Chapter 16

23 1 0
                                    

"Pat, where are you going?"

Nagulat ako pagbaba ko ng hagdan dahil nakaupo si kuya at nagkakape pa habang hawak nanaman niya ang laptop niya dahil busy pa din siya kahit vacation na.

"Sa mall lang kuya, wala na akong personal things, e." paalam ko na agad naman siyang tumango hindi naman niya chinecheck ang clothes ko dahil he told me na, i should wear whatever I want.

"Don't be late. Hindi mo ba kasama si Hassan?" agad akong umiling sa kanya.

"Wala naman kaming usapan tsaka baka next week pa dahil busy siya with his family alam ko, e." hindi na siya sumagot kaya umalis na ako.

Niyaya ko kagabi si Hassan pero sabi niya busy daw siya with his fam tapos hanggang ngayon hindi pa din siya nagrereply sa messages ko, tiningnan ko na pati story niya sa ig and post niya sa facebook pati nga tweets niya pero nothing's new.

Paglabas ko ng village namin ay dumeretso na ako sa pila ng jeep papuntang Castro mall sayang naman kasi if ever na gamitin ko pa yung sasakyan sayang pang-gas.

"Kuya, bayad po sa castro mall lang!"

Kinuha naman ng ale ang bayad ko kaya pagtapos no'n ay nagcellphone nalang ako, ini-stalk ko pa din si Hassan hanggang ngayon last na story niya is yung picture namin sa Zambales last week yung nakaback hug siya sa'kin tapos yung video namin pagtalon namin sa cliff.

"Castro mall yung mga bababa d'yan iikot na ako," napababa ako kahit medyo malayo pa dahil nagcut route nanaman yung si Manong wala na din kasi siyang pasahero and lunch time na din.

Pagpasok ko sa mall ay dumeretso ako sa may department store para magtingin ng bag na pwede kong iregalo kay Maeve, malapit na din kasi ang birthday niya. I saw something na magugustuhan ni Maeve kaya agad kong kinuha 'to nagulat naman ako dahil meron akong kaparehas na kumuha sa bag.

"Akin nalang 'to," nagulat pa siya dahil nakita niya ako.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?" natutuwa ako dahil nakita ko siya dito sa mall kahit na last week naman magkasama kami.

"Bumibili lang ng regalo." sagot niya habang nakatingin pa din sa bag.

"Ay, ireregalo mo din 'yan? Balak ko rin iregalo, e." napatingin naman siya sa bag ng matagal kaya binitawan ko na, "Sige, sa'yo nalang marami pa namang iba d'yan hanap nalang ako."

ngumiti siya sa'kin before niya kunin ang bag, "thank you, Pat!" masayang sabi niya.

"Ingat Leon!" kumaway ako sa kanya at nung nawala na siya sa paningin ko ay nagtingin ako ulit ng ireregalo hanggang sa malibot ko na ang buong department store ay wala pa din akong nakikita kaya nagdecide akong lumabas nalang at kumain muna.

"Isang #4 cheese double pizza then chicken sriracha 10 pcs yung drinks water lang." I looked for a vacant table after kong umorder sa yellow cab. May napansin naman akong dumaan parang si Hassan pero baka naghahallucinate lang ako dahil namimiss ko na siya.

I took a selfie and minyday ko nalang wala naman nagmemessage sa'kin siguro dahil busy din sila sa incoming school year kaya siguro wala manlang nagmemessage sa'kin.

Pagdating ng order ko ay kumain na agad ako dahil gutom na gutom na din ako and nalipasan na yata ako pero gutom pa din naman ako so, di pa naman lipas gutom ito. Ang sarap talaga ng pizza ng yellow cab and ang sarap ng cheese.

It took me an hour to finish all of the food na inorder ko, gan'to pala kalungkot 'pag mag-isa ka lang kumakain. Ang busy kasi nila sila sana isasama ko siguro sapat na yung one week na staycation.

After ko kumain ay umalis na ako sa yellow cab para pumunta sa ALCare bibili lang ako ng skincare for me and for Hassan na din dahil ang hilig no'n sa skincare.

In between States and Church (State Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon