LALONG NAGING MALAMIG sa tabi ng Wall of Arrows pagdating ng madaling araw. Half-awake, hinila ko ang bumabang kumot pataas para muling balutin ang nilalamig kong katawan. Nakarinig ako ng ingay sa loob ng quarter. I ignored it. Ayaw ko pang bumangon. Ramdam ko pa ang ang sakit ng aking katawan dahil sa mahabang paglalakbay. I curled on my bed without opening my eyes. I took my pillow and slam it to my head to cover my ear. "Ano ba? Ang ingay!" I moaned under the pillow. My breath smells like dew.
"PRIVATE AWRA DE LA CRUZ!" I heard someone shouted. Paulit-ulit. Mabilis kong tinanggal ang unan sa aking mukha. Nagulantang ako nang makita ko ang isang babaeng naka-fatigue army cap. Nakayuko at nakatutok ang mukha nito sa mukha ko, galit at nagsisigaw. Nalanghap ko ang mainit na hininga nitong amoy mouthwash. Shit! Ang team commander! Naisip ko. Ramdam ko ang pagtalon ng kabog sa aking dibdib kasabay ng mabilis na pagtalon ko mula sa kama. Without thinking, I sprung to my feet and stood straight and salute. Wearing just my sando and underwear, I was half-naked.
"PRIVATE AWRA DE LA CRUZ! ARE YOU THE SLEEPING BEAUTY IN THIS CAMP! ANSWER ME! ANSWER ME NOW! ARE YOU THE SLEEPING BEAUTY! ANSWER ME!" paulit-ulit nitong sigaw habang nakataas ang dalawang kamay sa kanyang baywang. Kumurap ang aking mga mata dahil sa gulat at takot. I felt my flesh twitch. Sumabay pa ang aking balakang. Nanigas ito na parang may mahigpit na kamay na sumasakal. Tiniis ko ang sakit. Hindi ako gumalaw. Nanatili akong naka-attention at naka-salute. Hindi ko na yata nagawang mag-tiger look. Nasa tagiliran ko na ang team commander. Nagsisigaw pa rin ito. Gusto kong makita ang kanyang mukha ngunit lumalayo siya sa aking paningin. Biglang uminit ang aking mukha. Namula ang aking mga mata.
"PRIVATE AWRA DE LA CRUZ! ARE YOU GOING TO ANSWER MY QUESTION OR WHAT! YOU LAZY PIECE OF SHIT! YOU DON'T BELONG HERE! YOU ARE A DISGRACE TO YOUR FAMILY! YOU ARE A DISGRACE TO YOUR UNIT! YOU ARE A DISGRACE TO THE ARMY! AREN'T YOU! YOU ARE A WORTHLESS SLEEPING BEAUTY! ANSWER ME!
Hindi ko kinaya ang mga katagang narinig ko! Nagsama-sama sa isip ko ang mga mali sa buhay ko. Ang pag-iwan sa 'kin ng aking mga magulang noong sanggol pa ako sa bahay-ampunan. Ang pagiging ampon ko. Ang feelings ko para kay Ante na lagi na lang nababalewala. Ang mga bagay na ginawa ko para sa kanya, parang wala lang. Totoo ang sinabi ng team commander, I am worthless! At walang nagmamahal sa 'kin kailanman! Parang gusto ko ng umiyak! Parang gusto ko ng mag-quit!
"MAM! YES! MAM! I AM WORTHLESS! REQUEST PERMISSION TO QUIT MAM! I QUIT MAM! I QUIT!" pikit mata kong sigaw habang pinigilan ang pagpatak ng luha sa aking mata.
Maya-maya pa, saglit tumahimik sa loob ng quarter. Iminulat ko ang naluluhang mga mata at nakita ko ang nagtatawanang sina Baron, Marco, at Jake. Nakaluhod ang mga ito, halos gumulong na sa sahig sa katatawa. Nakahiga naman si Irish sa kanyang kama, hawak ang fatigue army cap, namimilipit sa paghagikhik. Bigla kong napansin ang half-naked kong katawan. Agad kong hinila ang kumot sa kama at ginawang saplot. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa hiya. Pinaglaruan nila ako...at madali naman akong napasakay!
Hindi ko nagawang magalit. Bigla kong naitanong sa sarili kung talaga bang ganun ako kadaling sumuko para kay Ante? Pilit kong sinaliksik ang aking puso. Naghahanap ng sagot. Ngayong nasukat mo na kung hanggang saan ang pagmamahal mo kay Ante, totohanin mo na ang pagku-quit mo! Nag-aaksaya ka lang ng oras sa kanya. Isipin mo ang iyong sarili! Sumakit ang utak ko. Parang naririnig ko na naman itong nagsasalita. Iba ang quit sa surrender, Awra! Ang kagustuhan mong mag-quit ay temporary ngunit hindi ka pwedeng sumurender! 'Wag mong susukuan si Ante! Sumabay naman ang pagkabog ng aking dibdib. May nagtatalo na naman sa loob ng isipan ko.
I immediately composed myself to silence my brain and my heart...I was still speechless for a moment. Napaupo ako sa kama at napabaluktot. Inilagay ko ang aking kamay sa 'king noo. Malakas pa rin ang kabog sa aking dibdib. Ramdam ko ang pangangalos ng aking katawan. Hindi pa rin ako makapaniwalang ganun ako kadaling gumib-up thinking na ginagawa ko ang lahat ng ito para makasama si Ante. Pinilit kong huminga ng normal at ipinikit ang aking mata. Naririnig ko pa rin ang pagpipigil ng tawa ng apat kong kasama. Sa puntong iyon ay biglang pumasok ng quarter si Aira at sumigaw pagkatapos tumikas sa tabi ng pintuan.
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Mystery / ThrillerIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...