CHAPTER 15 - The Road Less Traveled

208 10 0
                                    

ITINAAS KO ANG AKING MUKHA mula sa pagkakasubsob at tinuyo ang aking mga mata. Nabasa na ang unan dahil sa aking pag-iyak at nagising ang napaidlip kong diwa nang maramdaman ang lamig nito sa aking pisngi. Agad akong napabangon at nakita kung gaano na karami ito. Tanging unan na lamang aking karamay sa tuwing maaalala ko si Ante at kapag dinadalaw ako ng lungkot. Kung tao lang ito ay matagal na itong nag-quit.

Habang nakatitig dito, napansin ko ang nakalabas na bahagi ng librong ibinigay ni Major Gazpar, ang Book of Aswang. Kinuha ko ito sa ilalim ng unan nang maalala ko ang nawawalang pahina nito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naitatanong sa kanya kung nasaan ito. Nabanggit niya na ang may-ari ng libro ay walang iba kundi si General Payton. Kung totoong sa kanya ang libro, hindi malabong nasa kanya ang nawawalang pahina at kung anuman ang dahilan ng heneral sa pagpilas nito, I can only guess.

Nang hawakan ko ang libro at buklatin ay pumasok agad sa aking alaala ang kwentong nakasaad dito tungkol sa mga unang mythological creatures na naghangad magkaroon ng Immortal's Blood ngunit nabigo. Ano ang bagay na ito na wala sila at naging dahilan para hindi nila makamit ang inaasam na Immortal's Blood? Kahit ulit-ulitin ko sa aking sarili ang katanungan ay wala pa rin akong mahagilap na kasagutan. Muli kong binuklat ang libro para maghanap ng clue ngunit kahit riddle ay wala. Inulit-ulit ko sa aking isipan ang ilang bahagi ng alamat.

Ang sabi sa myth, maliban sa kailangang magkaibang uri ng mythological creatures ang magsasama, may isa pang kundisyon para dumaloy sa kanilang dugo at sa dugo ng kanilang mga supling ang Immortal's Blood. Habang nakatitig sa pahinang may punit ay hindi ko maiwasang mangamba na baka nakuha na ni General Payton ang Immortal's Blood. Ngunit, sa kabilang banda ay naisip ko rin, kung matagal na niyang nakuha ito, matagal na rin sana siyang nagdeklara ng giyera laban sa ibang bansa. Hindi kaya hinanap din niya ang Baki para mabuo ang hangad niyang invincible army? O hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya ang source ng dalawang ito? Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayang may kasama na ako sa aking kama.

"Yan ba ang Book of Aswang na bigay sa 'yo ni Major Gazpar?" biglang narinig kong tanong ni Irish pagkatapos umupo sa tabi ko. Tumango lang ako at iniabot ang libro sa kanya. "100 percent ka bang naniniwala dito?" muli nitong tanong. "Nakasalalay ba ang katotohanan ng isang bagay sa ating paniniwala? Whether we believe or not, if they exist, they will exist," sagot ko habang nakayuko. "Sabagay, may point ka. I always believe na every wrong I did in my entire life will, in the end, turn out to be right. But they did not. Something will stay wrong or right because they are wrong or right," ani nito habang binuklat ang ilang pahina ng libro. "So, do you think there is a chance na aswang ka rin katulad ni Ante?" muling usisa nito. Bigla akong napatingin sa kanya. Simula nang makaligtas ako mula sa Patay na Gubat ay inilagay ko na sa lumang baul ang katanungang ito para iwasang isipin o sagutin ngunit ngayon ay inilabas ni Irish sa aking harapan at binuksan. "Sa palagay mo ba ito ang dahilan ng Senador kung bakit matagal niya kayong iniiwas mula sa MCET blood test?" dagdag nito.

Pinag-isipan ko kung dapat ko bang sagutin ang tanong ni Irish at kung ano ang dapat kong isagot kung sasagutin ko ito. Alam kong maraming nagbago sa akin ngunit hindi ko maisip kung sapat ito para isiping isa akong aswang. Minsan ko na ring naitanong sa sarili kung mahalaga pa ba kung ano ako? Mahalaga pa bang makilala ko ang aking sarili? Sa panahong walang kasigurahan ang lahat ng bagay, ang tunay na kalagayan ni Ante, ng bata, at ng Senador?Kung buhay pa ba sila at kung makikita pa ba namin? Kahit ang pagsugod namin sa MCET main facility ay walang kasiguruhan ang tagumpay. Hindi na mahalaga kung ano ako. Ito ang gusto kong isagot kay Irish pero parang may pumigil sa akin at nanatiling nakapinid ang aking bibig. "Pasensya ka na sa tanong ko. Kahit kasi ako ay nabigla sa mga nangyari. Hindi ko na alam kung anong dapat isipin. Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong usisain. Pati buhay mo ay hinalungkat ko na," ani nito nang hindi ako sumagot. Biglang naisip kong ayoko ng maging malungkot. Kung buhay man si Ante o patay, tiyak na hindi niya magugustuhan kapag nakita niyang laging namumula ang aking mga mata dahil sa pag-iyak at isiping nawalan ng saysay ang ilang beses niyang pagsagip sa buhay ko. I promise to stop acting like a damsel in distress.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon