Survival 28 - Lab Rats

39 3 0
                                    

LAST ONE CHAPTER TAS EPILOGUE NA!!!

-----------------------------------------------------------
Luna's POV

Ilang oras ang lumipas at nandito pa din kami ni King sa loob ng madilim na truck na ito. Wala sino man saming dalawa ang gumagawa ng kahit na anong ingay dahil na din sa mga naririnig naming kaluskos at mga yapak ng paa sa labas.

"Madami sila" bulong sakin si King. "Sabi na nga ba't hindi malinis mag laro ang killer na yon, hindi lang siya ang nag hahanap satin" dagdag pa niya.

Ito na nga ba yung sinasabi ko kanina pa, hindi papayag ang killer na yon kung alam niyang wala siyang advantage o katulong, laro niya ito kaya alam niya kung paano lalaruin ito.

Napansin ko nalang na may kinukuha si King sa bandang bulsa niya. Isang device na pakuwadtrado ang nilabas niya, may ilaw lang ito ay may tatlong tuldok na gumagalaw galaw.

"Ano yan?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Parang GPS ito, madedetect nito ang kung sino mang may hawak ng kapareha pa nito si Jack at Jasper ang may hawak ng dalawa" sagot niya sakin.

"Saan ninyo nakuha ya—"

"Sandali, may papalapit satin, hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa" hindi niya pagpapatapos sakin

Pagkasabi palang niya na yon ay may narinig nakong yapak ng paa na papalapit sa truck. Maya maya lang ay may unti unting nagbubukas nito hanggang sa bumungad samin ang isang taong naka all black at maskara.

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni King. Gumaan lang ang pakiramdam ko ng magsalita ito. "Isuot ninyo ito, bilis" si Jack.

Ginamit ni King ang flashlight na hawak niya para makita kung ano ang inihagis ni Jack samin. Dalawang parehas ng black T-shirt and Pants ito at may kasamang puting maskara. "Paraan saan ito?" Tanong ko sa kanya.

"Aalis na tayo dito Luna" sagot ni King sakin.

Napakunot ang noo ko. "Aalis saan?" Nalilito kong tanong

"Basta suotin mo na yan. Doon nako mag bibihis sa labas, bilisan mo" bumababa na siya ng sasakyan at bahagyang isinarado ang pinto.

Hindi ko man maintidihan ang mga nangyayari ay ginawa ko nalang ang inuutos nila, nagmadali akong mag bihis. Pinulupot ko ang buhok ko para hindi ito nakalugay tsaka ko isinuot ang maskarang ibinigay nila.

Pagkatapos kong magbihis ay tinatok ko ang pinto ng truck, senyales na tapos nako at buksan ang pinto. Bumungad silang dalawa sakin at bumababa nako. Nakapagbihis na din si King at sabay sabay kaming naglakad.

Habang naglalakad kami ay may mga tao din na kagaya ng kasuotan namin, madami sila at para bang may hinahanap. Magtatanong palang sana ako ng magsalita si Jack.

"Nahuli na nila ang ilang satin, hindi ko pa alam kung saan nila dinala. Hindi ko pa nakakausap ulit si Sir Jacob" sabi nito pero deretso pa din ang tingin sa daan.

"Sino si Sir Jacob?" Nagtataka kong tanong. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yon.

"Nagkita kami kanina, maya maya lang daw ay dadating na ang mga pulis at sundalo" wika naman ni King na para bang hindi nila narinig ang tanong ko.

Kung mag contact na sila sa pulis at sundalo, ibigsahin lang nito ay posibilidad na makaalis nakami dito?

Gusto ko sanang ulitin ang tanong ko ng bigla kaming sitahin ng isa sa taong nag hahanap samin, may dalawa din siyang kasama. Nakasuot din sila ng kagaya ng samin kaya hindi ko makita ng mga muka nito. "Hoy kayong tatlo! Bakit sama sama kayo?! Hindi ito pasyalan ha, mag hanap kayo! Kung ayaw ninyong malintikan kay boss" malaki ang boses nito.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon