CHAPTER 4 - Headturner

335 24 1
                                    

KINABUKASAN, hindi pa rin tumigil ang pag-ulan. Naging mahirap pa rin para sa akin ang pag-jo-jogging pataas. Parang naging mas makitid at masikip lalo ang daan. Naging mas matagal at mas matindi ngayon ang pag-atake ng aking claustrophobia. Tila gumalaw naman ang lupa at lalong tumirik ito pataas dahil wala pa ako sa sangangdaan ay hinihingal na agad ako. Nadagdagan rin ang maliliit na sugat ko dahil sa hiwa ng mga matatalas na sanga. Nagkaroon na ko ng galos hindi lang sa mukha kundi pati na sa leeg. Pero hindi ko ito pinansin. Nasa isip ko pa rin ang madilim na bahagi ng magkabilang tabi ng track. Gusto kong itanong kay Aira kung meron ng insidente dito ng aswang abduction. Pero inisip kong baka pagtawanan lang ako nito. Baka sabihin nitong masyado akong exagerated at pinalalaki ko ang issue. Para sa kanya, mas delikado pa 'yun bangin sa ikatlong daan. Habang tumatakbo ay agad ko itong binura sa aking isip. Siguro nga ay nag-o-over react lang ako.

Mula sa ibaba ng gubat, magkakasabay kaming tumakbo. Pero hindi na ko hinintay pa ni Aira nang hindi agad ako makasunod. Mabilis itong nawala sa aking unahan. Iniisip nitong kabisado ko na ang daan at alam ko na rin na sa tuktok magtatagpo ang grupo. Pero sinadya ko naman talagang magpahuli. Hindi ko pa kasi nakikitang dumaan sina Ante at ang dalawang frustrated fashionista na si Kristine at Cheska. Maging ang ibang miyembro ng Drone and Tactics ay hindi ko pa napapansin. Pagdating sa sangangdaan ay tumigil ako para maghinga. Napayuko ako sa pagod. Sa tuwing may mapapadaan ay napapatingin ako, umaasang makikita ko si Ante. Pero walang Anteng dumaan. Wala rin ang mga hilaw na model. Parang bumigat ang aking dibdib. Sumama na naman aking pakiramdam. Nakipagkita kaya si Ante kay Kristine kagabi pagkatapos akong ihatid sa aking quarter? Naisip ko. Hindi malabo. Naalala ko ang MWFS ni Kristine. Wednesday kahapon. Ito ang araw na pinili niya para masarili si Ante. Marahil napuyat ang dalawa kagabi at ngayon ay tanghali ng nagising. Na-imagine kong pinagpupush-up na sila siguro ng kanilang team commander bilang kaparusahan. Nadamay din siguro ang buong team. Naibsan ng konti ang selos at inis sa aking dibdib. May konting ngiting gumuhit sa aking mga labi. And it's devilish.

Pagkatapos naming mag-breakfast sa mess hall, agad akong hinila ni Irish pabalik sa quarter para ayusan. "Sigurado ka ba sa balak mo?" pag-aalinlangan ko. "One hundred percent sure!" bulalas ni Irish. "Ewan ko lang kung hindi maglaway ang mga lalaking makakakita sa 'yo," nakangiting sambit nito habang inaayos ang aking buhok sa harap ng isang salamin. Parang gagamba sa ibabaw ng kanyang sapot ang dalawang kamay ni Irish sa ibabaw ng aking ulo. Pagkatapos niyang maayusan ang aking buhok at make-up-an ang maputla kong mukha, inilabas niya ang tinatago niyang seksing black and gray fatigue uniform. Matagal na raw niya itong hindi naisusuot at wala na rin daw siyang balak."I'm done sa pagpapaseksi," wika nito habang itinapat sa harapan ko ang damit. "Mukhang kasya sa 'yo. Sige na isuot mo na," excited nitong utos.

Mabilis akong naghubad at isinuot ito. Noong ko lang naramdaman ang pagkakaiba ng seksi at hindi seksing damit. Mas masarap ito sa katawan hindi lang dahil sa malaya akong nakakakilos na parang wala akong saplot, kundi tumaas din ang level ng confidence ko sa sarili. Muli akong iniharap ni Irish sa salamin at pinaikot-ikot. Nanlaki ang mga mata nito. "Wow! Hindi ko na-imagine na ganito ang magiging resulta!" bulalas niya. Para naman akong inakay na handa ng lumipad nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Pinalitaw ni Irish ang maganda at less obvious parts sa aking mukha. Noon ko lang napansin nang bigyang liwanag ni Irish. Red lips, rosy cheeks, and black eyelashes. Maging ang hindi gasinong matangos kong ilong at napatangos niya ng husto. "Is that my ass!?" walang anu-anong bulalas ko. Nagtatawa naman si Irish. "Ay hindi! Sa 'kin 'yan! Ano ka ba! Sa 'yo yan!" Hinawakan niya ako sa dalawang balikat para muling tingnan. Kumunot ang noo nito. "Bakit?" pagtataka ko. "Teka. May kulang pa,"sambit nitong kagat ang isang daliri habang nag-iisip. Umalis ito at may kinuha sa kanyang maleta. "Ano 'yan?" tanong ko. " Ang sikreto ng lahat ng babae, ang magic bra." walang kime nitong sagot. "Ha? Kailangan ko pa ba niyan?" Tanong ko habang nakatingin sa aking dibdib. "Alam kong malaki na 'yan. Pero mas patitindigin 'yan nitong magic bra." Laylay na ba ang sa 'kin? Pagtataka ko na lang sa aking sarili. Irish is the expert kaya sinunod ko siya. "Ayannn! See? Scarlett Johansson meet Ante! Ante meet the Black Widow! Lumabas ang killer look mo!" bulalas niya pagkatapos kong isuot. Tila humaba ang cleavage sa nakabukang collar ng aking uniporme. Mas bumilog din ang aking dibdib singlaki ng pakwan. Gusto ko pa sanang magpaikot-ikot sa salamin pero hinila na agad ako ni Irish papunta sa makeshift na gym para sa aming hand to hand combat lesson.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon