Luna's POV
Ang lahat ng nakagawa ng kanya kanyang santada o armas ay nakapabilog habang ang iba naman na hindi pa kaya ay nasa loob lang nito, kasama nako don. Nasa likod lamang ako ni Jack na isa sa mga nakapabilog. Ilan din kaming poprotektahan nila, in short pabigat lang kami sa laban na to.
"Dyan lang kayo sa likod namin, hanggang hindi ninyo kayang magpalabas ng santada ninyo mahina pa kayo sa laban na to" bilin at paalala ni Jack saming lahat na nasa loob ng bilog.
Habang nag uusap kami ni Jack ay may biglang tumulak sa kanya. "Tumabi ka, ako ang poproteksa kay Luna" bungad sa kanya ni King. Kahit kailan paepal tong demonyo nato.
"Anong problema mo ha!" Itinulak din siya ni Jack.
Agad naman akong pumagitna sa kanila. Ayokong lumaki ang away na to. "King umalis kana, hindi ito ang oras para sa kagaguhan mo at ilang beses ko bang sasabihin sayo na lubayan mo nako, wag mo nakong guluhin please"
Ngumisi lang siya ng may yabang. "Wala akong pake alam, kahit anong gawin mong pagtaboy sakin hindi kita titigilan, ikakasal ka sakin Luna kaya aki—"
"Walang kasal na mangyayari King! Kung ano man ang pinag usapan ng pamilya mo at pamilya ko ay hindi mangyayari!" Ipinaatras ko ng kaunti si Jack upang hindi sila mapang abot ni King.
Ngumisi lang ulit ito at tinitigan ako. "Hindi ako titigil kahit na dito sa panaginip o sa reality man, hindi ka mapupunta sa lalaking yan" lumapit siya kay Jack na ngayon ay inaawat kong dahil alam kong ano mang oras ay susunggaban niya ng suntok si King. "Ingatan mo yan, baka malingat ka lang saglit wala na yan sayo" mayabang niyang nginisihan si Jack tsaka binunggo ang balikat nito at umalis.
Sa totoo lang ay kinikilabutan ako sa pinagsasabi ni King, hindi ko alam kung may sayad na ba siya o sadyang demonyo lang. "Kumalma kana, wag mo muna isip lang ng sinabi na yon" pagpapakalma ko kay Jack.
"Luna ipangako mo na dito ka lang sa tabi ko, wag ka na mawawala ulit" nakita ko ang pangangamba sa mata ni Jack.
"Dito lang ako sa tabi mo, pangako" hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga bagay na iyon, kung bakit ako na ngangako sa kanya. Sinusugod ko lang ang nararamdam ko.
"Hoy tama na landian" bigla nalamang sumingit si Sunset samin. "Kagaling ano, nagawa ninyo pa yan sa kalagitnaan ng gantong sitwasyon" dugtong nito.
"Focus" sabat naman ni Jasper. Hindi nanaman siya nakangiti at parang sura lagi.
"Okay may nagseselos" napangiwi naman ako sa sinabi ni Sunset.
"Sinong nagseselos?" Tanong ko
Sumiryoso ang muka ni Sunset. "Wala malala kana, napakamanhid mong babae ka" pagkasabi ni Sunset na yon ay natahimik ang lahat ng marinig ang malalakas na pagsabog.
Napaupo kaming lahat dahil sa gulat. Halos ang ilan samin ay takot na takot, kapansin pansin din ang unti unting pagkawala ng mga hawak nilang sandata. Shit masama ito.
"Wag kayo matakot! Focus! As long as na nagpapadala kayo sa takot ninyo ay hihina ang imagination ninyo at mapupunta ito sa nightmare" iba ang pagkaleadership ni Jack samin. Halos lahat ay parang alam niya kung paano susulusyunan.
"Luna" biglang namang bumulong sakin si Zack. "Hindi ko mahanap yung kaibigan ko, ala sya dito" pagpapatuloy niya.
Napansin kong may hawak na dagger si Zack. Pwede na iyong panglaban. Akma ko siyang hihilahin pero hindi siya nag padala. "Oyy tara hahanapin natin yung kaibigan mo" sabi ko sa kanyan.
"Hindi pwede nangako kay pa— Jack na hindi ka aalis dito, mamaya masapak pako na yan" sagot niya sakin. Napakamot nalang ako sa ulo.
"Tatakas tayo, mas importante na mahanap natin ang kaibigan mo, hindi siya ligtas kung maigisa lang siya" bulong ko sa kanyan. "May dagger ka naman, ipagtatanggol mo naman ulit ako diba?" Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...