa telepono nya na lagi nyang ginagawa. Hindi ko na lang yun inusisa pa dahil ayos lang naman sa akin yun. Isa pa maayos naman itong magtrabaho.

"hello younglady.. Kamusta ang araw mo ngayon!?!"- bati ni papa sa akin. Hinalikan ako nito sa noo at saka umupo sa kaharap kong couch.. Nadinig ko na binati na nya kanina ang apat na kolokoy.

" im good... Medyo sumakit lang siya kanina.. Alam mo papa ang bigat na talaga ng lagayan ko..!"- biro kong sumbong habang marahan kong hinihimas ang baby bump ko. Tumawa lang ito ng mahina, nag-usap pa kami saglit bago ito nagpaalam na pupunta ng library dahil daw may tatapusin pa itong papeles..

" ma'am.. Para daw po sa inyo..!"- inaabot ni Azon isa sa mga kasambahay namin dito sa hacienda ang isang bungkos ng bulaklak. Fresh pa yun at humahalimuyak pa ang bango.. Tinanggap ko yun at agad na tiningnan kung may card ba na nakalagay. At tulad ng mga naunang bulaklak na natanggap ko...

To the woman of my life..

Im still hoping to catch you again... See you Soon.... My life...

Your future to be.......

Napasimangot ako ng mabasa ko yun. But my heart... May sarili na yatang buhay at nagpalpitate na ito ng kusa.. Dati kay Drake lang ito nagkakaganito pero ngayon kahit sa hindi kilala ay kumakabog na ito ng ganito.

Haist... Sana lang si Drake yan future to be ko na yan..... Kahit naman anong gawin ko siya pa din yun laman eh. Pilit kong inaalis,maya maya lang ay nariyan na naman..nami miss ko na naman.

"ang kulit kasi ng daddy mo eh.. Siya pa din ang gusto ko..sabagay makulit din si heart mahal ko talaga siya..."- piping anas ko habang sumandal sa couch...

At pumikit...

"Nami miss ko na talaga siya.."

~📖~

Thank you guysss😊

Soon update till end...
Like my Promise😉

Vote and Comment🙏

©All Right Reserved
2016/2107
#crazymix😍
#Jhamichsha😘

Mananatili kang akin! #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon