😭SORRY✌ NIREVIEW Q ANG LIST DRAFT Q😣 NAKKAHIYA HINDI PALA NAPUBLISH ITO!!! ANG ALAM Q KC NAPUB.Q NA B4 AQ MAGVACATION😁 and pocus to my New work😃 Pasenxa na sa nalagpasan.sana maintindihan nyo pa din.Promise aayusin q na❤❤💋
👉ENJOY READING^_^
*Althea*
"she's okay now kumpadre...hijo over stressed lang ang asawa mo..dapat na magpahinga ito ng husto para maging mas okay siya."-
" wala po bang problema doc? How about the baby?"- pakiramdam ko ay boses yun ni Drake,,hanggang sa panaginip ba naman ay nasa isip ko siya.
"okay lang ang baby... Hijo wag na muna sana ma stress ang asawa mo para walang maging problema. Pahinga lang ang kailangan nya.!"- utas ng isang tinig na hindi ko kilala gusto ko ng imulat ang mata ko pero parang hindi ko magawa,,ang bigat ng talukap ng mga mata ko.
" babalik na lang ako bukas para tingnan uli siya.!"-
"okay po..ihahatid ko na po kayo,,may mga itatanong din po sana ako.!"- usal ng tinig na kilalang kilala ko. Sigurado ba ako sa naririnig ko.
Hanggang sa muli na lang akong nakatulog ay nasa isip ko pa yun.
==
Uminat ako ng walang kasing sarap, pakiramdam ko ay ang gaan ng pakiramdam ko. Napaisip ako ng maalala ko ang mga nangyari..? Bigla ko tuloy naramdaman ang kirot na dumaan sa aking dibdib. Naisip ko si Rheina kung narito pa din ba siya sa Mansion. Nakagat ko ang labi ko ng maalala ko ang napag-usapan namin kahapon. Feeling ko ay nahihiya akong makausap muli si Rheina.. Sa ginawa ko kasi ay para ko na din pinakita ang kahinaan ko. Mahal ko si Drake,,yes na yes ang sagot ko, mahal ko din ang bestfriend ko at gusto ko na parehas silang maging maligaya..
Buntis na din siya at hangad ko ang kaligayahan nya,,hindi ko nais saklawan ang ligayang nakita ko sa kanyang mga mata habang kausap ko siya at binabanggit ang pagbabalik ni Drake sa kanya..oh well fine nasasaktan akong makinig..pero sino ba naman ako diba..