Tris POV
"Lagyan pa natin ng Twist. You have 5 minutes para lang ang laro. Galingan ninyo Dreamers dahil sariling buhay ninyo na ang ililigtas ninyo ngayon. Walang kampihan, wala ng tulungan, Isa laban sa lahat"
"START!"
Five minutes? Ang tangal naman. "Two minutes tatapusin ko ang laro" mayabang kong sagot. Totoo kaya ko yon gawin.
"Two minutes? Ikaw ang tatapos ng laro? Nagpapatawa kaba? Isa kalang mahinang babae" matalas na sabi ni Seth. Pangisingis din ito. Ang ayoko sa lahat yung mayayabang.
"Hindi ako nagpapatawa, kaya ko talagang gawin yon. Baka nakakalimutan mo, may Gift din ako"
Sa naging mga unang laban namin sinadya kong hindi gamitin ang Gift ko. Alam kong dadating ako sa gantong ganito kaya minabuti kong wag muna ipaalam sa kaninang lahat ng kakayahan ko dahil alam kong mapapaghandaan nila ako.
Walang kumikilos samin, pinapakiramdaman namin ang bawat isa. Kaya ko nasabing two minutes ay kaya kong tapusin to dahil ganong kahaba lang ang kakayahin ko para gamitin ang Gift ko. Baka pag na sobrahan ay mauna pakong mamatay sa kanina.
Ito sa hanay naming anim, alam kong pinakamadaling targetin ay si Mea. Una palang nagpakita na siya ng kahinaan kaya alam naming lahat na siya ang unang dapat unahin pero hindi mangyayari yon. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang si Mea. Isa na din siya sa mga maging kasama ko dito sa laro.
Nabigla ako ng kumilos ng mabilis si Seth. Speed ability nga pala ang kakayahan niya. Pumunta siya sa likod ni Mea at hawak hawak ang balikat nito. Alam kong balak na niya itong ilaglag.
Napangisi nalang ako. 2 Minutes, Start Now!
Sa isang iglap ay nasalikod na din ako ni Seth, kinagulat niya ang nangyari na yon. "Pa-papaano—" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay initulak ko na siya palayo kay Mea.
"Wag mong hahawakan ni Mea" banta ko sa kanya.
Oo, tama kayo, teleportation ability ang kaya ko. Malakas na imagination at energy ang kailangan ko para magamit ko ito. Kaya kung susobra sa Two Minutes na gagamitin ko ito. Maaari akong makaramdam ng pagkahina na baka mapunta sa pagka paralisa.
Tumingin siya sakin na para bang hindi na gustuhan ang sinasabi ko. "At bakit, sating lahat na natitira ngayon, siya ang pinaka mahina. Madami lang siyang tanggalin sa laro" pangisingisi nitong sabi.
"Dyan ka nag kakamali, ako ang makakaharap mo" nag teleport ako papunta sa likod niya at dinala siya sa dulo ng platform. "Mabilis ka nga pero mahina ka naman" bulong ko sa kanya bago itulak palabas ng platform.
Ganon ko lang siya kadaling tinapos. Tatlo pa ang kailangang lumabas.
Napatingin ako kay James at Bella. Shit, mukang dito ako mahihirapan. Alam ko na ang Gift ni James at masasabi kong hindi biro yon pero si Bella, hindi ko pa alam, hindi niya ginamit nung unang laban pero namumuo sa isip ko na baka hindi pa niya na didiskubre ang Gift niya.
Lalapit na sana ako kay James ng biglang mawala ito sa paningin ko. Ito na nga ang sinasabi ko. Invisibility. Pano ako makikipag laban sa taong hindi ko naman makita.
"James, please wag mo nako pahirapan" alam kong naririnig niya ako.
Nakaramdam ako ng pagtulak sa likod ko kaya napadapa ako. "Gago kaba, ayokong ma-mamatay, lalaban para sa sarili ko" kahit na hindi ko siya nakita ramdam ko sa boses niya ang takot.
Tumayo nako sa pag kakadapa. Napatingin ako sa timer na umaandar. Malapit na mag isang minuto. Hindi ako pwedeng lumagpas ng two minutes.
Para akong tangang nilalaban ang hangin. Nararamdam ko si James pero hindi ko makita. Ayaw niya talagang magpatalo. Makailang beses niya rin akong nasaktan at hindi ko naiwasan ang mga yon. Ilang beses ko din siya kinausap pero ayaw niya talaga.
BINABASA MO ANG
Dream Killer (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Dreamer kaba? Baka gusto mong sumali sa laro na ito. Walang rules sa game na ito pero may kaisa isang mo...