Chapter~11

126 5 2
                                    

*Dedicated to Ms.shallyjonna16*

☝✌"SPG...ALERT"✌☝

👉ENJOY READING^_^


*Althea*

2 months,,  had passed

I sighed

2 months na ang mabilis na lumipas mula ng nangyari yun. Nasaktan ako ni Drake. Pero yun na din ang huli kong naramdaman na ginawa nya yun. Simula ng dinala nya ako dito sa pinagawa nyang bahay ay hindi ko na nakita ang Drake na may galit sa akin. Siya na uli yun Drake na kaibigan ko noon,noong sila pa ni Reina..

I gasped ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko na nasa pocket side ng short ko..

1 message from Drake. Agad ko yun binasa at hindi ko napigil ang mapangiti..

* hey love im f**king missed you*

Ganyan siya palagi. Kahit pigilan ko ang sarili ko ay dama ko na natatalo pa din ako. He's doing like that..kahit na pumasok lang siya ng bathroom pag labas nya ay yayakapin na nya ako ng mahigpit at saka siya bubulong ng mga salitang nagpaparamdam sa akin na mahalaga na ako sa kanya. Minsan nga ay napapanganga ako dahil feeling ko ay nasobrahan naman yata siya..

Magtatype pa lang ako ng reply ng muling tumunog yun..

* f**k love.. Im going crazy here.. I want to hug you,,i want to kissed your damn sweet lips.. I missed you so damn much*

Hindi ko pa tapos basahin ang txt nya ay tumunog na yun.. Ang makita pa lang ang name nya sa screen ng phone ko ay nagpawindang na sa akin.. I bit my lower lip habang nakatingin sa screen ng phone ko..

Hindi ko yun sinasagot... Gusto kong sundin minsan ang kasutilan ni Ashley.. Minsan lang kasi mas nasasaktan ako pag nakikita ko nga na nahihirapan si Drake sa akin.. Kaya ang suma nagagawa ko siyang tikisin pag wala siya sa tabi ko.. Ang masaklap lang ay kinuha nya si Nana para may kasama daw ako then kinuha din nya ako ng driver with bodyguard.. Wala na akong problema kay Nana.. Hindi ko alam kung ano bang nangyari at nag-iba ang ihip ng hangin sa kanya at bigla talaga siyang bumait sa akin..

Naputol ang tawag ni Drake ng hindi ko sinasagot,,maya maya ay ang landline naman ang tumunog at agad nasagot ni Nana yun kasabay ng pagsulyap ni Nana sa akin.. Nahiya naman tuloy ako sa kanya kaya nagyuko na lang ako ng ulo para makaiwas sa tingin nya.. Alam ko na si Drake ang tumawag. Sa reaksyon pa lang ni Nana ay nasisiguro ko na yun.. Dumiretso na lang ako ng labas.. Pagdating ko sa pool ay naupo ako sa gilid nito sakto naman na nagvibrate uli ang phone ko..

* im sorry love.. I just miss you and i can't wait to hear your voice..! Kumain ka na ba!? Wag kang magpapalipas ng gutom okay.. I love you....*

Ngumiti ako ng mapait. Hindi ko alam kung maniniwala na ba ako sa kanya,palagi na nya yan sinasabi at hindi ko magawang sumagot. Kung alam lang nya,,kung alam lang nya kung gaano ako umiibig sa kanya.. Natatakot lang akong tanggapin ng tuluyan.. Natatakot akong maramdaman yun sakit na nadama ko nun makita ko na may iba siyang kaulayaw.. Sobrang sakit.. Natatakot akong malaman nya ang tunay na nararamdaman ko. Natatakot ako na pag nalaman nya ay saka nya bawiin ang mga pinaramdam nya sa akin..

Nagtype ako ng mensahe sa kanya na uuwi din naman siya mamya at magkikita naman kami..  Agad naman itong tumawag at sinagot ko na lang..

Matagal din kaming nag-usap ng kung ano ano lang pero sa huli ay malalim na paghinga lang ang namumutawi mula sa kanya.. Hindi ko maintindihan minsan kung ano ang gusto nya..

Mananatili kang akin! #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon