Survival 6 - King Felix

95 7 1
                                    

Jack’s POV

Shit! Damn!

Halos puro mura ang lumalabas sa bibig ko. Nandito nako sa game at hindi ko mahanap sila Luna. Kinakain ng nag aalala ko ang isip ko, hindi ko pwedeng pabayaan si Luna. Halos takbo at lakad ang ginagawa ko mahanap lang sila.

May hawak akong kapirasong papel na naglalaman ng code kung nasaan ang killer, malas lang niya dahil alam ko kung paano mag decode ng mga code. School ang settings ng laro ngayon at pati ako ay nakaschool uniform. Kung sino man ang may pakana ng laro nato, binabati ko siya dahil napakaplanado ng hayop na laro nato.

Halos hindi nako tumitingin sa dinadaan ko at patuloy ang pagtakbo. Nasaan kana ba Luna. Napahinto nalang ako ng may makabangga ako.

“Jack!” ang kambal pala.

“Jay, na-nakita mo… na sila Luna?” hingal na hingal at bungad na tanong ko sa kanila.

“Oh chill, halos mamatay kana sa pagod, si Luna pa din ang nasa isip mo. Iba ka talaga bro!” pangiti ngiti nilang sabi

“Gago. nakita mo nga ba?” pagtatanong ko ulit

“Hindi pa pero hinahanap din namin” singit ni Jj. Na wiwerdohan lang din talaga ako sa pag uugali ng kambal nato, paminsan okay pero madalas hindi. Lakas ng lastik ng dalawa na to.

“Alam ninyo naman siguro mag decode noh?” tanong ko sa kanina

“Yes” sabay nilang tugon.

“Good, sige maghiwahiwalay tayo para mapadali ang paghahanap kina Luna at balaan ninyo na din ang iba na wag pupunta sa library, maliwanag?”

“Yes Master” sagot nila. Napangisi ako ng sabihin sila yun, ayos din pala tong kambal nato. “Oh nandiyan nadin pala si Master Jasper”

“Nakita ninyo nasila Luna?” unang bungad niya samin. Wala akong ganang harapan ang Jasper na yan, iba ang kutob ko sa lalaking yan.

“Hindi pa master pero sinisimulan nanamin” sagot ng kambal.

“Okay okay, diyan kayo dito kami maghahanap ni Jack” napasinghal nalang ako, kung mamalasin ka nga naman.

“Okay Master” nagmadaming umalis ang kambal.
Nauna nakong maglakad, mas gugustuhin ko pang maghanap mag isa. “Jack, hintay!” sigaw niya

“Tsk! Ang bagal mo!”
Naglalakad nako at palingalinga, nagpapakasakaling makita si Luna. Ilang minute na din akong naglalakad habang nakasunod si Jasper tukmol. May natanaw akong babae malapit sa library. Shit!
Tumakbo ako patungo doon. Laking pasasalamat ko ng hindi si Luna ang babaeng nakita ko. “Ms! Wag kang pumasok diyan!” sigaw ko rito

“Wala kang pake alam, Loser!” sagot niya bago tuluyang pumasok sa library.
Akmang tatakbo ako ng para habulin at pigilan siya ng magsalita si Jasper. “Wag, hindi tayo nagkulang sa pag papaalala sa kanya, siya ang pumili ng landas niya. Survival game at individual ang laro nato, wala kang magagawa kung anong gusto niyang gawin”

Nauna na siyang maglakad sakin.
Makailang minuto pa ay hindi talaga namin sila mahanap.
"Umaasa kabang mananalo ka sakin?" Salita niya habang naglalakad.
"Umaasa kabang pipiliin ka niya?" Dagdag pa niya. Hindi ako kumikibo. Wala akong pake alam sa sinasabi niya.
"Oh come on, alam naman nating may gusto ka sa kanya, lalaki din ako kaya alam ko ang tinginan at kilusan ng may gusto" Sa pagkakataon nato ay humarap siya sakin at ngumiti ng nakakaloko. "Hindi ka mananalo sakin"

Napangisi nalang ako. Lumapit ako sa kanya ng kaunti. "Matagal nakong panalo sayo, kung alam mo lang"

Nilampasan ko na siya at naglakad ulit.
Tinutok ko nalang ang isip ko sa paghahanap kay Luna. Naglalakad ako ng makakita ako ng Red Rose, pinitas ko agad yon. Ibibigay ko to kay Luna. Nakarinig ako ng mahihinang usapan. Hinanap kong kung saan yon. Halos abot tenga ang ngiti ko ng Makita ang babaeng nakatalikod mula sa kinatatayuan ko, hindi ako magkakamili kung sino to, ang lakas ng tibok ng puso ko satuwing makikita ko siya. palapit nako ng may tumabig sakin.

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon