Survival 14 - Duo 2/3 (White vs. Black)

59 4 4
                                    

Luna's POV

Being a Lucid Dreamer is not just about fun, sometimes you have to kill to Survive.

Sabi nila, sa panaginip daw, doon malaya ka. Lahat magagawa mo. May sarili kang mundo. Doon lahat perpekto, perong anong nangyari samin? Ang pananginip na perpekto at masaya naging bangungot nalang bigla. Sa bawat saya, may buhay na nawawala. Ako? Hanggang saan ang itatagal ko?

Naramdaman kong may sumiko sakin sa braso ko. "Uy, ang lalim ng iniisip mo ha, wag ka ngang negative dyan" nalingon nalang ako kay Cyrus.

"Wala, sinusulit ko lang yung 30 minutes na pahinga" sagot ko sa kanya tsaka ako bumalik na tumingin malayo.

Ginawang Gabi ang 30 minutes naming pahinga kaya kitang kita ang bituin sa langit. Tanaw na tanaw ko din ang nakapagandang buwan. Pagkatapos kase ng oras na ibinigay samin, magsisimula na ang Day 2, ang Level 2.

Ibigsahin lang na yon ay may isang araw na kaming tulog. May 2 days ang matitira.

Habang nakatingin sa malayo hindi maiiwasan maisip ko ang bagay na to. "Hindi ko akalain na dadating ang araw na tatawagin kong sumpa ang kakayahan natin nato" sabi ko na alam kong narinig ni Cyrus

Totoo naman, noong una, masaya lang akong nagLulucid Dream. Bumubuo ng sariling mundo kung saan ako lang ang may alam at ako lang ang nakakapunta. Kung saan lahat ng bagay na gusto ko nagagawa ko pero ngayon parang wala na kaming karapatan nag isip, naging sunudsururan kami kahit hindi naman ginusto.

Buminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Noong unang araw ko dito, wala akong kaalam alam kung paano ako napunta doon. Ang natatandaan ko lang ay may itim na sulat akong binuksan. Noong unang akala ko ay biro lang ang lahat pero habang patagal ng patagal, pabawas naman tayo ng pabawas. Doon ko nasabi na, hindi kaya sumpa yung gantong kakayahan?"

Halos parehas lang pala kami ng naiisip ni Cyrus, iniisip na sumpa ang may gantong kakayahan kaya kami napunta sa lugar at sa larong to.

Ilang minuto ang lumipas naging tahimik lang kami ni Cyrus, siguro iniisip niya kung pano namin malulusutan ang Level 2. Anim na pares nalang kaming natitira at tatlong pares lang ang makakaligtas ang lebel na to. White vs. Black. Ayan lang ang Idea namin sa Level 2. Wala pakong alam kung paano tatakbo ang laro.

Sana palarin kami ni Cyrus.

Unti unti ng nagliwanag ang paligid. Ang buwan kanina ay unti unting lumulubog at napapalitan ng isang sikat na araw. Nangangahulugan na Day 2 na. Isang araw ng tulog ang katawan namin pero ito kami, lumalaban gamit ang isip at imahinasyon.

Marinig namin ang malakas na tulog ng bell. Hudyat na pumasok na kami sa loob ng Arena.

Naunang tumayo si Cyrus tsaka ako inalalayan tumayo. Nakaupo lang kase kami kanina sa damuhan dito sa open field sa labas ng arena. "Salamat" sabi ko sa kanyan sa pag alalay niya sakin.

Noong una, oo ayoko kay Cyrus. Mainitin ang ulo, masungit, hindi namamansin, may pagka bossy pero nabago lahat yon ng makilala ko talaga siya. Hindi naman pala siya ganon, ayaw lang niyang makitaan ng ibang tao na mahina siya, ayaw niyang kinakaya kaya siya. Naalala ko ang sinabi niya sakin kanina. "Walang lugar ang mahihina sa lugar ng malalakas. Kaya wag mong hahayaang maliitin ka ng iba"

Narinig ko medyo natawa si Cyrus. "Hanga ka nanaman sakin, sabihin mo Salamat Master" so ayon na pinapakinggan nanaman niya ang iniisip ko

"Salamat Mr. Sungit, tara na nga!" natatawa kong sabi tsaka kami nagsabay pumasok sa Arena.

Nasa malaking pintuan palang kami ng Arena ay nakasabay nanaming pumasok ang ibang dreamers. Yung iba ang nginingitian kami kaya naman ngumiti din ako bilang ganti sa kanila. May iba naman na kung makatingin ay kala mo isa lang kaming mahinang nilala. Aba syempre papatalo ba ko? Hindi ha, tinignan ko din sila ng masama. Sorry mas bitch ako sa mga umaastang bitch din.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon