Survival 21 - Best Team

51 2 0
                                    

Luna's POV

Halos limang minuto ng namamayani ang katahimikan dito sa lobby. Walang nag tatangkang magsalita ng malakas, lahat halos ay pabulong kung nagsalita.

"Seriously, natatakot nako sa nangyayari" bulong na sabi samin ni Sunset.

"Tara dito sakin" bulong na sagot naman sa kanyan ni Jay. Lalapit lang ito ay tinulak na siya ni Sunset. "Napaka arte pa nito, icocomfort ka na nga"

Nakita kong inirapan siya ni Sunset. "Kung sana, mala Jack ang linyahan mo okay pa eh, tsk" at nag umpisa na nga silang magbangayan ng pabulong.

Grabe talaga tong dalawa na to, walang pinipiling oras o lugar. Magbabangayan kahit na pabulong.

"Hoy, tumingil na nga kayong dalawa, natatakot na nga tayong lahat nag bangayan pa kayo" saway sa kanila ni Violet.

Wala pang isang araw samin si Violet pero nakita na niya kung pano mag bangayan yang dalawa na yan. Sa buong maghapon ilang beses na din niya akong tinatanong kung ganyan daw ba yang dalawa na yan sa araw araw namin dito at puro tango nalang ako nasasagot ko. Masasanay din siya.

Nagulat kami ng unti unting tumataas ang harang na ginamit para matakpan ang hallway papunta sa mga kwarto namin. Wala naman kaming nakitang pagbabago pero naguguluhan lang kami bakit kailangang harangan ba yon.

Naagaw ang atensyon namin ng mag bukas ulit ang T.V monitor.

"Hello again, Dreamers" sa tuwing sasabihin niya ang mga salitang yon lagi nalang akong kinikilabutan. "Bukas ng gabi, magsisimula na ang mga gabing... Sabihin nanating hindi normal. Kaya enjoyin ninyo ang buong araw ninyo mamaya kasama ang mga kaibigan ninyo dahil... Baka iyon na ng huli" tsaka siya tumawa ng napakalakas.

Magsisimula na nga, unti unti na kaming nalalagas.

"Kagaya nga ng sabi ko kanina, bubunot kayong lahat para malaman kung sino ang killer sa Dream One. Bunot na"

May itim na kahon ang nasa harapan. Napansin ko na to kanina noong nag hulong ako ng papel namin sa pulang kahon. Habang nakapili at isa isang bumubunot, hindi natitigil sa pagsasalita ang lalaki sa monitor.

"Sabay sabay bubuksan ang papel na mabubunot. At mahalagang paalala na huwag sasabihin kung anong nakalagay sa papel na nabunot kung ayaw mong manganib ka agad sa unang gabi"

Sobrang lakas nanaman ng kabog ng dibdib dahil sa kaba. Natatakot ako para sa buhay ko at sa mga kasama ko. Bakit ba kase kami napunta sa gantong sitwasyon. Kung wala lang akong kakayahan na ganto, baka wala ako dito.

Unti unting nauubos ang nakapili sa harapan ko. Hanggang sa kami nalang ng grupo ko ang natitira sa pili. Nauna na si Jack at ang kambal na pumunot. Nauna nako kila Sunset at Violet, hindi na din kami ng tagal sa harapan at bumalik na ulit kung saan kami nakapwesto kanina.

Isang puting piraso ng papel at nakatiklop sa gitna ang itsura nito. Hindi ko akalain na sa isang simpleng papel manganganip ang buhay namin.

Nag bigya na ng hudyat na pwede nanaming buksan ang papel pero naglayo layo kami ng konti para hindi makita ang mga nakalamat sa bawat papel.

Wala. Wala akong nakita sa papel ko. walang nakasulat na kahit na. Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi ako papatay, ako ang papatayin. Nanganganib ang buhay ko sa unang gabi. Anong gagawin ko bilang mahinang babae.

Nagsama sama na ulit kami.

Mapapansin mong nag iba ang mga reaksyon nilang lahat. Maski ako, pakiramdam kong namumutla at para binuhusan ang ng malamig na tubig sa kaba.

"Ngayon na nakita ninyo na kung anong nakamalat sa papel. Oras na para enjoyin ang huling araw ninyo na kumpleto kayo. Handa na bago ninyong mga kwarto"

Dream Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon