Luna's POV
"Bakit ka pa kase ng lulucid dream eh ang ganda ganda na ng buhay mo, mayaman kayo, may magandang bahay, may pool at nakakakain ng masasarap. Nabibili mo lahat ng gusto mong naisin, ano pang saysay ng pag lulucid dream mo kung na sayo na ang lahat"
"Oo alam kong maganda ang buhay ko dito sa reality pero hindi to perfect, alam kong kaya naming bili ang gusto namin pero hindi sapat ang materyal na bagay na yon"
Kasalukuyan kaming nag dedebate ng kaibigan ko. Mira Velasquez, ang best friend ko. Siya lang ang nakakaalam na may kakayahan akong mag lucid dream. Minsan na rin naming tinary na mag lucid dream siya pero wala talagang nangyari, epic fail, muntik pa siyang bangungutin dahil don kaya hindi ko na muling pinatry sa kanya sa kanyan.
"Wala naman talagang perfect sa mundo. Mas masaya dito sa reality dahil ito totoo, nandito ang mga magulang mo, kapatid mo, ako, nandito ako, kaya besh itigil mo na yan, sige ka baka magaya ka sakin na muntik ng bangungutin dahil sa lucid dream na yan"
Kasalukuyan siyang naglalagay ng napakapulang liptine. Humingi na rin ako dahil medyo maputla na din ang labi ko.
"Tignan mo ako kuntento nako sa buhay ko, oo hindi kami ganong kayaman tulad ninyo pero masaya nako na nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw minsan pa nga lima" sabay tawa niya
Kaya ko siya ginawang best friend dahil totoong tao siya hindi tulad ng mga iba naming kaklase na mayaman nga pero saksakan naman sa sama ang ugali at plastic pa. Hindi talaga ako nagkamali na siya ang naging kaibigan ko.
"Basta besh hindi mo maiintindihan ang dahil ko, masaya ako pag nag lulucid dream ako, sobrang saya ko" sabay ngiti habang iniisip ang mga nasa panaginip ko.
"Ok bahala ka, basta ako hindi ako ng kulang ng paalala sayo, baka mamaya yan pa ang maging dahil ng kapahamakan mo" nawala ang ngiti sa labi ko ng sinasabi niya iyon. Walang mangyayari saking masama. "Besh order nako ha, sabi mo libre moko wala ng bawian yun" kinuha niya ang menu at namili ng mga gustong kainin.
Kumain nalang kami. Nandito nga pala kami sa paborito kong restaurant. Ang sarap kase ng pagkainin dito yun nga lang may kamahalan. Kahit sa pananginip ko ay nandon ang restaurant na to.
"Besh salamat sa masarap na hapunan at mas sumarap pa dahil sa libre mo" sabay tawa pero halatang nahihirapan siya dahil sa busog.
"Always welcome besh" medyo natawa ako dahil sa kilos niya ngayon, nabusog talaga siya. Itinaas ko na ang kamay ko para hingin ang bill namin. Gabi na din kase kailangan ko ng umuwi.
5 thousand pesos, yan ang bill namin. Biglang hinablot ni Mira ang Bill. Nakita kong namilog ang mata nito sa gulat.
"5k?! Yun lang 5K na yun?! Grabe kamahal naman!" Reklamo niya. Nangtinginan samin ang ilang taong nasa restaurant. Wala talaga siyang pake alam kung maiskandalo siya
"Libre ko naman diba, chill ka nga diyan, tsaka lakas ng boses mo nakakahiya" kinuha ko na ulit sa kanya yung bill. Kinuha ko sa bag ko ang wallet ko na naglalaman ng atm cards at cash. Iniabot ko ang isa atm card ko sa waiter para bayaran ang nakain namin. Umalis na ito para pumunta sa cashier
"Besh 5k na yun agad? Jusmiyo ang kinain lang naman natin ay mga dugyot na hipon at ice cream na lasang asukal lang" sa pagkakataong ito mahina na nag boses niya.
"Remember kumain din tayo ng chicken"
"Chicken na lasang sunog"
"Eh yung potato salad"
"Potato salad na hindi luto, mukang umuuga pa nga ata yung ngipin ko dahil don"
"May milktea pa"
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...