Research defense namin ngayon and this is the last part before graduation a week after this day. Nothings new pa din kami ni Hassan nagtetext pa rin kami and si Cheyenne vacation na nila.
My Mom promised me na pupunta kaming New York but hindi ako sure if matutuloy 'yon dahil may plan kami nila Kaila na staycation for one month sa may Resort namin sa Zambales.
I really want to ask my friends from PUP kaso I'm thinking about the deal between me and my Dad. I can't waste all of my effort for a month of happiness with them.
"Lalim ng iniisip mo pre? May babae na si Hassan?" Nagbibirong tanong ni Ari, magkagrupo kasi kami and mas lalo yata akong kinakabahan kasi kagrupo ko siya.
"Tanga! Kinakabahan ako sa defense natin lalo na ngayon graduating na tayo ang daming what ifs." I sighed after those words. I read our research paper again dahil kinakabahan ako.
"Pang-ilan nga ulit tayo?" Tanong ko kay Ari, "matagal pa yata tayo cr lang ako." Lumabas ako ng room in-occupy kasi namin yung isang room dahil wala namang gagamit habang yung mga professor namin nasa room talaga namin.
Tinawagan ko si Hassan sana hindi siya busy dahil need ko talaga ng encouraging words niya. Hindi naman nagtagal ang pag-ring ay sinagot niya na.
["Hi, how's your defense?"] Masayang sagot niya maingay yung background niya kaya hindi ko siya masiyado marinig.
"Uhm, Hassan sorry pero hindi kita marinig masiyado." Sagot ko umistop muna ako sa bench sa dome para umupo doon malapit lang naman yung cr dito pero hindi talaga ako magccr tatawagan ko lang si Hassan.
["Wait lalabas ako."] The background music suddenly faded. ["Okay na ba?"]
"Yes, naririnig na kita." I heard his chuckle kaya medyo gumaan ang loob ko.
["How's your defense? Start na ba? If may difficulties ka you can ask me basta wag lang math."] Sagot niya na medyo naghehesitate kasi baka math ang itanong ko sa kaniya.
"No, I'm good. Wag kana mag-alala tinawagan lang kita kasi alam kong mabibigyan mo ako ng courage." Hindi ko man rinig pero alam kong nakangiti na siya sa kabilang linya.
["Just do your best. Intindihin mo yung question and choose the best answer tsaka don't forget to smile."] Seryosong sagot niya sa'kin.
"Thank you so much! San ka nga pala?" Meron kasing maingay kaya natanong ko na rin.
["Nasa music room lang kasama ko mga kaibigan ko soon papakilala kita sa kanila like how you introduce me sa friends mo."]
"Sure! Thank you. Hindi ba ako nakakaabala?" Gantong panahon kasi busy lahat ng graduating kaya baka marami din siyang plates.
["End na ng school year namin uh, nga pala pwede ba kita sunduin d'yan?"] Kunot-noo akong tumingin sa sahig kakakita lang namin last last week susunduin niya ulit ako sabagay, baka importante rin to.
"Uh, sure sige!" Masayang sagot ko sa kaniya though nagdadalawang isip ako dahil 2 weeks ago lang nung nag intra kami baka kasi busy siya that's why.
["Okay, mamaya ko nalang sasabihin kung bakit."]
"Okay lang take your time. Baba ko na yung phone baka magstart na yung defense namin eh! Babye!" I ended the call and go to our room.
"Tagal mo malapit na tayo." Salubong sa'kin ni Ari, nilapag ko sa kanya yung candy na dala-dala ko lagi para less kaba.
"Sorry natagalan." Palusot ko sa kanya.
Lumabas na yung mga kaklase namin sa kabilang room kasama si Mari at Raymond habang si Naila naman nahiwalay sa amin. Kasama niya yung mga masisipag naming kaklase kaya napapasanaol kami.
BINABASA MO ANG
In between States and Church (State Series #1)
Aktuelle LiteraturSTATE SERIES #1 Patrice Buenaventura bs tourism fom PUP, the jolly and beautiful lady who needs to hide her real identity for her family and for herself but when Hassan Santiago bs interior design and so called mayor from UST, came to her life and w...