CHAPTER 8 - Run! Kristine! Run!

280 22 1
                                    

PAGKAGAT NG DILIM, nawala ang ulan-mayaman at nagsimula itong bumuhos ng malakas. Hangga't nakakahanap ako ng dahilan ay umiwas akong makipag-usap muna kay Aira at kay Irish. Baka kasi patungkol sa kanila ang babala ni Major Gazpar. Hangga't hindi ko pa napapatunayan ang tapat nilang pakikipagkaibigan ay iiwas muna ako sa pagbibigay sa kanila ng kahit anong impormasyon lalong lalo na ang tungkol sa aking plano.

Habang nakahiga, pinapakinggan ko ang maingay na pagpatak ng ulan sa bubong ng tent. Gusto ko sanang bilangin ang mga ito para maiwasan ko ang pag-aalala sa lagay ni Ante ngunit nanaig pa rin ito. Nagtatago kaya ito sa isang kweba sa isang sulok ng gubat, malayo sa malakas na buhos ng ulan at malayo sa mga aswang. O Nawalan ito ng malay sa gitna ng damuhan, nakalubog sa naipong tubig-ulan at putik, at sa paligid niya ay ang papalapit na mga aswang. Naramdaman ko ang pag-init ng aking hininga. Bumigat ang aking kalooban. Naiinis ako kay Mr. Senator, naiinis ako sa mga opisyal ng Camp Arayat, at naiinis ako sa aking sarili.

Nasan na ang search and rescue na sinasabi ni Mr. Senator? Kahit ang Camp Arayat ay hindi ko na nakitaan ng pagkabahala sa pagkawala ng isa sa kanilang sundalo. Pagkatapos ng isa o dalawang pagtatangka na hanapin si Ante ay bigla na lang silang tumigil, idinahilan nila ang safety ng ibang sundalo. At ako? Ipagpapagpaliban ko ba ang plano kong mag-imbestiga dahil lang sa malakas na ulan? No! Bulalas ko sa sarili.

Mabilis akong bumangon at umupo sa gilid ng kama. Itutuloy ko ang pag-iimbestiga, rain or shine. Hahanapin ko si Ante no matter what. Nilingon ko ang aking paligid para siguraduhing walang makakita sa pag-alis ko. Sa kabila ng maingay na pagpatak ng ulan, nagkakapagtakang mahimbing pa rin ang pagtulog ni Aira at Irish pati na ang mga boys. Nagsasagutan ang mga ito sa paghilik.

Tumayo ako at nagbihis. Tiningnan ko ang magkatabing tactical knife at pistol mula sa hilera ng mga posibleng armas. Pinili ko ang tactical knife at isinuksok sa aking tagiliran. Mas makakabuting gawin ko ang lahat sa tahimik na paraan. Kung malagay man ako sa panganib sa harap ng isang mabangis na hayop o lumilipad na aswang, ay tahimik ko silang haharapin. Mapatay ko sila o mapatay nila ako, walang sinumang ang makakaalam. Saglit akong natigilan para pakiramdaman ang aking sarili. Wala na ba talaga ang dating takot ko sa mga lumilipad na aswang? Hindi na ko magugulat sa magiging kasagutan dito ngunit may pag-aalinlangan sa aking isipan. Sa tuwing napapansin kong ang pagbabago sa aking katawan, hindi ko maiwasang mag-alala.

Natigil ang malalim kong pag-iisip ng umungol si Aira at pumihit sa pagkakahiga. Saglit kong pinigilan ang aking paghinga at tinigil ang paggalaw. Nang makita kong natutulog pa rin ito, dali-dali kong kinuha ang fatigue na kapote at tinungo ang pintuan papalabas.

Malakas ang buhos ng ulan pero walang hangin. Ipinagpasalamat ko ito dahil mas mabilis kong mararating ang elevator ng higanteng pader. Pero maputik ang aking nilalakaran at masyadong madilim ang paligid. Naliliwanagan lang ang buong kampo ng ilang poste ng ilaw sa daan at nang apat na malalaking search lights sa apat na kanto nito. Marami pa ring madilim na bahagi ang kampo sa kabila ng pagikot ng mga liwanag nito. Sa tuwing tatama ito sa mga puno at hilera ng tent ay tila may mga aninong nagmamasid. Parang nakikita ko ang anino ni Major Gazpar. Isinaklob ko ang hood ng aking kapote at nabalot ng dilim ang aking mukha. Kinapa ko ang tactical knife para siguraduhing nasa tagiliran ko ito. Alam kong anumang oras ay maaari ko itong gamitin. Inihanda ko na ang aking sarili sa mga posibleng mangyari. Umaasa na lang akong hindi ito umabot sa pagkitil ng kaninumang buhay.

Sinugod ko ang malakas na ulan habang tina-timing-an ang pagiwas sa umiikot na search lights. Hindi dapat ako makita ng mga nakabantay dito. Binilisan ko ang aking paglalakad. Pakiramdam ko ay laging may nakasunod sa akin. Ganito ba talaga ang nagtatago? Tanong ko sa sarili. Dumikit ang makakapal na putik sa aking combat shoes. Ngunit hindi nagbago ang bigat nito sa aking mga paa. Pakiramdam ko ay nakaapak lang ako. Malamig ang hanging sumalubong sa aking mukha. Para naman nagliliwanag sa dilim ang namuti kong palad dahil sa pagkakababad sa tubig-ulan.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon