Short Update lang Guys.
Naburn out kase ako nitong nakaraang mga buwan, Pero ito ako ngayon, Nagbabalik ulit at tatapusin ang storya nato, sobrang dami kong nakaline up, and sobrang excited nakong isulat yon.
Thank you sa lahat ng sumusuporta, at sorry sa matagal na update!
-----------------------------------------------------------Third Person's POV
Sofia Garcia, GAME OVER!
"Kalalaki mong tao, naunahan pa kita. Hina mo naman" kung buhay ko lang din ang usapan, handa akong gawin lahat makaligtas lang ako.
Nakatingin lang siya sakin. "May konsensya kase ako, hindi tulad mo" may diin sa bawat salita niya.
Naglakad lakad ako paikot sa kanya. "Aanin mo yung konsensya mo kung ikaw lang din ang susunod na mamatay. Baka nakakalimutan mo yung nakasulat sa papel natin. Kapag hindi tayo pumatay, tayo ang mamamatay"
Oo, ayan ang consequence samin. Akala ba niya, kikilos ako para sa wala lang. Gusto kong makarating hanggang dulo.
"And besides, baka lang nakakalimutan mo. May premyo ang laro nato. Isipin mo, makikipag laro ka lang sa gantong paraan, milyonaryo kana, may bahay at sariling sasakyan kana—"
"Pero sa maduming paraan. Mas inaasam mo ang premyong nakuha mo sa ganitong paraan? Ano nalang ang sasabihin ng magulang mo—"
Hindi ko na siya pinatapos ng sampalin ko siya. "Wag na wag mong idadamay ang mga magulang ko"
Ngumisi siya at bahagyang tumawa. "Bakit? Natatakot ka na itakwil ka nila?"
"I said, Stop!" Sigaw ko sa kanya.
Ayokong pinag uusapan ang magulang ko. Ayoko silang madamay sa mga nangyayari sakin ngayon. Bakit, mali bang mag asam akong gumanda ang buhay namin.
Oo alam kong hindi ko dapat inaasam yung premyo ng laro na to. Pareparehas lang naman kaming biktima dito, kung hind ko lalaruin to, baka matagal nakong patay ngayon.
"Kita mo nga naman, kahit gaano pa kabangin ang isang hayop, may kahinaan pa din to" sarcastic siyang tumawa. Lumapit siya sakin.
Napakalapit ng muka namin sa isa't isa. "Nakabawas ka man ang isa satin pero hindi ka titigilan ng konsensya mo" Tsaka siya umalis na para bang walang nangyari.
Hindi ko naman ginusto lahat ng nangyayari. Biktima lang din ako.
---***---
Luna's POV
"Holy shit, akala ko kung ano na yung nangyari sa inyo" may pag aalalang bungad samin ni Jack. "Kinabahan ako ng mag iba ang numero" nagbitaw siya ng malalim na hininga.
"Same, kaya hinanap nanamin kayo agad" sagot sa kanya ni Sunset. "Sila... Jay ba nakita mo na?" Dugtong pa nito
"Oo, naghiwahiwalay kami para hanapin kayo, baka kasama na nila si Violet pag dating dito" Sagot sa kanyan ni Jack tsaka naupo sa isang Bench.
Kahit naman ako ay nag alala para sa kanya at para sa kanila. Nakatingin siya sa ibang dereksyon habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
Aaminin kong nag uumpisa ng bumigay ang puso ko para sa kanya. Im started to love him. Gusto ko siya at ganon din siya dahil lagi niyang sinasabi yon.
Posible pala talagang magkagusto ka sa taong laging nandyan para sayo. Yung hahanap hanapin mo na sa araw araw. Yung na sanay ka na, na ginigulo at kinikulit ka.
Pero lagi lang napapalitan yon ng salitang. 'Isa isa din kaming mawawala'
"Natulala ka? Miss mo gwapo kong muka?" Tsaka ko lang narealize na nakatingin na pala siya sakin at nakangiti. Yung ngiti niyang nakakahulog.
"A-asa ka, yabang nito!" Medyo nauutal ko pang sabi.
