Chapter 18

19 1 2
                                    

Tw // Drugging someone.

-----------------------------------------------------------------

"Hoy, first day natin gumising ka na Patrice Adaleyza!"

Nagising ako sa liwanag dahil binuksan ni Kaila ang curtain ko kaya wala na akong nagawa kung hindi maupo muna sa floor habang siya ay inaayos ang gamit niya.

"What time na ba?" sinilip ko kung tulog pa si Cali at wala na si Cali sa higaan niya.

"Naliligo na si Cali since siya ang pinakamalayong school kaya mauuna siya lagi umalis." napatingin ako kay Kaila na inaayos ang gamit niya.

"What time ba sched natin?" napahikab ako sa sobrang antok. Si Hassan kasi ayaw magpatulog kagabi kaya inabot na kami ng 3am.

"9:30 am ang first class na'tin." sabi niya before iready ang uniform niya, inayos ko na din ang gamit at uniform ko dahil 7am na at naliligo pa si Cali baka malate kami ni Kaila if ever na mamaya pa ako mag-ayos.

"Ang aga naman!" reklamo ko after ko mag-ayos, tapos naman na si Cali maligo kaya sumunod na si Kaila.

"Nice! You're awake na pala." bungad ni Cali bago pumunta sa walk in closet namin. Susundan ko sana siya pero nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko nalang ang phone ko.

From: Hassan

Good morning, mon! Start your day with a smile. Pasok na ako ha? I love you.

"You're smiling again? Feel ko talaga you're the first couple who will get married after college!" natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya.

Pagtapos naman ni Kaila ay naligo na din ako dahil magbbreakfast pa kami syempre sagot ko yung food for two months pero si Cali magluluto kasi siya unang naligo.

"Pat ang tagal mo!" reklamo ni Kaila kaya nagmadali na akong magskincare at binalot ko na ang buhok ko ng tuwalya before ako lumabas, "gago ang tagal mo dalian mo!"

After kong mag-ayos ay pumunta na ako sa dining table namin nagluto si Cali ng hotdog, egg and ham pati fried rice for our breakfast.

"Loob nalang tayo ng PUP main dumaan tapos tricycle nalang tayo alam mo na ba sasakyan mo papuntang PLM?" napatingin ako kay Cali after kong sabihin 'yon at tumango naman siya.

After naming kumain ay nilagay naman sa lababo ang lahat ng pinagkainan namin para mamaya nalang hugasan. Kinuha ko na ang tote bag ko at sinalinan ng water ang hydro flask ko gano'n din ang ginawa nila Cali.

Pagtapos namin ay pumunta na kami sa daanan papuntang main meron kasi gate na nakaopen sa likod na ang labas is El pueblo na tapat lang ng maui. Lumabas na kami sa main gate di naman kami sinita dahil palabas na kami and walang bantay sa likod kaya pwede makapasok.

"Galing mo, Pat! Paano mo alam 'yon?" amazed na tanong ni Kaila kaya nagkibit-balikat nalang ako.

"Manong tatlong Jasmin po," sumakay kami ni Cali sa labas dahil mas maganda sa labas tapos si Kaila naman sa loob buti nalang may magjowa na sumabay kaya di kami naghintay ng matagal sa toda.

"Ingat, Cali!" sambit ko pagbaba ni Cali sa Jollibee Pureza dahil doon nalang daw siya tatawid wala naman kasinh tawiran sa Jasmin building. Pag-alis niya ay dali-dali kaming tumakbo ni Kaila dahil saktong 9am na.

Pagpasok namin sa room ay nakita ko ang friend ko na ABM din sa loob.

"Pat?" tumakbo siya at yumakap sa'kin tiningnan naman niya si Kaila kaya bumitaw siya sa'kin, "Ikaw si Kaila?"

"Ha? Oo, eh." gulat man ay ngumiti nalang si Kaila sa kanya.

"I'm Jam!" pagpapakilala nito at hinila kami papunta sa upuan namin malapit sa aircon kaya sobrang lamig sa pwesto namin.

In between States and Church (State Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon