Sunset's POV
Hay nako nakakaloko ha. Pumayag kami ni Violet na dito nalang sa dorm tumambay maghapon. Aba'y ang ate mong Luna, ayon mag hapong kasama si papa mong Jack. Mukang siya lang makikinabang ng naghapon nato.
Magkasama naman kami ni Violet dito sa sofa, nag kukwentuhan ng kung ano ano. Madami na din akong nalaman sa kanyan, ganon din naman siya sakin. Actually madami siyang pakisamahan, magkakamuka lang kami ng vibes.
Habang nagtatawanan kami ni Violet may isang asungot na kalabit ng kalabit sa balikat ko. "Ano ba Jay! Kalabit ka ng kalabit, nawawala kaba? Bata ka? Bata?!" Nasusura kong sabi sa kanyan.
Kanina pa yan na nagpapansin sakin eh. "Ayaw mo kase akong pansin eh" tsaka siya nagpacute face. Kala ba niya effect sakin? Sight.
"Bakit hindi mo gayahin yang kakambal mo, tignan mo oh, nananahimik lang sa isang upuan habang nag babasa ng libro" kahit na kambal sila magkaibang magkaiba sila ng ugali grabe.
"Hindi naman ako mahilig mag basa ng books. Lambingin mo nalang ako" napapangiwi nalang ako habang naka cute face pa din siya.
"Eh? Bakit naman kita lalambingin? Sapakin kita dyan eh" inirapan ko siya tsaka ako humarap ulit kay Violet.
Nakikita ko sa muka niya na may halong pang iinis at tawa. "Alam mo, bagay kayo" haynako, isa pa to. "Wait lang, kukuha lang akong snacks sa kitchen, para nag crave ako bigla"
Tumayo na siya at nag puntang kitchen habang si Jay ayaw akong tigilan. Apura sabing lambingin ko daw siya, bebe time daw. Ulol din to eh.
Dahil nga naiinis nako kay Jay, tumayo nako at sinundan nalang si Violet sa Kitchen. Makapaghanap nalang din ng pwedeng kainin. Naabutan kong naghahanap sa mga drawer at ref si Violet. Agad naman niya akong nakita.
"Wala palang stock ng snacks dito. Meron sa ref na pwedeng lutuhin pero timatamad kase ako, gusto ko lang ng chips sana" paliwanag niya habang pumutingin tingin pa din sa mga drawer sa kitchen.
Naghanap din ako kaso wala din talaga akong nahanap. Akala ko pa naman kumpleto na lahat dito. Tinatamad din naman akong magluto. "Hmm... Bibili nalang ako sa labas, try akong nagpaalam kila Jack"
Agad akong lumabas ng kitchen at nagpunta sa terrace kung saan nandon sila Jack at Luna na kanina magkasamang nagkukwentuhan. Sila lang talaga nakinabang sa plano nato.
Agad naman nila akong nakita. "Wala pala tayong stocks ng mga snacks dyan, pwede ba kong bumili sa labas? Please?"
"Samahan na kita" presinta ni Luna sa sarili niya.
"Hindi, dito kalang. Magpasama ka kay Jay, bilisan ninyo nalang" sabi ni Jack sakin.
Hindi ko alam kung matutuwa nako o mapapangiwi nalang. "Ganon? Hahayaan mo talaga akong lumabas?"
"Si Luna kaba?"
"Sabi ko nga, mag favoritism ka naman eh. Makabili na nga, tuloy ninyo na yung maglalandian ninyo. Ladian well" kung kay ko lang si Jack nasapak ko na yan eh. Bago ako umalis sa terrace tinignan ko muna ulit si Luna. "Girl galingan mo, support ako sa landian ninyo" natawa ako pero siya sinamaan ako ng tingin.
Naglakad nako papasok ng living room agad ko namang sinasabi kay Violet na pinayaan ako, gusto sana niyang sumama kaso wag nalang ang sabi ko. Lalabas na sana ako ng dorm ng harangin ako ng lalaking to.
"Jay please lang, padaanin moko" sinamaan ko siya ng tingin.
"Sa pag kakaalam ko, ang sabi ni Jack samahan kita" Hindi siya umaalis sa pinto
"Wala siyang sina—"
"Jack!" Bigla siyang sumigaw.
"Oo na! Oo na! Napakaiskandaloso mo. Hayop ka" nginisihan nila lang ako tsaka kami sabay na lumabas ng room.
Nakakapanibago lang na ibang hallway natong dinadaan namin, papunta na kami sa elevator para bumaba sa ground floor. Ang tahimik din dito. Baka nasa labas silang lahat ngayon.
