Luna's POV
"Ano ba King, pakawalan moko!" Sigaw ko sa kanyan dahil kinulong niya ako sa braso niya. Nakatapat pa din ang kutsilyo niya sa leeg ko.
"B-bitawan mo siya!" Sigaw sa kanya ni Cyrus habang nakawak sa parte ng jacket niya kung saan nandoon ang Red Flag.
"Ibigay mo muna ang Red Flags" mas humikpit ang hawak niya sakin.
"Wa-wala! Wala pa kaming naku—"
"Oh come on, nakita ko kayo kaya alam ko meron na kayong dala. Maayos ko namang ibibigay sayo si Luna, basta ibigay mo din sakin yan!" Para bang baliw na kung magsalita si King.
"King, nasisiraan ka na ba ng bait! Ganyan ka naba kadesperado para lang manalo, sa maduming paraan?!" Sagot ko sa kanyan kaya mas himikpitan niya ang hawak sakin. Ramdam ko na din ang kutsilyo sa leeg ko, ano mang oras ay pwedeng pwedeng isaksak niya sakin yun.
Mukang hindi sa killer ako mamamatay. Naalala ko kung paano nagkasugat si Jack. Sa pananginip niya nakuha yon. Kaya ibigsabihin, sa oras na masugatan ako dito madadala ko hanggang sa reality, kaya kung sasaksakin niya ako, mamamatay talaga ako.
"Maduming paraan?! Walang Rules ang larong to, lahat pwede, kung kailan kong pumatay para lang mabuhay gagawin ko, kahit ikaw pa Luna" parang baliw nitong sabi. "Ano ibibigay mo ba?!" Tanong nito kay Cyrus.
"C-cyrus, wag, wag mo ibibigay yung Flag" pigil ko sa kanyan
"Pero..."
"Manahimik ka dyan! Ano ibibigay mo ba o lalaslahin ko ang leeg nato sa mismong harapan mo!" Humihikpit ang kapit ni King sakin at lumalapit ang kutsilyo sa aking leeg.
"Bakit mo ba dinadamay ang babae dito, tara at tayo ang maglaban!" matapang na sabi ni Cyrus.
"Iyon sana ang balak ko pero ayoko ng mapagod pa, kaya ibibigay mo ba o hindi?!" Sinusubukan ko namang kumawala pero hindi ko kaya masyadong mahikpit ang pagkakahawak ni King sakin.
Binibigyan ko naman ng tingin si Cyrus na wag ibibigay ang gusto ni King. Kahit na buhay ko ang nakataya.
"K-king itigil mo na yan, mag hanap nalang tayo may isa pang natitira" boses ng babae ang narinig ko. Narinig ko na to dati at alam kong siya yon. Si Nina.
"Tumahimik ka dyan, kung gusto mong mabuhay, mananahimik ka" sagot ni King sa kanyan. "Ano nakapagdesisyon ka naba? Ang tagal naman"
Tinitignan ko si Cyrus na wag niya ibibigay ang Flag kahit anong mangyari. Nakikita ko sa kanya na naguguluhan at nag aalinlangan siya sa magiging desisyon niya. "Hi-hindi! Hindi ko ibibigay sayo to!"
"Ganon ba? Sige, panoodin mo to" Naramdaman ko ang pagtusok ng kutsilyo sa leeg ko, nararamdam ko din na may dugo ng tumutulo doon.
Halos mapasigaw nako sa sakit at hapdi na nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang unti unting pagbaon ng kutsilyo.
"I-ito na! Ibibigay ko na!" Kitang kita ko kay Cyrus kung gaano kalabag sa loob niya na inaabot ang Red Flag kay King.
"Nina, kunin mo, nag may pakinabang ka naman" uto nito kay Nina. Ramdam kong may ngisi sa labi ni King. Tinigil na niya ang pagbaon ng kutsilyo sa leeg ko pero nakatapad pa din ito sa leeg ko.
Walang nagawa kung hindi iabot ni Cyrus kay Nina ang Flags tsaka ako inihagis ni King, mabuti at nasalo ako ni Cyrus bago bumagsak.
"Gusto mo bang may nasasaktan bago mo ibigay, tara na Nina" sabi nito bago umalis.
"Hayop ka! Demonyo ka!" Pilit kong sumingaw pero parang wala lang itong narinig. Tatayo sana ako para sugudin siya pero piligilan ako ni Cyrus.
Naiyak nalang ako sa nangyari, una ay nawala na samin ang tanging pag asa para manalo sa Level nato at pangalawa, muntik nakong mamamatay kanina.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...