NIGHT
NAGKAMALI AKO. Pagpasok ko ng mess hall, parang may piyesta sa loob nito. Nagparoon at parito ang di magkamayaw na mga sundalo. May mga nakapila para kumuha ng pagkain. May mga pabalik naman sa kanilang upuan. Ang iba ay tapos ng kumain, nagkukwentuhan na lang pero ayaw pang umalis. Napuno ito ng ingay ng kwentuhan at tunog ng mga pinggan at kutsara. Ang mga nakita kong nagpapa-autograph kay General Payton ay narito na rin. Ganun ba talaga ako ka bagal maglakad? O may alam silang shortcut na daan na hindi ko alam? Pagtataka ko. Ibinaling ko ang tingin sa aking kanan para maghanap ng bakanteng upuan. Napansin ko ang mga malaswang titig ng mga lalaki. Nabura ko na kanina ang makeup sa aking mukha dahil sa inis ko kay Ante pero suot ko pa rin ang hapit kong fatigue uniform. Bakat pa rin ang mabilog kong pwet. Masususog pa rin ang mahabang cleavage sa aking dibdib.
"Psssst! Awra!" tawag ng isang boses sa aking kaliwa. Nilingon ko ito at nakita ko si Aira at Irish. Hindi ko nakita ang mga boys, sina Baron, Marco, at Jake. Ano bang pinagkakaabalahan lagi ng tatlo at laging wala sa eksena? Sa pangalawa kong tingin sa paligid ay napansin kong nasa ikatlong lamesa sila mula sa likod nina Aira at Irish. May kanya-kanyang katabing magagandang sundalong babae. I should have known. Busy sila sa flirting! Bulalas ko sa sarili. Masayang nagtatawanan ang mga ito. Naalala ko si Ante. Ganito siya kasaya kapag katabi sina Kristine at Cheska. Mga lalaki talaga!
Nagbuntong-hinga ako pagkatapos ay lumapit sa lamesa nina Aira na kanina pa kumakaway. "Bilisan mo, kumuha ka na ng pagkain, baka maagawan ka pa ng upuuan! Minsan lang tayo makatiyamba ng lamesa," bungad ni Aira paglapit ko. "'Wag kang mag-alala Aira, dahil minsan lang 'to, ilalaban ko ng patayan ang pwesto natin kapag may nagtangkang umagaw," biro naman ni Irish. "Okay. Kukuha na 'ko. Bantayan n'yo upuan ko. Mahirap kumain sa labas ng mag-isa," biro ko naman at mabilis na tumungo sa dulo ng mess hall. Kumuha ako ng tray na nakahanda sa tabi ng mahabang pila. Habang naghihintay, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na nahapin si Ante. Kahit na kanina lang sa loob ng banyo ay nagdesisyon akong kalimutan na siya at mag-focus na lang sa training. Salamat na lang at hindi ko siya makita. Pero nakita ko sina Kristine at Cheska sa usual na nilang lamesa. Ginawa na nila itong VIP table dahil walang ibang nakakakuha ng lamesang ito kundi sila. Hmmp! Hanggang sa military may special treatment! This should be an institution of order and justice and yet...." Bigla kong tinigil ang aking pagsimyento. Naisip kong lalo lang akong magiging bitter kung lagi kong iisipin ang mga negative vibes sa paligid. Tama na si Ante para sa isang sakit ng ulo. Sa puntong ito ay napansin ko ang pasimangot na titig sa akin ni Kristine at Cheska. Sa aking pag-iisip, di ko namalayang matagal na pala akong nakatingin sa kanila. Mabilis kong ibinaling ang aking mukha sa unahan ng pila.
Nang makakuha ako ng pagkain, tsaka ko palang napansin na madadaanan ko ang lamesa ng dalawa para makabalik sa aming pwesto. Dito lumiliko ang lahat ng nasa pila pagkatapos makakuha ng pagkain pabalik sa kanilang upuan. Naalala ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa aking ulo ni Cheska. Naalala ko ang banta ni Kristine - Simula pa lang 'yan ng iyong kalbaryo! Biglang nakaramdam ako ng pag-asim ng aking sikmura. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa gutom o sa labis na pag-aalala. Sa titig ni Kristine at Cheska kanina, parang may binabalak na naman gawin masama ang mga ito. Humihinga ako ng malamin at marahang naglakad pabalik kina Aira at Irish. Nang malapit na ako sa lamesa nina Kristine at Cheska, nakita ko sa sulok ng aking mga mata na itinigil nila ang kanilang pagkain at galit na tumitig sa akin. Sa aking pagliko, dahil nakatutok ang aking mata sa kanilang dalawa at hindi sa aking nilalakaran, ay hindi ko napansin ang nakaharang na paa ni Kristine. Dahil dito, natapilok ako at sumubsob. Tumilapon ang dala kong pagkain sa sahig at sa buo kong katawan. Biglang tumahimik sa loob ng mess hall pagtapos ng maingay na pagkalangsing ng bumagsak na pinggan at bowl.
Kahit nakadapa, ramdam kong nakatutok lahat ang tingin sa akin. Mabilis akong tumayo at ipinunas sa aking uniform ang mga kamay ng basa ng sabaw ng ulam. Pinagpagan ko ang aking damit na puno ng magkahalong pagkain at lupa. Dumikit sa buhok ang ilang kanin. Wala akong naiisip kundi tumakbo at umalis sa lugar na iyon dahil sa kahihiyan. Habang tumatakbo ako ay umalingangaw sa tahimik na mess hall ang sigaw ni Kristine. "Run! Beauty without brain!"
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Mystery / ThrillerIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...