Chapter 9

32 2 0
                                    

Since I enter my room hindi na mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa office ni Mommy i never expected that.

"Ada?! Pinapayagan kita sa lahat but this is too much!" Galit na sabi niya sa'kin nakahawak pa din ako sa pisngi ko na nasampal niya kanina.

"Mom I'm re-" hindi pa ako tapos magsalita ay hinila niya ako paupo sa may sofa.

"Sorry? What if nalaman ng lalaking 'yon ang identity mo na isa kang Buenaventura tapos ipagkalat niya malaman ng Daddy mo? Can you handle the consequence? Tinutulungan na nga kita para hindi mangyari sa'yo yung ayaw mong mangyari yet you're still stubborn!" Sunod-sunod na sambit ni Mommy. I know this is for my sake pero how did she know that?

"Pano mo nalaman, Mom?" I whispered hinang-hina na ako and at the same time naguiguilty.

"May nagsabi sa'kin. Hindi na mahalaga kung sino atleast sinabi niya sa'kin." She breathe deeply, "If hindi niya sinabi sa'kin malalaman 'yon ng Daddy mo gusto mo ba 'yon? Binigyan ka na nga niya ng choice if you don't want then be independent but hindi mo ibubunyag ang true identity mo don't you want that?" Tumulo ang luha ko sa sinabi ni Mommy.

"I want to be independent but not a liar." Matigas na sagot ko sa kanya. Laging ganon 'para maging independent ka rin kailangan mo 'yan'. Do i need to lie to become independent?

"Endure that or suffer the consequence." I just looked on the floor while she picked up her phone.

"Mom can i breathe? Without thinking about myself and the consequence?" I whispered with my cracky voice. Hoping na pagbigyan niya ako kahit ngayon lang.

"1 week grounded and that's final!" Sagot niya at lumabas na ng office niya.

Nandito ako sa kwarto without anything my laptop, tablet and cellphone meron lang akong tv sinearch din ng mga maid ang buong kwarto ko kung meron pa akong tinatago na gadget maski sila kuya hindi makapasok sa kwarto ko.

Nakarinig naman ako ng katok and kaya inayos ko ang itsura ko bago umupo sa may pintuan.

"Noona~ im really sorry." Medyo malakas na sabi ni Ayen sapat na para marinig ko.

"Not your fault Ayen don't apologize." I said medyo malakas para marinig niya nag-aalala ako for Hassan baka kasi iba isipin niya. "Ayen pwede ba favor?"

"Sure po noona~" masiglang sabi niya this is the moment na nagiging sweet si Ayen kaya kahit noon hindi sumagi sa isip ko na may crush or gusto siya sa'kin.

"Noona nasend ko na kay hyung thank you and sorry." Malungkot na sabi niya tumawa lang ako ng peke para naman gumaan ang loob niya. Narinig ko ang yabag ng paa niya papalayo muling tumulo ang luha ko.

Hindi ko tinatanggal ang takip sa bibig ko alam kong anytime nasa labas ng room ko si Cheche at kuya Chan kaya pinipigilan ko ang hikbi ko.

"Patchy, i swear hindi ako nagsabi kay Mom hindi ko din alam kung pa'no niya nalaman." Kuya said on the other side of the door hindi ko siya sinagot dahil alam kong cracky ang voice ko.

"You know i love you right? Against ako sa plan nila sa consequence na 'yan. If pwede lang na ako magsuffer kinuha ko na yung consequence mo." Narinig ko ang cracky voice ni kuya alam kong soft si kuya pagdating sa ganito.

I remember how he helped me. Siya yung reason kung bakit hanggang ngayon may deal kami ni Dad. Si kuya Chan ang gumawa ng paraan para hindi ako magsuffer ni hindi siya nakakatulog tapos may acads pa siya no'n.

"Kuya, never ko naisip na isusumbong mo ako kay mommy kaya don't worry. Never akong nagalit sa'yo kasi nga ikaw yung other half ko diba? You told me na you and me against the world." Napatigil ako sandali dahil sa mga luhang nag-uunahang tumulo. "Kahit kelan hindi mo'ko iniwan. nangako ka na never mo akong iiwan. Tinutupad mo ang pangako mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko narinig niya na ang mga hikbi na kanina ko pa tinatago.

In between States and Church (State Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon