SPECIAL CHAPTER

50 2 0
                                    

Hello Dreamers! Dahil 1 year na ang Dream Killer (August 13) here's the special chapter! Ito na din ang official announcement ng New and officially Book Cover ng Dream Killer!

Luna's POV

3 Months ago...

"Make sure na tapos na ito lahat bago kami makauwi galing church ha, yung mga catering, naupdate na ba kung nasaan?" Abala ako sa pag bibilin sa organizer, gusto ko kase ay maganda at maging special ang araw na ito.

"Yes po maam, dadating na sila within 5 minutes po" sagot ng organizer sakin.

Ito ang araw ng binyag ng anak ko, si baby Strawberry Carson. As a mother gusto kong maging maganda ang araw na ito.

Dito lang sa bahay namin gaganapin ang reception dahil malaki naman ang space ng garden. Ito ang lumang bahay nila Jack na katabi lang ng bahay namin. Pinaka renovate niya ito na gaya at kamukang kamuka ng dati.

Kasama namin dito ang mommy niya at dalawang kapatid. Palagi din akong lumilipat sa bahay naman dahil gusto din makabonding nila mommy and daddy ang apo nila pag may oras sila.

Umakyat ako sa kwarto namin, pagkabukas ko ng pinto ay na datnan ko na buhat buhat niya ang anak namin. Ang cute niyang tignan. Kinakausap na nga niya kahit di pa ito ng sasalita.

"Manang mana ka talaga sa daddy mo, ang ganda ganda mo" sabi nito kay Strawberry habang hinehele.

Mukang di niya ako napansin na pumasok ng kwarto. "Sa akin nagmana yan, hindi pa ba obvious" napalingon na siya sakin. "Ang hiling ko lang sana hindi niya mamana ang katigasan ng ulo mo" natatawa kong sabi.

"Babe naman, syempre ako ang tatay kaya sakin siya ng mana" manina nitong sabi sakin dahil ayaw niya itong magising.

Mula pagkalabas ni baby, ito na ang pinag aawayan namin, kung sino ang kamuka, kanino nag mana.

"Sino bang nag buntis ng anim na buwan at sino ba ang nanganak? Buti sana kung ikaw ang nahirapan" sagot ko naman sa kanya. Napangiwi siya dahil ayon lagi ang sinasagot ko at hindi na siya nakakaangal.

Kinuha ko na sa kanya si baby dahil siya naman ang magbibihis. Hinayaan niya muna kase ako na mauna gumayak. Nakasuot ako ng white dress at pati si Strawberry ay nakawhite din.

Pinagmamasdan ko ang muka nito, natutulog ito ngayon, sobrang ganda ng anak ko. Nanganagako akong ibibigay namin ang lahat ng pagmamahal sayo ng daddy mo.

Sobrang responsableng ama ni Jack, may position na din siya sa company namin habang ako ang nagmamanaged ng sarili naming business.

Ibinaba ko na muna si Strawberry sa crib niya at sakto namang may tumawag sa phone ko. Pagkakita ko ay isang pamilyar na pangalan ang tumatawag.

"Hello, besh" Mira is calling.

"Hello, besh. Di na ako makakapunta dyan, may pupuntahan lang ako saglit, sa simbahan nalang tayo magkita" sabi nito na nasa kabilang linya.

"Okay lang basta make sure na pupunta ka ha, inaanak mo ito" biro ko pa sa kanya.

"Oo naman, first inaanak ko kaya yan. Sige na see you sa church" paalam nito bago iend ang call.

Habang tulog si Strawberry, ito na ang time ko para mag ayos ng sarili para naman hindi halatang puyat ako lagi. Habang nag aayos ako ay lumabas ng CR si Jack na nakapantalon na at wala pang pantaas.

Napatingin siya sakin. "Ang ganda naman ng asawa ko, pakiss nga" lalapit ito ng pigilan ko.

"Basa ka pa oh, magbihis ka muna, babasain mo pa ako" reklamo ko at nagpatuloy sa pagmamake up.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon