Linggo na ang lumipas since nag-girls night out kami. Maraming nangyari sa buong linggo ko pero about studies naman. Nagtetext din kami ni Hassan pero no social media included text lang.
"Pre!" Binatukan ako ni Ari kaya napatingin ako sa kanya, "Kanina ka pa nakangiti d'yan baka mapunit mukha mo." Tawang-tawa siya sa sinabi niya, Napaface-palm nalang ako sa kanya.
"San sila?" nandito nanaman kami sa teresa wala kasi kaming professor kaya vacant time namin.
"Nasa com shop naglolol. Tangina pre wala akong alam sa lol ikaw ba?" Sabi niya sa'kin bago siya uminom ng milo cream o
"Alam ko yung lol pre tsaka crossfire." Plain kong sagot sa kanya. Natatawa naman siya sa'kin muntik pa niyang ibuga sa'kin yung milo cream o niya.
"Naks! Gamer ka pre noh? Kaya lagi kang pinaglalaruan eh." Natatawang sabi niya, sinamaan ko lang siya ng tingin foul 'yon wag ganon.
"Pangit ng ugali mo! Kayo nga ng katawagan mo di umaabot ng 5 minutes!" Asar ko sa kanya.
"Lika na nga comshop nalang tayo mabubulgar pa na wala akong love life eh!" Natatawang sabi niya.
Naglakad kami papuntang comshop wala ng nagsasalita sa aming dalawa. Binabati at binebeso naman ako ng mga pupian kong kakilala mga taga-ibang section lang at ibang strand na din.
"Hoy, Pat!" Napatingin ako sa tatlong babae taga section 1 pala 'tong mga 'to. "Hoy! Kamusta na? Ano na balita sa'yong gaga ka?" Tanong ni Jehan, naging close kami ni Jehan noong G11 ganon din yung kasama niya na sina Jonnelle and Feya.
"Okay naman! Kayo ba?" Masiglang sabi ko sa kanila. "Kamusta acads?"
"Nakakaloka teh! Btw, nakita ko ex mo nandon sa main kanina. Nakakaloka nasa CEA na 'yon nakakarating pang main." Hinampas pa ako Feya sa balikat habang tumatawa sila.
"You mean? Si Mikell?" Napatango nalang silang tatlo natawa naman si Ari sa gilid ko. Engineering course kasi si Mikell and ahead siya sa amin ng isang taon.
"Pre! Tara na." Bulong sa 'kin ni Ari, napatingin naman ako sa kanya inip na inip na siya.
"Uy, punta lang kami comshop ha? Ingat kayo!" Nag-wave na kami sa isa't-isa.
"Faithmousse ka naman pre!" Maktol ni Ari.
Natawa nalang ako. Naglakad na kami papuntang comshop na malapit sa I love milktea. Pagpasok namin ay nakita namin yung tatlo na seryosong-seryoso. Naglolol sila kami naman ni Ari naghanap ng vacant sa loob.
"Tagal niyo naman!" Sabi sa 'min ni Mond inirapan pa kami ni Ari, "Atichona amp!" Inirapan din siya ni Ari.
"Pat! Libre mo'ko pinaghintay mo'ko kanina do'n mukha akong tanga." Humawak pa siya sa puso niya at umarte na nasasaktan parang baliw talaga.
"Oo na." Iniwan ko ang bag ko sa upuan katabi ko lang naman si Ari before ako pumunta sa counter, "kuya, bayad dalawang 1 hour lang." Inabot ko ang 50 pesos ko sa kanya.
"Anong counter number ma'am?" Tiningnan ko kung san nakaupo si Ari, "Counter 16 and 17 po."
Bumalik na ako sa counter 17 binuksan naman na ni Ari ang computer na gagamitin namin.
"Anong gagawin mo pre?" Tanong ko sa kanya.
"Turuan mo ako maglol pre!" Naglabas siya ng notebook niya at tumingin sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya minsan kasi parang gago lang siya. "Para san yan?"
"Tuturuan mo ako diba? Syempre rereviewhin ko, duh!" Maarteng sabi niya. Napangiwi nalang ako kay Ari ewan ko ba bakit ko 'to kaibigan parang kinukulang sa kain minsan.
BINABASA MO ANG
In between States and Church (State Series #1)
Ficción GeneralSTATE SERIES #1 Patrice Buenaventura bs tourism fom PUP, the jolly and beautiful lady who needs to hide her real identity for her family and for herself but when Hassan Santiago bs interior design and so called mayor from UST, came to her life and w...