Tw // abused
----------------------------------------------------------------
"Breakfast is ready."
Tinanggal ni Cheche ang eye sleep mask ko at nakita ko naman siya na nakapamewang malapit sa pintuan. Pagkakita niya sa'kin na nakadilat na ako ay lumabas na siya ng pintuan. Napakasuplada talaga no'n!
Bumangon na ako para magtoothbrush and gawin ang skincare routine ko. After ko magtoothbrush at hilamos ay nagpalit na ako ng tshirt and dolphin short dahil nahihiya akong bumaba na suot lang ang nighties ko. Isa pa, magagalit din si kuya.
"Good morning!" bati ko sa kanila.
Napatingin silang lahat sa akin. Si kuya na nag-aayos ng table, si Cheche na naglalagay ng milk sa glass namin at si Manang na nagluluto. Tumulong naman agad ako sa pag-aayos bigla ko tuloy namiss si Mommy.
"Oh? Ang aga-aga ba't ang lungkot mo?" he said.
Napatingin ako kay kuya na umupo na sa dulo. Umupo na din ako sa gilid niya. "Wala namiss ko lang si Mommy bigla."
"Uuwi din 'yon si Mommy, busy lang siguro? Di naman tayo matitiis no'n lalo ka na sa birthday mo lalo na at 26 years old ka na sa birthday mo." he said.
Napatingin naman ako kay Cheche na ngayon ay nakatingin sa'kin. Seryoso niya akong tinitingnan at nung tiningnan ko naman siya ay bigla siya umiwas ng tingin sa akin.
"Sana nga." sambit ko.
Wala ng nagsalita sa amin dahil nilagay na ni manang ang mga pagkain sa plato. Kumain naman na kami at nang matapos ay hinugasan na ni Cheche ang mga plato.
"Malapit na graduation mo, Che. Anong gusto mo?"
Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya. Pinunasan ko ang mga nahugasan niya para hindi na siya magpunas pa. Tumingin naman siya sa'kin habang nagsasabon ng pinggan. "Wala. Meron naman na ako ng lahat, eh." casual na sambit niya.
"Okay." ayon nalang ang sinagot ko.
Umalis na ako sa kusina para umakyat sa kwarto ko. Nakasalubong ko naman si kuya na dala-dala ang gamit niya at nakatuxedo pa. Napastop naman siya sa harap ko kaya seryoso akong sumandal sa pinto ng kwarto ko.
"Pat, pakisabi sa kanila hahabol ako." he said.
Pagkasabi ni kuya no'n ay umalis na siya kaya takang-taka naman akong pumasok ng kwarto ko. Hahabol saan? Binuksan ko nalang ang cellphone ko at ang daming notification ang bumungad sa'kin. Una kong binuksan ang gc naming magkakaibigan.
California: Bar tayo nila Maeve mamaya.
Hoy! Pumunta kayo mamaya, ah. Minsan lang ako magyaya.Kaila ulyanin: Ha? Anong meron?
Major Major way: parang tanga naglagay ng nickname ko.
Maverycute: para ka palang tanga @Maeve
Patleyza: Anong meron?
Maeve: uy, nagparamdam ka din Patleyza.
Nagulat naman ako dahil tumawag si Cali sa gc namin sa messenger. Hindi naman kasi nila pinansin yung sinabi niya. Akala yata nila nagbibiro lang si Cali lalo na 'pag libre. Natandaan ko nga nagyaya siya manlilibre din siya wala manlang sumipot sa kanya pero dahil sabi niya libre daw sumipot ako basta libre maaga ako. Nauna pa nga yata ako sa kanya no'n.
["Hoy! Mga walangya kayo. Seryoso nga ako mamaya sa bar tayo nila Maeve."] bungad niya.
Nag-open camera naman ako gano'n din sila. Nag-open na din naman yung iba kitang-kita ko si Kaila na table niya at seryosong nakatitig lang sa mga papeles niya. Si Maeve naman ay kakagising lang kagaya ni Mavery. Si Majo naman ay parang wala pang tulog siguro hindi pa siya tapos sa shift niya.
BINABASA MO ANG
In between States and Church (State Series #1)
General FictionSTATE SERIES #1 Patrice Buenaventura bs tourism fom PUP, the jolly and beautiful lady who needs to hide her real identity for her family and for herself but when Hassan Santiago bs interior design and so called mayor from UST, came to her life and w...