Survival 29 - Escape from the Hell

59 6 0
                                    

Luna's POV

Anong ginagawa mo dito Tito? na damay ka lang din ba gaya namin. Ayan ang mga katanungang umiikot sa isip ko.

"Wala kayong dapat na ikabahala, kakampi natin ang isa na yan" mahinangong sabi ni Nurse Jessica.

"Tita Eron" muli kong binanggit ang pangalan nito.

Agad kong naagaw ang atenyon niya at nagkatinginan kaming dalawa. Bakas sa mata niya ang lungkot at awa. Si Tito Eron ang pinakakaclose kong kapatid ni Daddy. Hindi niya ako nakakalimutan at laging kinakampihan sa lahat ng bagay.

Matagal na noong nakita ko si Tito Eron dahil sabi ni Daddy ay nag punta daw ito sa probinsya namin, simula noon ay hindi na ulit kami nagkausap, hindi ko inaasahan na dito pa kami magkikita ulit.

"L-luna, pamangkin ko" tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit, ginantihan ko din naman siya ng mahigpit na yakap. "Patawarin mo ko sa lahat ng nagawa ko" narinig ko ang mga hikbi ni Tito.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap niya sakin at humarap saming lahat. "Gusto kong itama lang nag pagkakamali ko, patawarin ninyo sana ako lahat"

"Hi-hindi ko maintindihan, bakit po Tito, ang sabi lang sakin nila Daddy ay nagpunta kang probinsya" nalilito ng sagot sa kanya.

Pawis na pawis siya at para bang natataranta. "K-kung hindi naman kase ako pumayag sa deal niya, hindi mangyayari lahat ng ito" palakad lakad si Tito at para bang hindi alam ang gagawin.

"Eron, kumalma ka, alam kong maiintindihan nila ang rason mo" pagpapakalma sa kanya ni Sir Jacob.

"Ako yung nakikipaglaro sa inyo sa bawat laro, ako yung pumapatay sa iny—" hindi pa natatapos ni Tito ang sinasabi niya ng suntukin siya ni Seth.

Agad naman siyang inawat nila Ken. "Nagdahil sayo, nagkalintik lintek ang buhay naming lahat!" Hindi ko masisisi si Seth na iyon ang maramdaman niya. Lahat kami ay naging biktima lang din.

"Pwede bang huminahon ka muna, patapusin mo si Sir Eron" pagpapakalma sa kanya ni Tris.

"Siguro nga ako ang dahilan bakit nagkaganyan kayong lahat pero may malaking tao sa likod ng mga ito, hindi ako ang master mind, hindi ako ang kalaban ninyo dito" tumingin sakin si Tito Eron bago magpatuloy.

"Nagkapatong-patong ang problema ko, nasisi ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa, sakin sinisi ang nawawalang pera sa kumpanya, milyon ang halagang iyon at hindi ko kayang bayaran dahil bago palang ako sa company. Alam kong wala akong ninanakaw na pera pero binantaan nila akong ipapakulong kung hindi ko mababayaran ang perang iyon" dama ko ang lungkot sa boses ni Tito habang nagkukwento ito.

"Noong oras na yon, sobrang galit na galit ako kay Kuya, ang Daddy mo Luna. Hindi niya manlang ako pinagtanggol, kung hindi ay idiniin pa niya ako sa kaso"

Si Daddy ang dahilan kung bakit nagagawa ni Tito ang mga ito. Naalala ko noong huling araw ko sa bahay, nag aaway na dumating si Mommy at Daddy, may na banggit si Mommy about sa ginawa ni Daddy sa kapatid niya.

"Sana wag mo ding kalimutan ang ginawa mo sa kapatid mo! Tao ka pa ba?!"

"Ginawa ko yun para hindi masira ang pamilya natin! Kung hindi sakin baka ngayon nakatira na tayo sa kalsada!"

Tandang tanda ko ang gabing iyon dahil iyon ang araw na huli ko na pala silang makikita at makakausap.

"Alam kong ginawa niya iyon dahil ayaw niyang madamay sa problema ng kompanya, hinayaan niya akong saluhin ang pagbibintang na hindi ko naman ginawa. Walang akong malapitan hanggang sa makilala ko si Mr. Ong siya ang Master Mind. Hinikayat niya akong laruin ang larong ito, makukuha ko daw ang halagang kailangan ko. Wala nakong pagpipiliin non, desperado na ako dahil kung hindi ipapakulong ako" ramdam na ramdam ko ang bigat ng nararamdaman ni Tito habang nagkukwento.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon