Survival 26 - Promise

49 6 4
                                    

Sunset's POV

"Jay, please wag mo kong iiwan" tuloy tuloy ang luhang bumabagsak sa mata ko.

Nakaupo ako ngayon sa mabuhangin lupa na ito habang yapos yapos ang nanghihingalong katawan ni Jay. Alam ko namang dadating kaming lahat sa ganitong punto pero hindi ako handa. Si Jay nalang ang nagbibigay pag asa na mabubuhay at makakatakas kami sa imyertong larong to.

"S-Sunset, sorry hindi ako umabot—"

Akmang lalapit samin si Jasper ng tignan ko sya ng masama. "Subukan mong lumapit, baka makalimutan kong kaibigan kita"

"Sunset—"

"Shut up! At wag kang lalapit, kasalanan ninyong dalawa to!" Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.

"S-sunset ginawa ko naman lahat para maligtas kayo—"

"I said shut up! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Ang kailangan ko mabuhay si Jay! Ano kaya mo ba ha?!" Galit nalang ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Puro ungol at inda ng sakit ang maririnig kay Jay. Hindi pa din siya bumibitaw na animong may hinihintay pa.

Ilang saglit ng marinig kong may papalapit samin. Nilingon ko ito at sila Jack at Luna ito, buhat buhat ang naghihingalo ding katawan ni Jj. Hindi lang puro advantage ang meron sila Jay and Jj. Sa bawat gabi hindi sila ligtas dahil kung anong mangyayari sa isa ay mangyayari pa sa isa.

Agad akong nilapitan ni Luna na umiiyak din sa nangyayari. Niyakap niya ako mula sa likod ko.

"Luna" pangalan nalang niya ang nabanggit ko dahil wala pa ding tigil ang pag iyak ko.

Pinakiusapan ako ni Luna na bitawan na ang katawan ni Jay, inalalayan niya akong tumayo galing sa pag kakaupo ako. Inilapag ni Jack ang si Jj sa tabi ng kanyang kapatid. Hindi ko matanggap na dumating na ang araw na to, na mawawala ang kambal sa tabi namin. Ang mawawala si Jay sa tabi ko.

Narinig namin ang isang anunsyon na ayokong ayokong marinig.

Jay and Jj Baylor, GAME OVER!

Unti unti ng nag fafade out ang katawan nilang dalawa. Wala na ang kambal. Wala si Jay, wala na ang boyfriend ko.

---***---

Luna's POV

Imbis na muka nila Jack at Sunset ang makita ko. Nandito nanaman ako sa panaginip na paulit ulit kong napapanood.

Dalawang bata nanaman ang sinusundan ko, sobrang pamilya ka nila sakin dahil gabi gabi ko nalang silang napapanaginip, iyon nga lang ay hindi ko makontrol ang panahiginip ko na ito.

Garden ang settings ng panaginip ngayon. Nakaupo ang batang lalaki sa isang picnic blanket. Maya maya lang ay dumating ang batang babae na umiiyak at tumatakbo papunta sa batang babae.

"Bakit ka umiiyak" tanong ng batang lalaki.

"Si King kase—sinira yun—laruan ko" putol putol nitong sagot dahil sa mga hikbi nito.

Hindi ng dalawang isip ng batang lalaki na ibigay ang laruan nito sa batang babae. "Tahan kana, sayo na itong laruan ko" sabay ngiti nito.

Yung ngiti ng batang lalaki, sobrang pamilyar sakin.

Biglang umikot ang buong paligid, wala namang na bago nandito pa din ako nakatayo sa harap ng picnic blanket pero ang kaninang batang babae at lalaki ay biglang naka edad na.

Sila yun, siya yung nasa huling panaginip ko na magmimeryenda sa isang bahay.

"Inaway ka nanaman ni king?" tanong ng lalaki sa kanya.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon