Chapter~21

105 1 0
                                    


👉ENJOY READING^_^

*Althea*

Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa likod ng Hacienda.. Kaya imbes na lumakad ako paakyat sa kuarto ko ay hinila ako ng mga paa ko papunta sa likod.  Bakit!? Eh kasi naman! Eh kasi...bakit sa likod paparada eh ang laki naman ng harap,,ang lawak ng garahe dun at higit sa lahat,,wala sa mga pinsan ko ang may gustong dumaan sa likod dahil sa hindi pa yun maayos daanan.

Hawak ko pa ang tyan ko habang dahan dahan na naglalakad,, konti na lang at malapit na ako sa pinto ng bigla naman yun bumukas...Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok si Rheina na may kasunod na lalaki na ngayon ko lang nakita...at halos hindi ako makahinga ng makita ko ang nakasunod sa kanila.. Nakayuko ito at mukhang may binabasa sa hawak nyang Phone.

"Beb...oh my...!" biglang anas ni Rheina pagkakita nya sa akin dahilan na mag-angat ng paningin nya at direktang sa akin tumitig.

"shit..!" napapikit ako ng marinig ko yun mula sa kanya.. Hindi nya siguro ako nais na makita. Bakas ko ang pagkadisgusto nya dahil sa pagkakakunot ng noo nito na parang naaburido.

May binulong sa kanya si Rheina dahilan na mapangiti itong tumango sa kanya.. Maya maya ay naglakad ito palapit sa akin kaya ang naninigas kong mga paa ay napahakbang paatras.

"A-ahhm..a-ano.." waaahhhh...ayoko ng ganito bakit ako kinakabahan ng husto.."t-teka nga... W-wag ka n-na lang l--lumap-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng lagpasan lang ako nito,, yeah... Nilagpasan nya lang ako at naiwan pa sa ilong ko ang paborito kong pabango na lagi nyang gamit.. Nakagat ko tuloy ang labi ko ng muling kumirot ang dibdib ko. Mabilis kong napunasan ang luha ko na automatic na yata ang paglabas kapag si Drake ang dahilan.

Talaga palang narito siya... "haist..babies n-nakita nyo ba ang daddy nyo..a-ang guapo diba..!" nakasimangot kong bulong. Hindi man lang nya ako kinausap... Tss...para naman akong tanga..asa pala ako na kakausapin nya samantalang kung makaiwas wagas.
Hindi ko na din napansin si Rheina at yun lalaking kasabay nya kanina.

"grabe... Ang bilis naman nilang nawala."! nasabi ko na lang bigla ng mapagtanto kong ako na lang mag-isa. Napanguso ako sa sobrang inis... Ewan basta naiinis ako.. Oo as in naiinis...inis na inis... Nakakainis naman kasi eh..! Ganun na lang talaga ako balewalain ni Drake..nakita naman nya siguro ang tyan ko na malaki ah.. Hinimas ko ang tyan ko na para bang pinoprotektahan ko ang mga anak ko...

"wag kayo malungkot mga babies ko...nandito pa naman si mommy..h-hindi ko kayo iiwan." 

"Babies...?"

"ay potek..!"napaigtad ako ng bigla ko yun marinig sa likod ko..de pungas talaga...nagiging nerbyosa na ako.. O sadyang marinig ko lang ang boses nya ay nagpapalpitate na talaga agad agad ang puso ko... Humarap ako sa kanya at sinalubong ako ng mga mata nitong tila nanunuri...  Napalunok pa ako ng ilan beses ng makita ko na pinakatitigan pa nito ang tyan ko,, hindi ko nga lang napigilan ang mapailing dahil sa nakita ko sa mga mata nya ang bakas ng pagkagalak o sadyang madaya na talaga ang imahinasyon ko kaya kahit yun ay nakikita ko na kahit hindi naman dapat.

"are you okay.? May masakit ba sayo?" anas nito ng nasa harap ko na siya at hawak na ako sa bewang ko. Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkakalapit nyang yun sa akin. Isa pa ay tila nalulunod ang puso ko na makita ang pag-aalala sa mukha ni Drake. Isa pang rason "bakit di ko naramdaman ang paglapit nya?"

Mananatili kang akin! #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon