Survival 13 - Duo 1/3 (Red Flags)

73 4 0
                                    

Luna's POV

Gaya nga ng inaasahan namin, nakatayo kami sa labas ng malaking Arena. Isa nato sa kutob naming pag dadausan ng Duo dahil kadalasan sa mga nababasa namin ay sa ganito ginaganap yung mga ganon.

Imagine the Philippine Arena, halos kasing laki at walang pinagkaiba ang isang to. Minsan nanamin na rentahan ang Philippine Arena nung nag karoon ng special Event ang company nila daddy. Halos mga bigating CEO ng ibang company ang dumating noon at meron pang taga ibang bansa, at syempre hindi mawawala ang Frost Family don, nagpapanggap na Role Model sa ibang pamilya.

"Tutunganga ka nalang dyan?" Isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko. Nilingon ko ito at laking gulat ko kung sinong lalaki ang nasa tabi ko. Si Cyrus. "Kilala mo naman na siguro ako, ang partner mo" malamig nitong sabi. Tama nga si Jasper, may paka masungit nga ang mokong.

Kapansin pansin din ang suot niya. Naka black pants, black sando at naka black leather jacket din siya. Wait wag mong sabihing— SHOCKS! ANO TONG SUOT KO! naka Black Pants din ako pero mas fitted, leather na sapatos at sa lahat ng kinagulat ko ay naka Sandong Black din ako na fitted at parang ginawa na para lang sa babae talaga. Shocks! Sa bahay nga namin hindi ako nag gaganto sa harap pa ng ibang tao. Walang hiya ka Killer ka!

Agad akong napakapit sa sarili ko. Halos yakap yakap ko na nga eh. "What? Anong problema?" Tanong niya na nakakunot ang noo.

"Ka-kase... Di ako sanay na nakasando hehe" pilit akong gumiti. Okay awkward.

"Arte mo, kailan nanatin pumasok" akmang lalakad na siya ng sumagot ako.

"Teka nga nasaan ba ang iba? Bakit ikaw ang kasama ko? Tsaka Bakit ba ang sungit mo!" Sungit sungit kakakilala palang naman namin. May itsura sana kaso hindi ibagay sa yung ugali.

"Unang una, Nasa game na tayo. Pangalawa, ikaw ang partner at Pangatlo, Wala ka ng pake alam. Kung ayaw mo pumasok, edi wag kang pumasok, tsk." nakakasura yung mga may gantong ugali na lalaki. Daig pa babaeng may Menstruation.

"Sungit porket gwapo" mahina kong bulong.

"May sinasabi ka?" Napahinto siya sa paglalakad.

"Wala, sabi ko pumasok na tayo" sumunod nako sa kanya.

Jusko po, bakit naman ganto yung naging partner ko, mainit pa ulo kase sa babae. Kahit nga siguro pagsungitan ko to o pag kainitan ng ulo wala lang sa kanya eh. Bakit kase hindi nalang si Jack, Jasper o isa sa kambal ang nakapartner ko kung alam ko lang na gantong kasungit to.

Akala ko nung una, mahihirapan akong lapitan or ientertain siya kase nga tahimik daw at hindi pala kaibigan pero ayan siguro ang dahilan, masungit at mainit agad ang ulo kahit hindi naman inaano. Sarap batukan habang nakatalikod oh.

"Kung gusto mo kong batukan, gawin mo hindi yung nag wawala ka sa isip mo, ang ingay ng inner voice mo" kinilabutan ako sa sinabi niya. Wait, naririnig niya yung iniisip ko?

"Oo naririnig, LUNA" may diin sa pagkakasabi niya sa pangalan ko. "Lahat tayo dito ay may kanya kanyang espesiyalidad. Una na don ang pag Lulucid Dream, lahat tayo dito ay may kakayahan na ganon pero..." Huminto siya sa pagsasalita saglit at pinagpatuloy ulit. "May kanya kanya din tayong kakayahan na wala sa iba na tangin ako o sarili mo lang ang meron. We are special, Luna" mahaba niyang mga paliwanag sakin.

Hindi lang pala siya masungit, Ang Creepy din niya. Oo, especial ang pag Lulusic Dream pero yung makarinig ng iniisip ng iba, CREEPY, para wala ng privacy.

Magulat ako ng medyo natawa siya. "Creepy daw" sabi nito.

"Alam mo ba yung salitang, PRIVACY!" diin ko sa salitang yon.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon