*Flashback*
Luna's POV
"My Moon..."
Nakayakap lang siya sakin. "Bakit ba kase ayaw mong sagutin yung tanong ko!, sino ka ba talaga, Jack?"
Ilang minuto siyang nanahimik bago sumagot "Ayoko pang ipaalam kase alam kong maguguluhan kalang, ang gusto ko unti unting maalala ng puso mo, alam kong nandyan pa din ako, Luna" kumalas na siya sa pagkakayakap sakin. Humarap siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. "Gagawin ko ang lahat maalala mo lang ako, pangako"
Hindi ko alam pero bakit ako naniniwala sa mga sinasabi niya, bakit pakiramdam ko ay tama lahat ng yon.
---
Nakaupo kami sa sofa dito parin sa greenhouse, ginawa din pala ang lugar na ito bilang pahinangan dahil madami sofa at lamesa na pwedeng pagtambayan.
Magkatabi kami ngayon ni Jack at hindi nag uusap. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, wala din naman akong maisip ng topic.
Nakatingin lang ako sa mga halaman at bulakbak sa paligid, at may mga paro paro ding nakakaaliw pagmasdan na lumilipad. Buti pa sila malaya eh kami nakakulong sa lugar na to at kontrolado pa.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaramdam ako ng antok, nagsimula nakong maghikab at bumigat ang talukap ng mata.
"Inaantok ka?" Nakatingin na tanong ni Jack sakin. Matipid naman akong tumango bilang sagot. "Sumandal ka sa balikat ko" dagdag pa niya
Sasagot pa sana ako kaso ay dahan dahan na niyang sinandal ang ulo ko sa balikad niya, siguro ay alam niyang tatanggi ako. Kahit papano naman ay naging comportable ang pakiramdam ko. Unti unti nakong dinapuan ng antok.
---
Pagmulat ng mata ko ay ibang saya ang naramdaman ko, nakita ko na muli ang bahay namin, nandito na ulit ako sa pananginip ko! Ngayon lang ulit ako nakapag Lucid Dream sa sarili kong panaginip, dito kontrolado ko ang lahat at dito malaya ako.
Maya akong nagtatakbo sa papasok ng bahay at gaya ng inaasahan ko sinalubong ako nila mommy,daddy, at kuya. "Anak, tara na doon, nakahanda na ang pagkain" bungad sakin ni mommy.
Isa isa ko silang niyakap, kahit na sa panaginip manlang ay maramdaman ko sila, miss na miss ko na talaga sila.
"Kain na daw kapatid kong dugyot" pag aasar sakin ni Lance. Sinadya kong ganyan pa din ang ugali niya dito sa pananginip ko dahil naninibago lang ako pag mabait siya."Oo na, ayan na kapatid kong monkey" natatawa kong ganti sa kanyan. Namiss ko ang gantong buhay.
Dito sa pananginip ko sabay sabay kaming kumakain at nag kukwentuhan. Nakahain ang masasarap na pagkain at syempre lahat ng ito paborito ko. Okay na na kumain ako ng madami dahil hindi naman akong tataba.
Habang masaya kaming ng kukwentuhan ay nakarinig ako ng doorbell. Teka wala naman akong iniimagine na may pupunta ha. Hindi naman ng react sila mommy dahil hindi ko naman inaallowed maramdaman nila yon. Patuloy ang doorbell at katok sa pinto. Teka parang may mali dito.
Agad kong kinuha yung flower vase na nasa lamesa namin at naglakad papunta sa pinto. Nakakasigurado akong hindi galing sa imagination ko yung kumakatok.
Nag nasa tapat nako ng pinto ay hindi pa din nawawala ang pagdodoorbell at katok. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Agad kong inihagis ang flower vase pagkabukas ko ng pinto.
Laking gulat ko kung sino ang nakita ko sa labas ng pinto. "JACK?!" mabuti at nakailag siya sa pagbato ko. "Te-teka! Hindi naman kita iniimagine ha! Tsaka paano ka nakapasok sa pananginip ko?!" Gulat at hindi makapaniwala kong mga tanong sa kanyan.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...