"Let's break up."
Natawa ako sa sinabi niya palabiro nanaman si Hassan kaya umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Ang lakas kasi niya manggoodtime.
"Sorry," he said and avoided my gaze.
Napangiti naman ako sa kanya before ako tumingin sa kanya nawala naman ang ngiti ko nang makita ang walang emotion na si Hassan na tumingin sa'kin.
"Hindi ba joke time 'to?" napaseryoso naman ako dahil hindi siya tumitingin sa'kin.
"Let's break up." seryoso and sincere niyang sambit para naman akong nilagutan ng hininga sa sinasabi niya.
"Prank ba 'to? Di nakakatawa 'yang ganyan mon." hindi naman siya umiwas ng tingin at seryoso lang siyang tumingin sa akin.
Umayos ako ng upo habang pinipigilan ko ang mga luha sa taksil kong mata dahil nag-uunahan pa din silang kumawala sa mga mata ko. Pinunasan ko ang mga luha ko ngayon at seryoso nga siya kasi si Hassan hindi marunong magsinungaling.
"I don't love you anymore," he said kaya seryoso akong napalingon sa kanya.
"You don't love me?" marahan siyang tumango at bumuntong-hininga.
"Hindi kita minahal, Pat. Akala ko mahal kita pero do'n ko narealize na si Bethany pala talaga yung mahal ko simula nang makasama kita." natawa ako sa sinabi niya hindi ako naniniwala.
"Kung totoo man 'to mon please wag ka namang ganyan." hindi ko na kinakaya at napayuko na ako habang nakatingin sa sahig.
"I'm sorry, Pat. Hindi na kita mahal siguro nga dumating ka para iparealize sa'kin na nasa harap ko lang pala yung taong mahal ko." he said.
Tumayo na ako tiningnan ko siya wala pa ring emotion ang mukha niya kaya kinuha ko na ang bag ko at naglakad paalis. Napastop naman ako sa paglalakad nang maalala ko ang singsing.
"I don't need your ring." tinapon ko sa kanya ang singsing na bigay niya at tuluyan na akong umalis.
Hindi ko alam saan ako pupunta ngayon hindi ako makapaniwala na sinabi niya mismo 'yon sa harap ko. Kulang lang yata ako sa tulog or baka naman namamalikmata lang ako at naghahallucinate na sinabi niya talaga 'yon.
Naglakad lang ako hindi ko alam saan ako makakapunta pero patuloy lang ako sa paglalakad. Kakalakad ko ay nakarating na pala ako sa Manila bay kaya umupo nalang ako do'n at pinikit ko ang mga mata ko.
"Okay ka lang?"
Napadilat naman ako at tumingin sa gilid ko kung saan nanggaling ang boses. Wala akong energy para magalit or kung ano man ang dapat ko maramdaman kaya hinayaan ko nalang siya na umupo sa tabi ko.
"Pat," tiningnan ko siya at ngumiti ako.
"Sixto, gusto ko kasing mapag-isa." I said without energy drained na drained na ako sa lahat ng nangyayari ngayon.
"As a friend, Pat."
Hindi nalang ako sumagot sa kanya. As a friend pero hindi manlang niya sinabi na siya pala yung nakaarrange sa akin.
"Pat," tiningnan niya ako kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya at nawala ang iniisip ko.
"Kelan mo pa alam?" seryosong tanong ko.
Kung may malalaman pa ako sige lalahatin ko na para isang alaman nalang. Ayoko na mabuhay na may tinatago ako, ayoko na mabuhay na pinagtataguan ako at higit sa lahat ayoko ng maniwala sa idea na maayos lang ang lahat.
"Grade 7 palang sinabi na sa'kin ni Daddy na bantayan kita tapos alagaan kita kasi after daw ng senior high school lagi na kitang makikita. Araw-araw akong nakatingin sa'yo pero hindi ka manlang lumilingon sa lugar ko ni hindi mo nga yata ako kilala kaya I told myself na balang-araw lilingunin mo din ako at masasabayan din kita sa paglakad, hihintayin kita at pupunta ka sa'kin." he looked at the pink sky where the moon will shine and the sun will hide. Taimtim naman akong nakikinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
In between States and Church (State Series #1)
General FictionSTATE SERIES #1 Patrice Buenaventura bs tourism fom PUP, the jolly and beautiful lady who needs to hide her real identity for her family and for herself but when Hassan Santiago bs interior design and so called mayor from UST, came to her life and w...