MATAAS NA ANG SIKAT NG ARAW paglabas ko ng tent. Ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin at bumalik sa ulan-mayaman ang pagpatak ng ulan. Puno ng putik at mga nilipad na mga dahon at damo ang ibabaw ng mga tent sa kampo. Nagmukha itong dinaanan ng bagyo.
Hindi ko inalintana ang makapal na putik sa aking nilalakaran kahit na halos matakpan na nito ang aking combat shoes. Ang iniisip ko ay ang kaba sa aking dibdib. Paano kung hindi nakatakas si Kristine? Paano kung sinaksak din siya ni Hulk Hogan katulad ng ginawa nito sa akin? O kaya ay sinakal hanggang maging ube ang mukha? Kailangan kong makasiguro. Pilit kong ibinalik sa aking alaala ang saktong lugar kung saan ko nakita si Kristine at natiyak kong sa dulo ito ng kampo malapit sa helipad station. Hindi ko alam kung anong hahanapin ko doon pagdating ko. Hindi ko rin alam kung ano ang aking daratnan. Pakiramdam ko ay itinutulak ako ng aking instinct para puntahan ito. Mali ang sabi ng trainor namin. Hindi lang suspek ang bumabalik sa pinangyarihan ng krimen kundi maging ang naka-survive na biktima rin. Gusto kong malaman kung anong nangyari pagkatapos akong malagutan ng hininga.
Nakadapa na ang dating nakatayong mga talahib nang dumating ako. Hindi tulad noong gabi na kailangan ko pang sumilip bago ko makita ang nasa likod nito. It has become an open field. Dahan-dahan kong tinapakan ang magkahalong damo at putik, iniiwasang may magalaw na bagay na maaaring magbigay sa akin ng clue. Tumigil ako sa bandang gitna at iniligid ang paningin. Mula sa mga hukay sa putik at mga napitas na damo, bumalik sa aking alaala ang pakikipagbuno ko sa grupo ni Hulk Hogan. Nakita ko sa aking isipan kung kaninong mga paa ang gumawa ng mga hukay dito. Napatingin ako sa aking kaliwa at naalala ko si Kristine. Doon ko siya nakitang nakahandusay, umiiyak at sumisigaw. Inihakbang ko ang aking mga paa para puntahan ito. Sa aking paggalaw ay nakita ko ang tila dugong biglang lumabas sa ilalim ng lupa at humalo sa putik. Bumalik sa aking alaala na dito ako nabuwal at nilagutan ng hininga. Ilang hakbang pa at nakita ko ang nalagot na dogtag ni Kristine. Pinulot ko ito, tinanggalan ng putik, at itinago sa aking bulsa. Habang nag-iisip kung nakatakas ba siya o hindi, nakita ko ang bakas ng kanyang combat shoes mula sa natuyong putik patungo ito sa bahaging kaliwa sa aking kinatatayuan. Wala ng bakas pa akong nakita maliban dito. Tinungo ko ang direksyon sa aking kanan at saka ko nakita ang mga bakas na iniwan ng grupo ni Hulk Hogan. Papalayo ito sa tinungo ni Kristine. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Biglang napanatag ang aking kalooban. Nakatakbo si Kristine at hindi siya nasundan ng mga ito. Habang ninanamnam ang konting saya sa aking dibdib, ay napansin ko ang kakaibang hugis at laki ng mga bakas sa aking harapan. Mas malaki ito kaysa sa bakas ng isang normal na tao. Mas malaki rin ito kumpara sa bakas ng isang hayop. Habang sinusundan ko ang direksyon nito ay nasiguro kong bakas ito ng dalawang paa ngunit natitiyak kong hindi ito sa hayop at base sa hugis nito ay lalong hindi ito sa tao. Nang marating ko ang lugar kung saan ito tumigil ay bigla akong sinakloban ng takot at kaba. Dinala ako ng mga bakas sa likod ng mga container van! Dito ito tumigil at kung saan nagpunta ay nakakapagtakang wala ng bakas — ang bakas ng isang halimaw! Dito rin ako natagpuan nina Aira. Walang saplot, duguan, at walang malay. Ako ba ang halimaw na nag-iwan ng mga bakas na ito? O inatake ako ng halimaw na ito at siya ay aking nasugatan at nakatakas? Dugo ba ng halimaw ang dugong bumalot sa 'king hubad na katawan?
Dahil sa takot at dahil hindi makahanap ng sagot na makakapagpaliwanag sa aking isipan, mabilis kong nilisan ang likod ang container van at tinungo ang smoking area kung saan laging nagtatambay si Kristine at Cheska. Ngunit sa aking paglalakad ay nakasalubong ko ang isang babaeng trainee mula sa Drone, Tactics, and Surveillance unit. Agad ko siyang sinundan at hinawakan sa braso para kausapin.
"Ano ba!?" angal nito. Hindi ko ito pinansin at may pagmamadali kong sinabi ang aking pakay. "Nakita mo ba si Kristine? Nakita mo ba siya? Ha?" Nangatal ang aking boses na kanyang ikinatakot at the same time ikinairita. "Okay ka lang ba! Bakit ako ang tatanungin mo! Tanungan ba ako ng mga nawawala? Ha!?" kunot-noo nitong sagot. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanyang mga braso. "Ang sabi ko kung nakita mo si Krisitine!" ulit ko. "Ano ba! Nakakasakit ka na! Hindi ko nakita! Hindi!" galit na sagot nito at ako ay itinulak. Natulala ako sa nangyari. Ano bang ginagawa ko? Bakit parang nababaliw na ako? Naitanong ko sa aking sarili. Sinubukang kong mag-inhale at mag-exhale ng malalim. Pinakalma nito ang aking damdamin ngunit saglit lang.
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Gizem / GerilimIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...