Napangisi at pailing iling nalang siya.
What if kung magpapatay na kaya ako sa killer ngayong Dream One? Ano kayang mangyayari kung ganon?
Kase kung titignan lang din sa kabilang bandan, iisa lang ang matitira kaming lahat. Kaya posibleng lahat ng kasama mo mawawala din, maski ako, alam kong mawawala lang din ako. Im not strong enough para lumaban at matira sa kanilang lahat.
Parang kailan lang 31 kaming nag simula dito pero heto kami ngayon 19 nalang at nakikipag sapalaran pa para mabuhay at tumagal pa.
What if, kung isa nako sa mga nabiktima? Magigising na kaya ako sa bangungot na to? Makakasama ko pa kaya yung pamilya ko?
May nag aalala kaya saming lahat? O hindi nila alam nawawala kami?
Napitlag nalang ako ng may yumanig nag katawan ko. "Luna, kanina kapa tulala. Ang sabi ko nandito na sila kambal at Violet" sabi ni Sunset.
"So-sorry, mabuti naman at kumpleto na tayo" sagot ko sa kanyan. Sa sobrang daming tanong sa isip ko, hindi ko nalang namamalayan yung mga nasa paligid ko.
Nagpunta kaming lahat malapit sa dagat, palubog na ang araw at nag sisimula ng dumilim. Alam kong nasa panaginip lang kaming lahat pero kung titignan mo, sobrang totoo ng lahat.
Dahil ito kami eh, mga Lucid Dreamers na gumagawa ng sariling mundo, kung saan lahat posible at totoo.
Ilang oras lang din kaming nakaupo sa buhangin at nagkukwentuhan. Yung parang mga normal lang kaming kabataan na napag planuhan lang mag bakasyon.
Habang masaya silang nagtatawanan at nag kukwentuhan may isang bagay ang nagpakunot sa noo ko.
Nakatingin ako kalangitan at para bang may nabubuong mga litra dito. "Guys look! May mga letters na mabubuo" turo ko sa kanila.
Agad nilang napansin din yon. Habang tumatagal nakakabuo ito ng salita.
"Time to Reveal the Killer?" Nakakunot noong basa ni Sunset. "So marereveal kung sino ang killer?!" Dagdag pa niya.
Tumayo kami at nanatiling sama sama. "Walang aalis at maghihiwahiwalay, magiging delikado ang gabing to" kinabahan ako sa sinabi ni Jack nayon.
"Ba-bakit nila irereveal ang ki-killer akala ko ba bawal?" Nauutal pang tanong ni Violet.
Napahinto nalang kami ng mabuo ang mga susunod na salita. Jasper and Violet. Ang ibigsabihin nito? Sila ang killer?!
Napatingin kaming lahat kay Violet, halata sa kanya ang pagkabalisa. "Gu-guys, hindi ko to ginusto, biktima lang din ako nito!" Umalis siya sa tabi namin at nagsisisigaw. "Anong bang klaseng laro ito! sobrang daya niya na!"
All this time kasama pala namin ang isa sa killer, at ang isa pa ay kaibigan pa namin.
"Violet, naiintindihan ka namin, oo biktima lang din tayong lahat. Pe-pwede naman sigurong hindi ka puma—" hindi na niya ako pinatapos at nagsalita.
"Hindi Luna, hindi mo naiintindihan. Kaming killer ang mamamatay kung hindi namin gagampanan ang role namin" natahimik siya at yumuko.
Bigla kaming kinilabutan ang tumawa siya, yung tawang nakakataas ng balahibo. "Naging kaibigan ko kayo. pagbibigyan ko kayong tumakbo at magtago, pasensya na kailangan kong gawin to"
Para bang biglang nag iba ang taong kausap namin, hind na si Violet ang nararamdaman at nakikita ko.
"Violet..."
"Takbo na!" Sigaw niya at nagpalabas siya ng isang laking tubo.
Ayoko man siyang iwan pero hinila na nila ako paalis doon. Naiwan si Violet ng mag isa, tama naman siya, biktima lang din siya.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...