Luna's POV
"Mira ang bagal mo! Tara na dito! Swimming na tayo"
"Oo wait lang, hindi ba masyadong maikli tong suot ko"
"Nakakita ka ba ng two-piece na balot ang katawan, tsaka tayo tayo lang naman ang nandito"
Naglulucid dream ako ngayon. Ganon pa din naman ang sineryo ng panaginip ko. Nandito si Mira yun nga lang yung hindi totoo ng Mira. Sa bahay namin ang sinaryo na ginawa ko at kasalukuyan kaming mag suswimming sa pool namin.
"Anak, ito yung pinapahanda mong meryenda" nakangiting sabi ni mommy. Dito sa panaginip ko maayos ang pamilya ko.
"Aba, mukang nag eenjoy ang prinsesa ko ha" dumating si daddy at may dala ding mga pagkain. "Mahal, hayaan na muna natin sila dito, tara na doon sa loob" aya ni mommy kay daddy.
Dito hindi sila nag aaway. Aayos lang dito sa pananginip ko. Gusto kong makatakas sa realidad ko, sa mapait kong realidad.
"Tara na mahal, i love you" dito sa panaginip ko, naririning ko ang tawagan nila ang pagmamahal nilang dalawa sa isa't isa.
Nilingon ko si Mira na nakatayo lang sa gitna ng pool. "Tara swimming tayo" aya ko rito.
Hindi talaga ako marunong lumangoy pero gaya nga ng sabi ko, lahat imposible dito sa pananginip ko. Ang nakakalungkot lang ay hindi ko madala ito sa reality.
Nag enjoy lang kami at nag saya buong araw. Kahit na anong isip at gawin ko ay posible.
*Ringggg.... Ringggg...*
Alarm clock ba yun? Ha? Wala akong alarm clock! Ayoko kase ng tunog na yun, nakakasira ng araw.
Ano pa nga bang magagawa ko kundi gumising na. Inisip kong makakabalik na ako. Pag kamulat ng aking mata ay nakabalik na nga ako. Gising na muli ako. Nandito na muli ako sa painful reality.
Inaadjust ko muna ang paningin ko dahil sa liwanag na tumatama sa mata ko, nang maka adjust nako ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Hindi ko kwarto to! Hindi ko mga gamit to! Nasaan ako?!
Nakahinga ako sa white king size bed at sa tapat na to ay may TV. Meron ding Cr. Pamilyar ako sa gantong set up ng kwarto. Isa itong hotel. Tinignan ko ang labas ng kwarto na mas nagpalakas ng hinala ko. Hotel nga to.
"21" basa ko sa numerong nasa pinto ng kwarto ko.
Paano ako na punta sa lugar na to? Ng hindi ko namamalayan?
Binuksan ko ang kabinet. Nandito lahat ng gamit ko, as in lahat ng gamit ko. Damit, bag, shoes at madami pa.
Nakita ko ang phone ko na nakapatong sa lamesa malapit sa kama. Dali dali kong kunuha yun."Walang signal? Seryoso ba?" pano ko na malalaman kung nasaan ko.
Napagdesisyuhan kong magbilis para lumabas sa kwarto. Gusto kong mag ikot ikot baka makita ko sila mommy, daddy o kahit yung kapatid ko. Baka sila ang may pakana na to.
Pagkalabas ko ng hallway ay malamig pa din. Fully air-condition din dito. Buong hotel ay naka air con. Ang mahal siguro dito.
Nang nasa lobby nako ay walang katao tao dito kahit na mga staff ay wala, saan ako mag tatanong.
Lumabas na ako. "Luna Frost, Out" Sabi ng boses babaeng robot. Mukang sensor ito. Ang gara naman ng hotel na to.
Mas namangha ako sa mga nakita ko sa labas. Halos magkakatabi lang ang mga pwedeng galaan. May park, may carnival, may mall at madami pang pwedeng puntahan. Para bang sinadya ito na paglapit lapitin lang.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...