Nakapasok na kami sa elevator, pagkapasok namin si Jay na ang pumindot ng ground floor. Tahimik lang ako pero alam kong nakatingin siya sakin. Pagkabukas ng elevator agad nakong naglakad. Pero alam ko talagang nakatingin siya sakin.
"What?!" medyo malakas kong tanong.
"Kailan mo balak sakin sa kanila na tayo na?"
Natingilan ako sa tanong niya. Para din akong napipe don. Oo kami na ni Jay, sa tagal nanamin dito parang ang alam lang nila samin, lagi kaming magkaayaw. Pero hindi nila alam kami. Hindi lang namin sinabi pa.
"Ka-kailangan pa ba nating sa-sabihin sa kanila?" nauutal kong tanong at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nakarating kami sa labas ng hotel bago siya sumagot. "Depende sayo. Oo, kase kaya kitang ipagmalaki. Hindi, kung kinakahiya moko"
Deretso lang ang tingin siya sa daan. Hindi ko siya kinakahiya, kaya ko din naman siya ipagmalaki. Para kase sakin para hindi pa ito yung tamang oras para sabihin namin.
"Kase..."
"I Love You, Set" mahinahong ngiti ang nakabakas sa mga labi niya. "Okay lang, naiintindihan ko naman"
Oo minsan paabno abno tong isa nato, nasanay tayo na kasama niya lang yung kakambal niya pero ang isa sa nagustuhan ko sa kanyan, sobrang haba ng pang-unawa niya.
"Halika nga dito"
"Halikan na?"
Tinampal ko siya sa braso. "Ulol" bigla ko siyang niyakap. "Thank you and I Love You Too, Jay"
---**---
Luna's POV
Tagal naman nila Sunset at Jay. Pero ang good naman parang natahimik yung tenga ko sa boses nila. Maghapon silang nag sisigawang dalawa eh. Hindi na ata mawawala sa kanila yon.
Halos kanina pa kami ni Jack na magkasama dito sa terrace ng dorm namin. Nakaka relax kase yung hangin at yung view ng paligid.
"Luna" tawag sakin ni Jack habang nakatingin lang sa malayo. "Hindi ako magsasawang mag hintay. Hindi ako magsasawang magpaalala dyan sa puso mo. Maalala mo din ako"
Sa sinabi niya na yon. Laging bumabalik sa isip ko yung mga napapanaginipan ko. Gustong gusto kong manaliwala sa mga napapanaginipan ko pero paano kung likha lang talaga yon ng isip ko.
"Gustong gusto kitang maalala Jack. Gustong gusto" sa sinabi ko nayon sa kanyan ay napatingin na siya sakin. "Walang araw na hindi ko pilipilit na alalahanin ka, pero wala pa talaga. Wala pang linaw sakin ang lahat"
Nakita ko muli yung ngiti niya. Yung mahinahon niyang ngiti. Bahagya siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. "Kapag ba sinabi ko sayong mahal natin ang isa't isa dati, maniniwala ka?"
Nagtinginan lang kami mata sa mata. "Siguro, kahit na mayabang ka at lagi kang nakasibangot. Siguro nagustuhan naman kita dati" medyo natawa kami ng konti. "Jack, maaalala din kita, pangako yan"
Ilang minuto pa ang lumipas nakarinig kami nang bukas ng pinto. Sila Sunset at Jay yon na may dala ng mga snack. Tumayo na kami ni Jack at pumasok sa living room.
Hindi pa man kami nakakaupo ay nagsalita na agad si Sunset, kinaagaw ng atensyon namin ang sinabi niya. Pinakita niya din ang isang phone. Phone to ni Jay. Isang litrato ang nandon.
Announcement
Dream One, 12:00amMagsisimula na mamayang madaling ayaw ang unang gabi. Kung saan posibleng may mawala na samin.
"Pinicturan nalang namin para hindi na kayo bumaba. Announcement yan sa lobby. Mukang magsisimula nga" ramdam ang kaba sa boses ni Sunset.
Natahimik lang kami, ramdam ko ang kaba at takot ng bawat isa samin. Oras na para lumaban, buhay sa buhay na ang nakataya dito. Naalala ko ang papel na na bunot ko. Walang nakasulat na kahit ano don. Isang ang ibigsahin nayon. Libreng libre akong patayin ng killer sa unang gabi.
"Wala na tayong dapat aksayahin na oras. Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob, aabot tayo hanggang dulo" pilit pinapalakas ni Jack ang mga loob namin. "Magpaplano tayo. Bibigyan natin sila ng magandang laro"
The End is Near.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...