Chapter 25

10 2 0
                                    

"Should I call you Mon?"

Napatingin ako sa kanya kahit na nagdadrive ako. Nakisabay lang pala siya kay Caspian kaya wala siyang dalang kotse at iniwan naman daw siya ni Caspian kaya sumunod siya sa'kin para kausapin ako at para icongratulate ako.

"Bakit? Nanliligaw ka na ba?" I asked him.

Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang pagpout niya kaya natawa ako ng bahagya dahil doon. I stayed focus dahil ayokong maaksidente kami dahil lang sa distracted ako as a driver.

"Kailangan pa ba? Alam ko naman na sasagutin mo'ko." sagot niya.

"Edi hindi kita sasagutin." pang-aasar ko sa kanya.

"Joke lang! Oo na, Pat. Panalo ka na lagi ka namang panalo." sambit niya kaya natawa ako.

I stayed focus dahil papunta na kaming reception ngayon. Nang makarating kami ay agad din kaming pumasok para kumain at makisaya.

"I thought after mo masalo ang flowers ay ikaw na ang next na makikita kong naglalakad sa aisle pero hindi ako ang naghihintay." malungkot na bulong niya sa'kin.

Napatingin ako sa kanya alam kong hindi lang ako ang nasaktan sa nangyari noon dahil maging siya ay nasaktan din. Kaya, I want to forget the past and start with our present na walang secrets and other thing na pwedeng makasira sa amin. I held his hand kitang-kita ko naman ang ngiti niya kaya napangiti din ako.

"Don't think about anything." ayon nalang ang nasabi ko sa kanya.

After the reception ay umalis na din kami papunta kami sa parking dahil napagpasyahan kong siya naman ang ihatid ko. He went to shotgun seat and I went to driver's seat.

"You're stunning, mon." he said.

"You look good in your black hair." I also said nakita ko naman siyang ngumiti ng abot tenga.

I started to drive pero nakalimutan ko pala ang way kung paano pumunta sa bahay niya ngayon kaya ang ending ay napunta kami sa bahay nila dati dahil ayon lang naman ang alam ko. Huminto kami sa harap ng mansion nila kaya tinitigan niya ako at ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ikaw ah! Di mo naman sinabi sa'kin na gusto mo agad mameet ulit yung parents ko." pang-aasar niya.

I felt like my cheeks is turning red at the moment kaya umiwas ako ng tingin. I looked in front of me and I heard he unbuckled his seatbelt and hug me.

"Hassan?" gulat na sambit ko.

"Let's go inside," he whispered. "I want them to know about you." he said.

My heart is beating so fast. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kinakabahan akong makita ang Mom and Dad niya at the same time gusto ko din silang makita lalo na si Tita. Pero, natatakot pa din ako lalo na sa nangyari noon.

"I'm scared."

Napatingin siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. He rub his thumb in my hand kaya medyo kumakalma naman ako. "Don't  be scared. I told you I will never let go again no matter what happen."

Huminga muna ako ng malalim at hinigpitan ang kapit sa kamay niya habang siya naman ay pinapanood ako. Gano'n lang ang ginawa ko at pakiramdam ko naman ay kalmado na ako. "Let's go."

Lumabas na ako ng sasakyan at gano'n din siya. Nagdoorbell naman siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. My heartbeat is still beating so fast kaya kahit nandito palang kami sa gate ay tila napako na ang paa ko sa semento.

"Don't worry this time I'll fight for you and fill in the gaps." he said.

Bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Tita Lera gulat na gulat naman siya nang makita ako. "Patrice?" Agad niya akong niyakap kaya nawala ang kaba na kanina ko pa nilalabanan.

In between States and Church (State Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon