Survival 14.5 - Duo 2/3 (White vs. Black)

51 5 4
                                    

Luna's POV

Hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Para bang naging istatwa nako dito sa kinauupuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo ko katawan habang natingin pa din sa TV screen. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari.

Ako at si Cyrus, makakalaban ang pares nila Jack.

Paano kong makakalaban ang lalaking ilang beses na kong niligtas? Paano ko kakalabanin ang lalaking halos ako nalang ang intindihin sa bawat gabi? Paano... Paano ko kakalabanin si Jack?

Kanina katabi namin ang pares nila Jack pero simula nung nakita niya ang lumabas sa TV screen. Puro mura ang narinig ko sa kanya at hinila din niya palabas ng Arena si Tris. Hindi ko alam kung saan sila pupunta.

Kanina pa din ako kinakausap ni Cyrus pero hindi ko magawang bigyan ng pansin ang sinasabi niya. Para kase akong sasabog ano mang oras. Gusto kong magreklamo pero wala naman akong lakas ng loob para gawin yun. Isa nalang ang naiisip ko ngayon, paano ko kakalabanin ang taong kaligtasan ko lagi ang inuuna. Bakit nangyayari satin to, Jack.

Hindi ko na napagtutukan ng pansin ang naging laban ng ikalawang pares. Hindi ko alam pero gulong gulo ako sa mga nangyayari. Inanasahan nanamin ni Cyrus kanina na kami ang susunod na lalaban pero hindi pala. Naging alerto kami kanina ng huminto ang randomizer sa pares nila James and Bella dahil inaasahan nanamin kami na ang pipiliin sa White Team pero may malaki palang supresa ang nanghihintay samin.

"Luna!" Nawala ang malalim na iniisip ko ng sumigaw si Cyrus. "Ano ba, manghihinaan ka na ba ng loob agad? Hindi ito ang oras para dyan, hihina ang imahinasyon mo at mahihirapan kang lumaban. Luna, listen to me, this is a competition, lahat pwede nating makalaban, walang pinipiling tao, mapakaibigan mo o kaaway. Sa ngayon sarili mo muna ang iisipin mo. Oo alam kong magkaibigan kayo ni Jack pero wala tayong magagawa kung sila ang natapat satin, sa ayaw at sa gusto mo kakalabanan mo sila, kung gusto mo pang tumagal" mahabang pagpapaintindi sakin ni Cyrus.

Simula kase ng mangyari kanina, wala na kong inisip na iba kundi paano ko to lulusutan, na ayokong kalabanin ang pares nila. Hindi ko manlang inalala na may kaparehas din akong gustong manalo, na iisa kami sa larong ito. Kaya kung panghihinaan ako ngayon, hihina na pares namin. Posible pang baka ito na ang huli kong tungtong sa game.

"Luna, focus, malapit na matapos ang pares nila James, ano mang oras tayo na ang susunod" dagdag pa nito tsaka tumutok ulit sa panonood ng laban.

Ilang oras pakong naging tulala, wala ng pumapasok sa utak ko, para nakong na blangko. Gustong gusto kong sundin ang mga sinabi ni Cyrus pero sa tuwing iniisip ko ang mga mangyayari, blangko nalang ang nasa utak ko.

Napitlag ako ng sumigaw ang Host. "Congratulations, Gino and Jaz, parte na kayo ng Golden 20!"

Para nanaman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Tapos na ang pangalawang pares. Isa lang ang ibigsabihin nito, kami na ang susunod.

"Handa na ba ang lahat sa susunod na laban!" Nagsigawan ng mga Audience sa loob ng Arena. "Hindi nanatin patatagalin pa, para sa huling match, Cyrus and Luna laban sa pares nila Jack and Tris! Maari na kayong pumunta dito sa platform"

Kahit na ng hihina ang tuhod ko, pinilit kong tumayo, napansin siguro ni Cyrus ang dahan dahan kong paglakad kaya sinabayan at inalalayan niya ako sa paglalakad. Inihakbang ko palang ang paa ko sa platform ay ibang kaba na ang naramdaman ko. Para bang kay liit lang nito na isang kilos mo lang ay lalaglag ka na.

Nakatayo na kami sa gitna ng Arena, ganito pala ang pakiramdam na tumayo dito, lahat ng mata pakiramdam mo ay nakatingin sayo, bawat galaw mo ay pinagmamasdan nila. Hindi ko nga alam kung paano ako lalaban dahil blangko lang ang nasa isip ko, hindi ko alam ang una kong ikikilos.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon