Chapter 20

15 1 0
                                    

Tw // near death experience and abused

-----------------------------------------------------------------

"Code blue code blue code blue," ang daming Doctor ang tumakbo sa kwarto ni tita kaya lahat kami ay nagpanic.

"Mom please don't," umiiyak na sambit ni Hassan kaya pinat ko siya at yumakap naman siya sa akin.

Nakita kong nagstraight line na ang monitor kaya hindi ko hinarap si Hassan doon at hinigpitan ko ang kapit ko sa kanya ganon din naman siya at ramdam na ramdam ko na ang luha niya sa balikat ko.

"Clear!" the doctor said, nakahinga naman ako ng maluwag noong naging stable na si tita pero tuloy pa din sa pag-iyak si Hassan si Mignon naman ay lumabas kaya kaming tatlo lang ang naiwan dito.

"You're lucky Mr. Santiago you're wife is fighting she's lucky though she experienced the moribund situation we need to take her to the ICU in case this happens again." the Doctor gave a pat to Mr. Santiago's shoulder before umalis naiwan naman kami sa hallway at sumunod nalang kami noong nilabas na si tita sa room niya papuntang ICU hindi naman pwedeng pumasok sa ICU ngayon.

"Tito are you okay?" tinitigan lang ako ni tito bago tumikhim at umalis kaya ngumiti nalang ako habang pinapakalma ko si Hassan na nakatingin sa Mommy niya.

"My legs are still shaking," he whispered. I patted him on the back buti nalang hindi na siya umiiyak pero hanggang ngayon ay nakahawak siya sa salamin habang tinitingnan si tita.

"Oh my god?! What happened ba?" I saw Cali na ngayon ay nasa gilid ko kakarating lang niya kasama niya si Mignon at Kaila.

"Are you okay?" tanong ni Kaila kay Hassan pero hindi ito sumagot si Mignon naman ay namamaga pa din ang mata pero noong nagpeperform na ng resuscitation ay nawala siya ayaw niya sigurong makita siya na mahina.

"Mon, maupo ka muna." mahinang sambit ko kay Hassan pero hindi pa din siya natinag nakatingin pa din siya at tulala sa may glass window.

"Hassan kumain ka muna." sabi ni Mignon at tinapik ito sa balikat pero hindi niya din pinansin ang kuya niya.

"Sige na mauna muna kayo kumain," I said para samahan si Hassan dito. Umalis naman yung tatlo bibili siguro ng pagkain sa 7/11 dahil 3am na at tiyak na wala ng bukas na ibang kainan pwera nalang sa mga 24 hours open.

"Magpahinga ka muna, mon." tinapik ko siya ng kaunti.

"Pat, kung gusto mo magpahinga sige magpahinga ka pero please wag mo naman ipagkait sa'kin na makita ko ang mom ko dahil di ko alam kung ito na ba ang last na kita ko sa kanya." he said in his cracked voice agad ko naman siyang niyakap. I saw his soft side tonight at ayokong pagdaanan niya 'yon na siya lang mag-isa.

"Shh! I'm here I won't leave you." I said habang pinapakalma ko siya.

"I'm sorry, mon!" he said.

Lumipas na ang oras sinamahan ko si Hassan umuwi sa condo niya para makapasok at makapagpahinga dahil babalik nanaman siya ulit sa hospital at ako naman ay kailangan kong pumasok dahil malapit na ang finals namin.

"Mon, pasok ka na ha? Papasok na din ako anong oras na, eh." buti nalang dinalhan ako ni Kaila ng uniform noong pumunta siya kaninang madaling araw.

"Ingat ka, I love you!" bulong niya sa akin before we parted ways dahil sa hospital ang punta niya at ako naman papasok ng school.

Hindi naman traffic kaya saktong 9am nandito na ako sa Jasmin building. Nakita ko si Kaila sa may entrance ng building at nakangiti siya sa'kin.

"Sabi ko na dadating ka, eh." pumasok na kami papuntang room. Hindi pa din ako nagsasalita dahil nakakadrain ng energy kung magsasalita pa ako.

In between States and Church (State Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon