Chapter 19

32 1 2
                                    

Tw // Drugging someone.

-----------------------------------------------------------------

"You okay?"

Napatango naman sa'kin si Kaila na kakagising lang halos isang linggo na siyang nandito sa hospital. Inabot ko naman sa kanya ang orange na binalatan ko kanina.

"Omg?! You're awake na pala Kaila," napatingin kaming dalawa kay Cali na kakapasok lang.

"Oo, kakagising ko lang din." sabi ni Kaila at humikab pa.

Bumisita kanina si Majo siya pa nga ang nagdala ng prutas pero tulog si Kaila at need niya na umuwi dahil may night class pa siya. Si Maeve at Mavery naman ay pumunta pero kaninang umaga before sila pumasok buti naabutan nila si Kaila na gising unlike kay Majo. Si Mignon naman bumisita siya kinaumagahan kakagaling yata sa practice pawis na pawis pa dumeretso agad dito pero tulog pa si Kaila no'n kaya di din niya naabutan.

"Uh, you have visitors sa labas." napatingin naman ako sa pintuan at pumasok yung apat kasama si Sixto.

"Okay ka na ba, Kaila?" alalang tanong ni Sixto bago umupo sa couch napatingin naman ako kay Kaila na tumango lang.

"Hindi namin alam," nakayukong sabi ni Naila na naguiguilty siguro.

"Wala namang may kasalanan," sabi ni Kaila at tumingin sa'kin. "Actually nakita ko siya na nilagyan ang baso ni Pat kaya pinagpalit ko ang baso namin kasi akala ko kakayanin ko naman yung nilagay niyang drugs doon." nanlaki ang mata ko kay Kaila.

"You knew?!" gulat na gulat din sila Cali sa nalaman namin. Marahan siyang tumango kaya ako naman ang nakaramdam ng guilt ngayon. "Pero bakit?" mahinang tanong ko.

"Akala ko kasi konti lang," sabi niya at tumawa kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Next time Kaila 'wag mo ng gawin 'yon kahit na kanino even sa'kin pa okay?" niyakap ko siya at naramdaman ko ang yakap ni Cali hanggang sa naggroup hug na kami nila Ari.

"Gabi na di pa ba kayo uuwi?" tanong ko nung bumitaw na kami sa group hug. Halos isang linggo na din kami dito ni Cali ni hindi nga namin mabisita ang dorm namin ngayon buti nalang si Hassan nag-insist na magbantay kay Kaila para makaligo at pasok kami.

"Mamaya na kami uuwi kayo?" nagkatinginan naman kami ni Cali na kakagaling lang sa school.

"We will if lalabas na si Kaila so we can sabay na," sagot ni Cali sa kanila kaya nagkatinginan sila.

"Gusto niyo ba umuwi sa dorm niyo muna? Pat, nakausap ko mga prof na pumasok sa inyo this week sabi nila need lang daw nila ng medical certificate ni Kaila." sabi ni Sixto kaya napatango ako.

"Si Jam nga pala Kaila," naging seryoso naman ang atmosphere sa sinabi ni Mari.

"Ano?" seryosong tanong ni Kaila kaya nanahimik kaming lahat maging ang apat ay naging seryoso din.

"Nakita namin siya kanina pero para siyang unbothered queen," sagot ni Ari kaya bumalik nanaman ang inis ko.

"Unbothered queen? After what happened? Let's see." umalis ako ng room ni Kaila sobrang naiinis ako sa 'unbothered queen' tapos wala manlang apology.

"Pat!" napalingon ako kay Cali na sumunod pala sa akin. "Wait lang!"

"Bakit?" umupo ako sa may bench sa hallway ng hospital sumunod naman sa akin si Cali.

"Don't do anything na makakaruined sa plan mo." seryosong sambit niya kaya napahilamos ako sa mukha ko. Gusto kong sumabog right now pero paano naman sila kung magiging mahina ako?

In between States and Church (State Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon