"Mon, sigurado ka na talaga, ah? Pumayag ka na."Pang-ilang beses na siyang nagtanong kung sigurado daw ba ako na papayag akong lumipat sa bahay niya. At nakailang "oo naman." na din ako pero hindi mabawasan ang kulit ni Hassan.
Nandito kami sa Hotel napag-isipan naming dito muna magpalipas ng gabi. Hindi pa kami tapos ni Hassan dahil kaya pala mayroong unan dahil may dala siyang blanket at sinapin niya ang blanket malapit sa dagat.
"Nilalamig ka ba?"
Naging seryoso ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niya ngayon ko nalang ulit natitigan ng matagal ang mukha niya. Para namang merong butterfly sa stomach ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"Ah? Hindi naman." sagot ko habang hindi makatingin sa kanya.
"Bakit? Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin.
"Oo, kinikilig lang ako." nahihiyang sambit ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko habang ako naman ay nahihiya. Pero, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Ang tagal ko ding hinintay ang araw na 'to. Siya ang kasama ko sa harap ng langit at dagat. Sabay na sinasalubong ang sariwang hangin.
"Kinikilig ka pa ba?" tanong niya.
"Sino namang hindi kikiligin sa ginawa mo? Ikaw ang dami mong pakana, eh. Shuta! Akala ko kanina coincidence lang na nandito sila Felix, Bethany, Caspian and Mignon kaya gulat na gulat ako. Tapos, pati sila Cali na tamad maghawak ng kung anu-ano napatulong mo." sambit ko at natawa naman siya.
"Akala mo lang madali. Halos isang linggo ko sila kinulit para tulungan ako..." sabi niya at humarap sa'kin. "Tapos, gusto daw nilang kapalit branded bag."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Knowing Cali halatang mambuburaot 'yon. Ako din buraot pero mas buraot si Cali tsaka di naman masama maging buraot lalo na kay Majo. Nawala ang iniisip ko dahil hinubad ni Hassan ang jacket niya at sinuot sa'kin.
"What if hindi mo ako nakita ulit?" I asked him a random question.
"Pwede ba 'yon? Kaya nga ako naging CEO para sa'yo." sambit niya.
"Para sa'kin?" kunot-noong tanong ko.
"Oo, para sa'yo kasi balak ko maging partner ang company niyo at company namin tapos magpakasal din tayo." sagot niya.
"So, you did everything huh?"
"Anything for you." sagot niya.
Tiningnan ko naman ang orasan ko at malapit na pala mag-alas dose. Tinignan ko naman si Hassan na mukhang pagod na pagod na kaya naman naawa ako sa itsura niya ngayon.
"You want to sleep?"
"No, let's cherish this moment." he said and he held my head and lean it on his shoulder.
"Marami pa namang araw, eh." sagot ko sa kanya.
"Let me ask you a question." sambit niya kaya napaayos naman ako ng upo. "Bakit ayaw mong iparenovate yung hotel niyo sa Baguio? Mas makakaattract ng tourist 'yon if lalakihan niyo ang area."
"I don't want..." simpleng sagot ko at naglean ulit sa shoulder niya. "Ayoko lang mawala yung memories natin do'n kahit na saglit lang tayo nagstay do'n."
He chuckled kaya tumingin ako sa kanya at nakita ko na namumula ang pisngi at ilong niya. Ito yung namiss ko na moment yung kung paano siya tumawa, ngumiti at pati maliliit na giggles niya.
"Let's make new memories sa Baguio if you want." he said and kissed the tip of my nose. "Let's go inside baka magkasakit ka pa masapak nanaman ako ni Chan."
BINABASA MO ANG
In between States and Church (State Series #1)
General FictionSTATE SERIES #1 Patrice Buenaventura bs tourism fom PUP, the jolly and beautiful lady who needs to hide her real identity for her family and for herself but when Hassan Santiago bs interior design and so called mayor from UST, came to her life and w...