Luna's POV
Gabi na at nandito pa din kami sa lobby, hinihintay namin ang oras ng laro bago kami pumunta sa dorm.
Kinakabahan ako para sa gabi na ito. The Final Dream. Kung saan malalaman kung sino ang isang matitira samin, ang dreamer na makakakuha ng premyo ng larong ito pero para sakin useless na ang mga permyo na iyon.
Kanina ko pa kinakausap si Sunset pero tango at iling ang mga sagot nito, wala siyang kagana gana sa lahat. Makikita mo sa mata niya ang lungkot na nararamdaman niya. Hindi ito ang Sunset na kilala, yung masayahin at ingay. Sobrang naging apektado siya sa lahat ng nangyayari.
"Sunset, kumain ka naman kahit konti lang, wala pang laman yang tyan mo simula umaga pa" pilit ko sa kanya habang hawak ang pagkaing take out ko kanina.
Hanggang ngayon kase alam ramdam ko pa din ang paninisi niya sa sarili niya, na hindi manlang siya nailigtas si Jay at Jj. Hindi lang naman siya ang walang nagawa, pati kami, hindi manlang naming nagawang iligtas ang kambal.
Lumingon siya sakin, ibinaba niya ang pagkaing hawak ko tsaka hinawakan ng kamay ko. "Luna, kung ano man ang mangyari sa huling laro, tandaan mo na masaya akong nakilala kita, na naging best friend kita"
"Ano kaba, bakit mo ba sinasabi yan" sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagpatak ng luna mula sa mata niya. "Hindi ko na kase alam kung hanggang saan ko pa kayang lumaban. Naduduwag nako Luna, nawawalan nako ng pag asa"
Nang gigilid na din ang mga luha ko pero pinipilit kong wag iiyak. "Lalaban tayo okay, nandito pa naman kami, buhay pa tayo, may rason pa para lumaban"
"Susubukan ko pero hindi ko mapapangako" huling sabi niya bago ulit siya na manahimik.
Katabi ko lang din si Jack pero hindi manlang siya kumibo kahit na naririnig niya ang usapan namin ni Sunset. Kanina pa din siya tahimik.
Ilang minuto ang lumipas ng mag bukas ulit ang TV na nasa lobby. Lahat kami ay napatayo at nakatingin lang doon. Imbes na anino ang makita namin, nag flash sa TV screen ang isang taong naka Maskara. Siya ang killer. Humarap na din siya samin sa wakas.
Bago pa man ito makapag salita ay naunahan na ito ng isang dreamer. "Buti naman at hindi ka na nagtatago sa anino mo" bungan sa kanya ni Zack.
Matagal na din kaming hindi nagkakausap ni Zack, lagi lang din kase silang magkasama ni Cyrus.
Hindi pa man ito nakakasagot ay may sumabat nanaman. "Hulaan namin, sasabihin mo ang rules ng laro mo?" tsaka tumawa ng sarcastic si Camila.
"Bakit hindi ka makipaglaro samin ng patas" sugod na sabi ni Gino sa killer.
"Alam naming kayang kaya mo kami dahil may mga monitor ka na pwede mong gamitin kaya madali lang sayo na mahanap kami" dagdag pa ni Lazarus.
Bakit ba bigla nalang silang naging matapang. Nakakaya na nilang sagutin ang taong ano mang oras kaya kaming patayin lahat. Bakit parang ang dami nilang alam.
Napatingin nalang ako kay Jack ng siya naman ang nag salita. "Bakit hindi natin tapusin ang larong ito sa ibang paraan" sabi nito na kinakunot ng noo ko. "Dito sa reality. Bakit pa kailangan nating magpatayan sa panaginip kung pwede naman nating gawin dito mismo. Unless kung natatakot ka" may pagkamayabang na sabi nito sa killer.
Hinawakan ko ang braso niya tsaka tinawag ng mahina. Napalingon lang siya sakin at may binulong. "Tiwala, magtiwala ka lang samin" Ano ba kaseng pinaplano ninyo.
Nilingon lingon ko ang mga kasamahan ko pero niisa sa kanila ay walang kumontra. Hindi ba sila na tatakot dito na sa realidad maghahabulan at magpapataya.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...