Luna's POV
Unti unti nakong nagising dahil sa liwanag na nakatapat sa muka ko. Puting kisame at isang ilaw agad ang nakita. Inikot ko pa ang mata ko hanggang sa narealize kong nasa clinic ako.
Agad kong napansin si Nurse Jessica na nagsusulat sa table niya. Nagulat pako sa mga nakita ko dahil nakahiga sa dalawang sofa sila, Sunset, Jasper, at ang kambal na mahihimbing ang tulog. Medyo gagalaw sana ako ng may maramdaman ako sa tagiliran ko.
Nakita ko ang isang lalaking naka dukdok don at mukang tulog na tulog, kilang kilala ko siya kahit na hindi ko makita ang muka, si Jack. Mukang binantayan nila ako dito magdamag, habang ako nakahiga dito sa hospital bed.
Narinig ko ang tulog ng pag usod ng upuan, nakita kong nakatingin na sakin si nurse Jessica na mukang alam na nagising nako. "Oh, Luna, gising kana pala" unti unti na siyang lumakad papunta sakin."May masakit pa ba sayo? Sabihin mo lang"
"Hmm.. Wala naman po, ayos na po ang pakiramdam ko"
Napangiti naman siya sa sagot ko. "Mukang maganda ang naging resulta ng pag inom mo sa ibinigay kong gamot sayo" nginitian ko nalang siya.
Tinignan niya ang mga kaibigan ko bago tumingin ulit sakin. "Sobrang swerte mo sa kanina, Luna. Binantayan ka nila sa mag damag, sinabihan ko nga na, magpahinga muna sa mga kwarto nila pero ayaw ka nilang iwan" huminto siya bago ulit magpatuloy.
"Lalo na tong si Jack, hindi siya umalis sa pwesto na yan magdamag, halos mag iisang oras pa ngalang siyang natutulog eh, ang sabi niya sakin, ang gusto daw niya, siya ang una mong makikita sa pag gising mo" medyo natawa siya bago ulit mapatuloy. "Pero ayan, mukang hindi na nalabanan ang antok"
Napatingin nalang ako kay Jack na mahimbing na natutulog sa may tagiliran ko. Binantayan niya ako hanggang sa makatulog siya. Muling bumalik sa ala ala ko lahat ng napananginipan ako kanina. Tinawag na Luna ang batang babae h-habang si Jack naman ang batang lalaki.
Hindi ko alam kung ano bang ibigsabihin na yon. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Naalala ko yung mga sinabi ni Jack noong nasa Mall at Greenhouse kami.
"Hindi magtatagal maalala mo din ako, yung mga bagay at oras na pinagsamahan natin dati. Maaalala mo din ako, My Moon..."
"Luna, hindi ko man kayang sabihin sayo ang lahat alam kong maalala mo din ang lahat. Ang isip nakakalimot pero ang puso hindi, Luna alam ko nandyan pako, nararamdaman mo pa ko. I will do everything to make your heart and mind remember me, My Moon..."
Nakatingin lang ako sa natutulog na si Jack at hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha mula sa mata ko. "Jack... Gustong gusto kitang maalala" Mahina kong sabi.
Nagulat nalang ako ng unti unti siyang gumalaw at mukang nagising. Dali dali kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at tinigilan ang pag iyak.
Agad siyang napatingin sakin, bumungad sakin ang lalaking bagong gising habang nakangiti. "Ayos kana ba? Mag pahinga ka muna, ikukuha lang kita ng makakain" mahina niyang sabi. Mukang antok na antok pa siya base sa dalawang mata niya.
Tatayo na sana siya ng hawakan ko ang kamay nito para pigilan siya. Agad naman siyang na pa lingon sakin. "Okay lang ako at hindi pa naman ako gutom. Magpahinga ka nalang muna, alam kong pagod at antok ka" medyo malabing ko sabi sa kanyan.
Sinunod naman siya ako. Umupo ulit siya sa tapat ng kama ko at doon dumukdok, kinuha ko ang isang unan sa may ulunan ko at ibinigay sa kanyan, para na din maging komportable siya kahit papano.
"Luna..." Banggit niya sa pangalan ko habang nakapikit at antok na antok. "Wag mo na uulitin yun ha..." Ang lambing ng boses niya. "Sobra mo kong napag alala"
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...